TFY 5: To The Beach

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bata ka pa nung unang punta mo dito diba? 11 ka palang yata? Bulinggit ka pa nun. Now hindi ko na nga masabing Dalaga ka. You look like a real woman now." Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Jake. Inirapan ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Time changed me." Mahinang sabi ko. Napansin kong napalingon ito sa akin. Nilapitan niya ako sabay akbay sa akin

"Alam mo bakit Paborito kita?"

"Bakit?"

"Because you have a beautiful heart. Madali kang mahalin. Gusto nga kitang agawin kay Tyron at ampunin nalang kita kaso, Papatayin ako ni Tyron. Binabakuran ka ng Kuya mo alam mo naman yan" Napatingin ako saglit sa kanya. Pero diretso ang tingin niya. Alam kong pinapayuhan niya ako. Naiintindihan kong alam nila ang gustong ipahiwatig ni Kuya sa akin.

"Pero-" Napatigil kami sa paglalakad ni Jake. Nahuli na pala kami at nauna na sila sa Villa. Humarap ito sa akin

"Pero Mahal mo siya at hanggang ngayon hindi parin matatanggap ng Kuya mo yun." Seryosong saad nito sa akin. Napayuko ako. Ito ang mga katotohanan kinatatakutan ko.

Napahinga ako ng Malalim at inayos ang sarili ko "Kahit pumamagitan pa sa amin ang Kuya ko, Hindi na niya ako mapipigilan. Pero hindi Ibig sabihin nun ay binabalewala ko siya. Umaasa parin ako na isang araw. Maiintindihan niya ako at ang nararamdaman ko. "

"Talagang malaki ka na nga. Kaya mo naman sigurong panagutan ang bawat desisyon mo. Wala akong kinakampihan sa inyo. Kung saan ka maaya. Magiging Masaya rin ako para sa iyo"


***********************


"Hi!" Sinubukan kong Batiin ang Babaeng yun. Si Lianne. Nilingon ako nito. Parang nagtataka o naguguluhan. Ibinulsa ko ang Phone ko at lumapit ako sa kanya

"Ako si Nyda. Kapatid ko si Tyron. Kaw si Lianne diba? Asawa ni Rowin."

"Oo. Nakwento ka sakin ni Rowin."Ani niya

"Biruin mo may naasawa ang bugnutin na yon" humalakhak ako. Actually si Rowin ang pinaka masungit siguro sa kanila. Pero hindi naman ako sinusungitan nito. Para rin siyang kagaya ni Jake. Parang nakababatang kapatid ang turing nito sa akin

"Siya ba ang pinakamasungit sa kanila?" Tanong niya. Kumunot bigla ang noo nito.

"Oo. Parang babae yan moody. Bugnutin madaling magalit. Well actually lahat sila ganyan. That makes them more handsome naman. Gwapo nga si Rowin pero matuturnoff ka naman sa Ugali. Pero pinakagwapo parin si Tristan para sakin" Para akong kinilig bigla. Totoo naman. Bukod sa mabait si Luke. Pang hollywood pa ang pangangatawan at mukha

"Tristan? Si Luke ba yun? "

"Yup. Tristan ang tawag ko sa kanya. I wanna be Unique at gusto ko Ako lang ang tatawag sakanya ng ganyan."

"Gusto mo siya??"

"I love Tristan Luke Villiarde so much. Kaya liligawan ko siya sa ayaw at sa gusto niya."

Napatigil ako napaisip sa kanya. Determinado na akong makuha ulit siya. Naging duwag ako at umalis nuon. Dahil nagpakasal siya at pakiramdam ko walang wala na akong puwang sa buhay niya.

"Sigurado kaba sa sinasabi mo baka masaktan ka lang? May pagkaloko rin si Luke."

"Bata palang ako ito na nararamdaman lo kaya it's now or never. Diba sabi nila kapag mahal mo ipaglaban mo. I'm just doing what I know. At kung saan ako papanatag. Kung susugal ako I will... "

***************************



Natuwa ako nang napapayag ko si Ate Lianne na magsuot ng Bikini. Ang Sexy pala nito at ang puti. Talagang sinadya kong Magdala ng Madami. Kasi ang hirap naman pumili. SInuot ko ang Blazer ko at nagtungo kay Ron. Nakita ko kasi ito kanina.

"How long has it been?" Nagsalita ako. Dahil nakatalikod ito. Napalinga linga ito sa paligid niya

"Psh. Sorry? May I help you?" Inalis pa nito ang shades at pinagmasdan ako. Nawala ng ngiti sa labi ko.

"Stop Kidding!" saad ko sa kanya. Tumawa naman ito ng mahina at lumapit sa akin

"Sino ka ba Miss?" He furrowed his brows and glanced at me "Oh Come On Ron!" Hindi ko na napigilang napataas ang boses ko

"Okay. Nyda. Okay. Hindi ka man lang Mabiro. Napaka Sexy mo naman" He said in a husky voice. He bit his lip. Parang iba ang ibig sabihin nun sa akin kaya hinampas ko siya. Humalakhak lang ito at umatras sa akin

"Alam mo kapag makikita ka ngayon ni Rowin dito sigurado akong lalanding ang kamao nun sayo." Pagbabanta ko sa kanya. Tumikhim lang ito at luminga linga sa paligid.

"Problema ko na yun. I think that is your problem now." Napansin kong nakatingin ngayon ito sa likoran ko. Pumihit ako para tignan kung ano ang kanina pa niya tinititigan

Not Expecting that Luke was the one who caught his Attention. Nagulat ako nang bigla akong hinila ako nito sa isang yakap. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa likoran ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa o motibo ni Ron ang alam ko lang. Galit ito kay Luke.

"Nyda." Alam kong sakanya ang boses na iyon. Kaya kumalas agad ako sa pagkakayakap ni Ron sa akin at humarap kay Tristan. Napakseryoso ang titig nito. Naramdaman ko na parang nag tatagisan na sila ng Titig ni Ron. Bigla kong naramdaman ang init sa pagitan nila. Alam kong Hot sila pareho pero ibang init ang nararamdaman ko

"Tristan! Bakit?" I smiled widely.

"Pinapatawag ka ng Kuya mo. Kapag hindi kita sinama ngayon at umalis dito siya ang kakaladkad sayo" Saad nito pero nakatuon parin ang titig niya kay Ron. Nakita ko ang ngisi sa mga labi ni Ron

"Ah Okay sige. Ron. Call you na lang" Sinenyas ko sa kanyang aalis na ako. SUmunod na ako kay Luke. Pero anong meron sa kanya at ang bilis bilis niya mag lakad halos hindi ko na siya mahabol habol

"Tristan saan si Kuya?" Pero hindi ako sinagot nito. Patuloy lang siya sa paglalakad. SInubukan ko siyang unahan sa paglakad at hinawakan ang braso niya.

"Asan si---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana nang bumaling ma mukha niya sakin. Nanlilisik ang mga mata nito at parang Galit.

"What is your game this time Nyda?" Malamig ang boses na pinakawalan nito. Hindi ko alam pero parang nagilabot ako at nangutog ang mga binti ko sa titig niya

"Ano bang sinasabi mo?"

"Nagaapply ka sa Coffee Shop for what? Experience mo? Oh Come on. Business Man ang Kuya at Daddy mo anong sasabihin nila kapag malalaman nilang nagtratrabaho ka dun?" He hissed.

"Nagpaalam ako kay Mommy. Pumayag naman siya and for dad hindi siya magagalit. Si Kuya naman I will tell him. I will explain"

"Nyda, Don't play your games with me. Dahil sinasabi ko sayo, Ngayon pa lang kahit hindi ka pa nagsisimula sa laro mo. Talo ka na."

*********************


UNEDITED

VOMMENT!


To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon