Today's definitely not a good day.

After 3 days.

"Shala mo Ernestine dami likes ng new posts mo ah!" Nasa gilid kami ng school,  the usual tambayan ng mga estudyante lalo kapag gutom madami kasing food dito at mura pa. My next class starts in 30 minutes pa at malapit lang ang building from where we are kaya relax lang ako dito with my strawberry iced tea.

"Why are you stalking me May? Sobrang clingy ah." Biro ko sa kanya. Surprisingly the 'people' concept clicked mas dumami pa nga ata ang followers at likers ko when I started posting people's stolen photos.

Who knows? Baka ito pala ang 'forte' ko.

"Ay shala! Stalker agad di pwedeng napadaan lang sa account mo teh?" Paliwanag ni May, hinayaan ko lang siya.

"Whatever. Tara na sabay na tayo pabalik sa school." Niyaya ko na siya at sabay kaming pumunta sa mga klase namin.

"Hi Tin!" Bati sakin ng aking usual seatmate when I entered the classroom, si Julia. She's also a volleyball player sa school, same year kami so rookie palang siya. Tumabi agad ako sa kanya.

"Hello Julia, ang aga mo ah. No training?" Usually kasi nalalate siya dahil galing pa siya ng practice nila grabe lang their dedication, namimiss ko din maglaro pero di ko namimiss ang trainings. Hehe.

"Hindi. May league kasi na sasalihan ang basketball team so nagrequest sila ng early morning training kaya tanghali yung amin." I nod at her explanation.

"Ohh." I uttered, lost for words.

"Speaking of, ang ganda nung shot mo sa players natin ah. Minsan naman friend ako din para may pangDP!" I laugh at her remark. Parang si May din to eh, kwela.

"Sure, sayang di ko dala today yung baby ko. I'll bring it tomorrow tapos visit ako sa training niyo." Sagot ko.

"Yas! Mapapalitan na din ng HQ ang LQ DP ko sa facebook." Julia the cheerful talaga to eh, daming energy naghappy dance pa sa upuan. "Sira! Small things." Sagot ko naman, then we both giggled.

The class is already halfway done when someone cut in.

"Sir, sorry po. Late natapos yung training." Wet hair, basketball shorts, big gym bag and basketball shoes. Yups, he just got off from training. Lahat kami nakatingin sa kanya.

"Andrei, okay lang. Next time if it'll be this late just hand in your excuse letter ah? So the class won't be interrupted na din. You may take your seat." Our professor responded with a concerned tone.

"Sorry Sir." He said but he doesn't sound like he is, nakangisi pa nga eh. Agad naman siyang pumunta sa vacant seat na nasa likod lang ng akin.

"Hi classmate." Swear I think I got chills because I felt his hot breath on my neck. When I redeemed myself nilingon ko siya at nakangisi nanaman si Loko.

"Tin, pacopy ng notes ah." Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya at bumaling kay Julia.

"Ya-yeah sige." My gosh bakit ako nauutal?

"Classmate pacopy din ng notes after niya ah." Bulong nanaman niya. Anong problema ng isang to? Yung totoo.

Mukhang narinig ni Julia ang sinabi ni Andrei kaya napatingin siya sa likod namin. Nakatagilid na kami parehas ni Julia para makita siya buti na lang patapos na ang klase baka masita pa kami. Sasaktan ko na talaga ang KSP kulang sa pansin na to kapag napahiya ako sa class.

"Bigay ko na lang sayo bukas sa gym Drei." Sabi ni Julia, aba teka. Pumayag na ba ako? Lumaki ang mata ko dahil sa pagkabigla sa pagpayag ni Julia.

"Di pa pumapayag si Classmate eh." Aba buti naman at nakaramdam siya. Nakatingin nanaman siya sakin, nakakaconscious tong lalaki na to.

Paanong di ako macoconscious pakiramdam ko may inside joke siya at tawang tawa siya sa isip niya habang tinitignan ako ang sarap tirisin ng ilong niya.

"Papayag yan, naiitindihan naman ni Tin na mahirap sating student-athletes ang magcatch up sa class minsan eh." Wow Julia may nalalaman ka pang ganyan, you just wait until this is over.

"Ay, ang bait naman ni Classmate." Ayan nanaman siya. Kailangan talaga todo ngiti? Di ba sumasakit panga niya?

"Uy, Tin. Okay lang di ba?" Siniko ako ni Julia dahil di ako sumasagot.

"Uhm. Yeah. Okay lang." Sagot ko sabay talikod na kay Andrei. Pagtapos mo ba namang ibida na mabait ako sa tingin mo ba Julia hindi ako papayag? Makikita mo talaga mamaya.

"Yes! Thanks classmate." Naramdaman ko nanaman ang hininga niya, that only means he's leaning near my back. Parang tumatayo ang balahibo ko buti na lang talaga biglang nagdismiss si Sir ng class, agad akong tumayo at niyaya si Julia lumabas.

"Kilala mo pala si Andrei, kaya pala yung ig post mo." Nagtaka ako sa sinabi ni Julia. Instagram post? I took me few seconds to process it.

"Oh my gosh! Siya si smaller guy?" I blurted out without thinking. Takang taka si Julia sa akin.

"Smaller guy? Pucha ka Ernestine! Smaller guy ang tawag mo kay Andrei?" Nakaramdam akong napagtinginan kami ng mga tao dahil sa lakas ng boses namin parehas.

"Hush now Juls. Ang lakas ng boses mo." Sita ko sa kanya.

"Wow, as if ang hina ng boses mo kanina. So ano nga, di mo kilala si Andrei?" She stared at me like I'm an alien. Well not anymore thank you. I am very much aware now of who he is.

"Hindi. Ngayon ko lang nalaman na isa pala siya dun sa picture na 'yon." I admitted, di ko naman talaga alam eh.

"Ahhh, akala ko magkakilala kayo kasi parang feeling close siya sayo." Natawa ako sa sinabi ni Julia, agree ako sobra.

"Totoo. Hayaan mo na nga siya, sige na go to your next class puntahan ko na si May. Bye, see you tomorrow!" We parted ways, while waiting for May sa bench I opened my data connection to check on my accounts at baka nagmessage si Ate Ella magtatampo nanaman kapag di ko na sagot but as soon as I opened it there's a notification that made my heart skipped a beat.

@andreicaracut commented on your post

Classmate daan ka ulit sa training namin ah @ernietiamzon 😊

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon