BNP11: Nagsimula Na

Magsimula sa umpisa
                                    

       Natigilan ako."Ah.. pa'no si Lianna?"

        "Nakausap ko na si Maring, may dadating siyang pamangkin na maka-katulong niya. Two days lang naman ako."

         Humingi ako ng asukal kay Aling Maring. "Manang asukal saglit para sa kape ko."

        "Salamat," pag abot niya. "Manang, okay lang ba kayo muna bahala kay Yanna?"

       "Ey! Alang problema anak, mamaya dadating ang pamangkin ko. Magtatabi na lang kami sa higaan."

        "Hindi ho ba nag-aaral ang pamangkin niyo?"

          "Ay! Scholar po 'yun sa probinsiya. Inimbitahan ko lang dito sa Maynila pero sa Caloocan talaga dapat siya dederetso."

        "Hay! Salamat Manang. Kahit tatlong linggo pa lang kayo ay napakalaking tulong po ninyo."

        "Walang anuman, sinusulit lang 'yong binabayad sa akin. Mauna muna ako at may nakasalang ako sa washing machine."

       Pag-alis ni Manang ay tinitigan ni Janna ang matanda. I asked why.

         "Ang groovy kasi ni Manang Ciss eh. Parang hindi lola. Dapat mag zumba na rin tayo Ciss, atsaka ikaw ate Gli, para sexy pa rin tayo pagtanda."

         "Hay Janna, ayan ka naman. Wala pa ngang nagaganap sa mga gusto mong gawin. Zumba naman ngayon?"

        Matapos kaming kumain ay gumayak na kami ni Janna. Pag-labas namin ng pinto ay eksaktong may nag-dodoorbell sa gate. Mabilis lumabas si Manang at binuksan ang gate. Nagbatian ang dalawa, si Marcy pala. Napaaga yata ang dating sa alas nuwebe. Nang makalapit si Marcy ay bumati sa amin.

         "Maaga ako ngayon kasi may lakad ako after lunch. Okay lang sana."

        "Okay lang, ando'n sila sa loob. Si Manang na bahala sa 'yo ha," sabi ko  sabay pasok ng kotse.

         Pumasok na rin si Janna sa driver's seat. Habang nagmamaneho siya ay pinag-uusapan namin ang banda niya.

        "Hon...ano sa tingin mo? Magpapa-gupit ba ako? Stubborn hair oh," tapos winasiwas niya ang buhok niya.

        "Magpa-salon na lang tayo mamaya. Pa rebond ka kaya?"

        "Yay! Hindi bagay sa banda. Paikli kaya ako?"

        "Ganda-ganda ng buhok mo, sisirain mo? Tsaka hindi pa naman sure na ikaw ang drummer no!"

        "Wala kang bilib sa akin hon eh! Ganyan ka!"

         "Ibigay mo na lang ang chance sa mas bata sa 'yo."

          "F.Y.I Cissy ah..I am just twenty eight! Fresh and young...grabe to! 'Yung iba nga d'yan lagpas thirty na no!"

        "You really wanna do this, aren't you?"
       "Yes hon....sobrang gusto ko."

TANYA'S POV:

      Isang buwan na ako dito sa Pilipinas at tumutuloy sa isang condo na binili ko sa Makati. Natunton ko si Anjela at kinausap. Umarte akong nagsisisi at pahapyaw  na hiningi ang tulong niya. Sinabi niya na tahimik na ang buhay niya at tahimik na rin sina Janna at Cissy. Mali ako, hindi ko nasilaw ng  pera si Anjela para tulungan akong sirain muli silang dalawa.

       Pero hindi ako istupida para umuwi rito sa Pilipinas at mauwi lang sa wala ang lahat ng pinlano ko.

         "Hello Agatha, kailangan ko ng tulong mo," sabi ko nang tawagan ko ang isang malapit na kaibigan na partner ko noon sa pag-gawa ng kalokohan.

         "Kailangan kong mapalapit sa dalawang taong gusto kong pasukin ang buhay."

        "Bakit? Did they hurt you? Kinda' revenge?"

        "Basta, easy lang. Nasubaybayan ko naman na sila at alam ko na ang ilang bagay na ginagawa nila sa araw-araw. I just need to be careful."

         "So, ano'ng tulong ang kailangan mo?"

        "Magkita tayo sa Manila Pen ng alas otso,  ilalatag ko sa 'yo."

          Matapos ang usapan namin ni Agatha ay nagbukas ako ng facebook. Tsk! Tsk! Poor Janna and Cissy, their lives are so open in public. I just wonder, alam kaya ng mga tauhan at board ng company ni Cissy ang tunay nilang ugnayan Hmmmm....interesting. Another angle to consider.

       In~screen shot ko lahat from FB ang  lahat ng activities nila, pati Page ng kompanya nila ay nilike ko. Page ng JLC nilike ko, pero siyempre, dummy account ko 'yon. Lahat 'yun ay magagamit ko para sa plano ko.
After kong mag stalk sa Fb ay nag log in ako sa banko. Napailing ako na parang kukulangin na ang pera ko para sa lahat ng mga nakapila kong hakbang. Pero dibale na, dibale ng maubos kung makukuha ko naman ang mahal kong si Janna.

         I got my phone sa bed. Scrolling...tumitingin sa contacts na puwede kong lapitan para madag-dagan ang resources ko. Nang makapili ako ay madali akong nagbihis. Pinuntahan ko si Alfon.

        Si Alfon ay isang surgeon din na malapit sa ex-husband ko. May lihim siyang gusto sa akin dama ko, pero hindi ko siya pinursue dahil mas mayaman ang dati kong asawa.

        "Look! What brought you here dear lady?" Bati niya habang iginigiya niya ako sa hardin ng mansion nila.

         "Well, as you know, gusto kong magsettle down dito kaysa sa Dubai."

         "Bakit? Laos ka na ba as a model?"

          "Be a gentleman naman Alfon. Huwag kang bitter. Patay na ang asawa ko."

        Nag-uusap kaming mag-katapat habang isa-isang hinahain ng mga katulong ang pagkain namin.

        “Alfon...I'd be honest with you...." at kinuwento ko ang buhay ko sa kanya. As in lahat. Mula sa nakilala ko si Janna, hanggang sa pagnanais na gusto ko syang kuning muli. Sinabi ko rin ang plano ko sa pag-agaw kay Janna mula kay Cissy.

         "You're insane!" gulat na sabi niya.

        "Look Alfon, wala ka ng magagawa sa gusto ko. Isa lang naman ang hinihiling ko. At alam kong pabor sa 'yo yun."

        "Look Tanya, I am not what you think I am. Hindi ako nag-babayad para maikama ang isang babae. Kaya kong ibigay sa 'yo ang tatlong milyon, walang interest. Huwag mo na lang akong idamay."

       Umalis siya saglit at nang bumalik siya ay may dala na siyang cheke. Nagliwanag ang mukha ko at hinalikan ko siya sa labi.

         "Hanggang sa muli Alfon!" Ibinigay ko sa kanya ang cellphone ko at nirequest siyang ibigay ang numero niya sa bahay at trabaho. Binigay ko rin sa kanya ang lahat ng address ko at numero. Pati mga numero ng mga kaibigan kong lagi kong kasama.

          "Oh, lahat na ‘yan ha, para kung sakaling mag-bago ang isip mo, may idea ka kung saan ako makikita. You're much welcome!"

        Dineposito ko kaagad sa bangko ang pera. Patay na patay sa akin si Alfon! Ha! Ha! Ha! Echos niya lang na hindi niya ako type. Sa yaman niya, alam ko namang kurot lang ang tatlong milyon.

         That night I met Agatha. Hanggang mabuo ko ang plano, at ngayon ang simula!

Simula na.....

Nasimulan ko na ang pagpasok ko sa buhay nila........

**********************

Thank you for reading
vote comment suggest

Shanen

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon