"Mabuti naman at nakukuha ka sa isang salita..." his calloused hand made its way to my jaw and my whole body shivered in fear of his touch.

"Dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko saiyo sa oras na hindi ka sumunod saakin..." patuloy niya. Ang kamay nito ay bumaba sa aking leeg.

"N-nasaan ako?" sinubukan kong magtanong muli.

"Nasa bahay-aliwan."

Tinakasan ng kulay ang buong mukha ko dahil sa narinig. Sumilay ang nakakahindik na ngisi sa mukha ni Ibarra, habang pinipigil ko naman ang sarili na maiyak sa nangyayari.

"B-bakit ako n-nandito?"

"Simple lang," he tucked my hair behind my ears, before his hands made its way back to the back of my neck. "Ikaw ang papalit sa mga babaeng itinakas ng puñetang panganay ng mga dela Cuesta."

Natigilan ako, hindi lang dahil sa sinabi niya kung hindi dahil na rin nang marinig ko ang apelyido ni Inigo. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa hukuman kanina. Si Ibarra... siya ba ang may pakana ng sunog?

"Dela Cuesta... putang inang dela Cuesta. Mula kay Alejandro, sa kanyang bastarda, hanggang sa anak nitong lalaki... lahat sila ay sakit sa ulo!" galit na sigaw nito.

"Mabuti na lamang at matalino si Isagani..." nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakita 'yon ni Ibarra kaya naman napangisi siya na para bang aliw na aliw sa gulat kong reaksyon.

"I-ikaw..." nanginginig ang boses ko sa galit. Humigpit rin ang aking hawak sa suot na saya sa sobrang galit.

"Ako nga, Eloise. Ako rin ang nag-utos kay Primitivo na linlangin ang estupidong si Inigo dela Cuesta. Bakit? Aawayin mo ba ako?" tanong nito, matapos ay humalakhak.

"Aawayin mo rin ba ako?" tanong niya at pinisil ang aking pisngi. "Nakita mo ba kung ano ang nangyayari sa mga taong kumakana saakin? Kung hindi sa hukuman ay sa hukay ang kanilang kinalalagyan. Aawayin mo pa rin ba ako?" nanunuyang tanong niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatingin ni Ibarra sa isa't-isa. Hindi ako nagsalita. Pinaramdam ko dito ang galit ko sa pamamagitan ng aking mga mata. Naputol ang aming tinginan nang biglang kumalansing ang bakal na pintuan, nagsasabi na may bagong dating.

"Gobernador, paumanhin sa aking pang-aabala, ngunit nasa labas po ng bahay-aliwan ang mga cabildo at ang ating obispo!" hinihingal na balita ng isang guardia civil. Muntikan na akong mapasubsob sa sahig nang bigla at marahas na binitawan ni Ibarra ang aking mukha.

"At, punyeta? Nais mo ba talaga na humarap ako sakanila at malaman na ako ang nagpapatakbo nitong bahay-aliwan? Estupido!" gigil na usal nito. Napatalon at napayuko naman sa takot ang guardia civil.

Bakas ang gigil at galit sa bawat galaw nito. Ibarra harshly stood up from the ground. Inayos ang suot na abrigo at ang natabingi nitong sumbrero. Then he nodded at Primitivo who's standing at the corner. Noon rin ay nakatingin ito saakin, kaya naman tiningnan ko ito nang may halong poot at disgusto, but he just averted my gaze like nothing. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa nasaksihan.

"Alam mo na ang gagawin mo," 'yon lamang ang malinaw na narinig ko sa lahat ng sinabi ni Ibarra. Señora Elvira nodded at that statement. Ang mga matalim niyang mata ay dumapo sa akin na siyang naghatid ng panibagong kilabot sa aking sistema.

Ibarra left the cell with Primitivo and the guardia civil earlier. Hindi na rin ako umasa pa na tatapunan ako ng tingin ni Primitivo. I guess, I didn't really know him after all.

"Binalaan ko na si Felicidad tungkol saiyo. Ngunit ninais niya pa rin na ulitin ang kanyang pagkakamali..." umangat ang ulo ko upang tingnan si Señora Elvira na ngayon ay dahan-dahang naglalakad palapit sa akin.

San CarlosWhere stories live. Discover now