Tula ni Sakura

116 8 3
                                    

Tula ni Sakura (pangatlong Tula)

Buwan ng Marso nagsimula,

Buwan ng Abril naglahong parang bula,

Ang bulaklak mo Sakura,

Na s'yang saksi sa aming pagsasama.

Malinaw parin sa ala-ala,

Mga panahong tayo pa,

Kung paano mo ako sinusuyo,

At hindi ipagpapalit, yan ang iyong pangako.

Buwan ng Marso nagsimula,

Buwan ng Abril naglahong parang bula,

Ang pangako mo Mahal ko,

Ay s'yang naging pako.

Ngunit bakit isang araw,

Nawala nalang bigla?

Iniwasan mo akong nag-iisa,

Sa lugar kung saan tayo ay nagsimula.

Buwan ng Marso nagsimula,

Buwan ng Abril naglahong parang bula,

Iniwasan mo akong nag-iisa,

At patuloy na umaasa.

Isang araw pumunta ako sa dating tagpuan,

Umaasang ika'y matatagpuan,

Ngunit muli, nabigo ako,

Dahil wala ni anino mo.

Buwan ng Marso nagsimula,

Buwan ng Abril naglahong parang bula,

Ako'y iyong kinalimutan na't--

Tuluyang binura sa sistema.

Pero nitong kamakailanlang,

Ika'y nagbalik muli at humihingi ng dispensa,

Nagpakasal kana kahapon lang,

Sa kadahilanang nakabuntis ka.

Buwan ng Marso nagsimula,

Buwang ng Abril naglahong parang bula,

Ano bang pagkakamali ko,

At nagawa mo akong saktan ng ganito?

Sakura ang ipinangalan mo sa bata,

Hango sa puno na syang saksi sa ating pagiging isa,

Hango sa pangalan ng babaeng sinaktan mo't pinaasa,

Hango sa pangalan ko, Sakura Nakahara.

Buwan ng Marso nagsimula,

Buwan ng Abril naglahong parang bula,

Ang pag-ibig mo sinta,

Parang bulaklak ng Sakura.

XOXOXOXOXOX

Oo na. Alam kong panget yan Huhu.

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon