Page 17

222 28 24
                                    

Dedicated to: narwhalbaconn

Genie Pov.

"Arggg!" inda ni Ace ay este Jack. Agad niyang hinilot ang sintido niya.

"Okey ka lang ba Jack?" pag aalala kong tanong. Andito pa rin kami ngayon sa opisina niya.

"Lagi na lang sumasakit ang ulo ko, lalo na't may malaki akong poblemang kinakaharap." ramdam ko na poblemado siya sa mga sinasabi niya. Walang sabi ay agad kong hinilot ang sintido niya. Nakaupo siya sa mesa niya at ako naman ay nakatayo at hinihilot ang ulo niya.

"Wag mong masiyadong ibugbog ang sarili mo sa trabaho, tsaka wag kang mag alala walang poblema ang hindi na sosolve."

"Yeah you're right, pero kasi nababahala na ako dahil mananakaw na ng karibal ko ang buong kompanya at higit sa lahat ay ang lahat ng mga pag aari ko. Hindi ko kayang mawala yon sakin lalo na't pinaghirapan ko yon lahat." napatigil ako sa paghilot sa sintido niya kaya napatingin siya saakin mata sa mata.

"And I think, ikaw ang makakasolusyon sa poblema ko." agad siyang tumayo at hinakawan ang dalawa kong kamay. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit wala akong maramdamang spark pag hinahawakan ako ni Jack, bakit hindi ako nakakaramdam ng ugghhh.... hindi ako nakakaramdam ng love sa kanya. Pero dati kada hawak, yakap at halik niya sakin ay ramdam ko ang love at spark.

"Genie? Nakikinig ka ba?" bumalik ako sa huwisyon ko ng tapikin niya ang balikat ko.

"Ah eh, sorry na space out ako, ano na nga ulit yong sinasabi mo?" nakita kong lumungkot ang mukha niya.

"Sabi ko, maghaharap kami sa korte ng karibal ko, at alam kong ikaw ang bala ko para hindi niya maagaw ang lahat sakin. Kaya please Jill, magwitness ka. Ikaw lang ang pag asa ko." pagmamakaawa niyang sabi sakin. Nakita kong naluluha na ang kanyang mga mata kaya agad ko itong pinunasan gamit ang kamay ko. Wala sa sariling natapango ako.

"Really!!!"

"Ah eh... O-oo naman Hindi ko hahayaan basta basta na lang niyang makuha ang lahat sayo ng ganon ganon lang. Magtiwala ka lang sakin Jack, maipapanalo ko ang lahat sayo."
Urgg!!! Bakit ganito ang feeling ko sa kanya parang may mali! Bakit hindi ako komportable sa kanya?

"Awww... Thats my girlfriend." malambing niya akong niyakap. Yumakap din ako sa kanya, pero bakit ganon? Wala talaga akong maramdaman na love, at bakit hindi bumibilis ang puso ko. Dati pag ginagawa namin to, eh kahit hawakan lang niya ang kamay ko ay bumibilis na agad ang tibok ng puso ko.

"Sorry kung hindi kita nakikila nong nasa ampunan ka nakatira. Nagkaroon kasi ako ng....... ahm ng ano ng amnesia. Dont worry, sabi naman ng doctor ko, unti unti ko rin maaalala lahat."

sa kabilang banda.......
Ivan Pov.

"Sir kung kailangan niyo ng witness, ako. Ako ang gawin niyong witness. Saksi ako sa nangyaring aksidente sa inyo." sabi ni Shiela sakin.

"Maaasahan talaga kita Shiela. Bukas maghaharap kami sa korte ni Ace, hindi ko alam kung sino ang gagamitin nilang witness pero isa lang ang alam ko, binayaran niya ang gagamitin niyang witness."

"Sige Shiela, hindi na ako magtatagal pa may kailangan pa akong hanapin."

"Mag iingat po kayo Sir."

Nagtakip muna ako ng mukha bago lumabas. Buti na lang walang tao sa hallway kaya tinahak ko ang daan patungo sa office ni Ace. Nang malapit na ako ay tsaka naman may sumigaw na....

"Ayon siya!" nakita ko ang ilang guwardiya na tumatakbo sa kinatatayuan ko, at alam kong ako ang gusto nilang huliin. Agad naman akong tumakbo palayo sa office. S**t naman! Kung kailan malapit na ay doon naman sila sumipot. Tumakbo ako at tinahak ang elevator. Nang malapit na ako ay nagbukas iyon. Pero agad din akong napaatras patungo doon ng makita ang limang guwardiya na lumabas sa elevator at tumakbo sila sa direksyon ko. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas kung may humahabol na guwardiya sa likod ko at pati na rin sa harapan ko.

"Oo na sususko na ako." nakataas kong kamay na sabi. Agad naman akong hinahawakan sa magkabilaan kamay ng mga guwardiya.

"Lintek ka kay boss Ace ngayon."

Pinasok nila ako sa isang kwarto. Sa loob non ay nakita ko ang mga gamit ko sa opisina. Ang malambot ng sofa na kung saan ang pinakapaboritong tulugan ng Genie. Ang mesa ko, ang malaking picture ko na sinasabing ako ang Presidente ng kompanya.
Pinaupo nila ako sa maalikabok na sofa at agad nilang tinanggal ang takip ko sa mukha.

"T-teka? Sir Jack kayo ba yan?" mautal utal na sabi ng isang guwardiya.

"Tangek! Patay na kaya yon! Hoy ikaw! Sino ka ha? Bakit kamukha mo ang dati naming boss?" sabi ng katabi nito. Napangisi ako sa katanungan ng guwardiya.

"Ako to, si Ivan Jack Drefon at hindi ako patay. Pinalabas lang ni Ace na patay ako para makuha niya lahat ng mana."

"Isa ka lang impostor. Anong akala mo samin maniniwala agad kami sayo?" isang malakas na boses ang umalingawngaw sa loob at alam kong kaninong boses yon.

"G-good evening po Sir Ace." galang ng mga gwardiya.

"Umalis kayong lahat dito." awtoridad na sabi ni Ace sa mga gwardiya. Agad namang tumalima ang mga guwardiya sa loob at hanggang sa kami nalang ni Ace ang natira.

"How's life my little bro?"

"Ito, thinking on how to bring you down."

"Hahaha! Ang tapang mo naman? Do you think na makukuha mo ang lahat saakin? Tsk! tsk! tsk! Never!"

"Tignan na lang natin kung sino ang mananalo."

"Napaka high naman ng confidence mo little bro. I wonder kung sino ang gagamitin mong witness bukas? Pero ito lang ang masasabi ko sayo. Hindi hindi mo maipapanalo ang kaso. You are still a loser!"

"Wag kang magpaka sigurado big bro. Maybe this time I will make you suffer."

"Sinong tinakot mo? Tinakot mo lang ang sarili mo. Diba pinagbantaan na kita na wag na wag kang magpapakita sakin or else,....." may binulong siya tenga ko at agad kong naiyukom ang mga kamao ko.

"Guards! Ilabas niyo na siya!" pumasok agad ang mga guards at mabilis nila akong hinila palabas ng kwarto.

"Wait! Where's Genie?"

"She's mine now." walang silbi niyang sabi.

"Ibalik mo siya sakin! Ace!!!!" pero parang bingi si Ace at nginisian niya lang ako.

"Wait! Kailangan ko munang hanapin si Genie! Bitawan niyo nga ako!!!!" Bingi rin ang mga gwardya to at tuloy tuloy lang nila akong hinihila.
Tuluyan na nila akong nilabas sa kwarto hanggang sa labas ng Empire Corp.

Where are you now Genie? I need you. Nanghihina ako pag wala ka sa tabi ko. Hindi ko alam pero lagi kitang hinahanap, gusto ko lagi kitang nakikita kahit na binubwisit mo lang ako. I know this feeling, ganito yong feeling noong nililigawan ko pa si Genie, my ex.

"Papa Ivan! Here's my sweet kiss!!!!"
sa kakadrama ko hindi ko namansin si Facio na nasa likod ko pala at sinunggaban ako ng yakap. Nilalapit niya sa mukha ko ang mukha niyang chakadoll sa sobrang kapal ng lipstick!

"Pagbigyan mo na ako sa lips lang naman eh!!" sabay haba ng nguso niya at tinatapat iyon sa labi ko!

Somebody help me!!!!
S**t lang hindi ko kaya ang powers ng baklang to! Ang laki ng muscle!!






Thank you for reading.

Author: Miss_Stragic

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon