Isang Alamat

36 2 2
                                    

Kumuha ng papel at luha'y gawing panulat,
Alalahanin ang pangako't sa kwaderno'y ilapat.
Iiyak ang sakit na nadarama upang ito'y maibsan,
Isulat at itapon, kalimutan ang nakaraan.

Magbagong buhay! Madaling sabihin,
Tila yata 'di mo alam ang tunay na ibig sabihin.
Sa mata ng matatalas at dilang mapangahas,
Silang kakaawaan ka at ituturing na malas.

Araw, linggo, buwan man o taon,
Di matatago ang bakas ng sugat na humilom.
Maging masaya, panahon ay hinubog ka,
Hindi ka na masasaktan, h'wag na ulit maging tanga.

Muli kang naiyak, ala-ala'y masakit na,
Kinalimutan ang kaibigan para sa kanya,
Magulang ay sinuway para sa kanya,
Ngunit sa huli ay iniwan ka rin nya.

Ginusot mo ang papel, itinapon sa dagat,
Ngayon relasyon nyo'y ganap na lamang na alamat.
Na kung saan minsan ay umibig ka,
Sa kasamaang palad pinagpalit ka sa iba.

----
Ang muli kong pagbabalik.

Nagmamahal, feeling peymuth na si Nami 😊😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon