Walang titulo.

135 8 9
                                    

Walang titulo (ikalimang tula)

Magandang araw sa mga taong araw-araw na nagtatrabaho,

Magandang araw sa mga taong walang ginawa kundi magbigay ng perwisyo,

Magandang araw sa lahat ng tao sa mundo,

Magandang araw sa bumabasa nito.

Ikaw! Oo ikaw, kilala mo ba ako?

Syempre hindi ang isasagot mo,

Sino ba naman ako upang makilala mo?

Isang hamak lang naman ako na tao kagaya mo.

Hindi ako sikat, hindi ako manunulat,

Hindi ako nagtatrabaho sa industriya na mapagpanggap,

Hindi ako nagtatrabaho sa gobyernong puro pasarap,

Isa lamang akong tambay na tahimik na nangangarap.

Bakit pa ba ako magpapakilala sa iyo,

Hindi ba't mas mabuti kung mananatili akong sikreto?

Upang masabi ko kung ano ang gusto ko,

Upang masabi ko kung ano ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung saan magsisimula,

Kaya't isisiwalat ko nalang kung ano ang nadarama,

Araw-araw kasi, laman ng balita,

Ay puro problema, walang katapusang problema.

Hindi ba't sabi sa liriko ng kantang bayan ko,

"Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi bakit di pagmamahal ang ialay mo?"

Pero tignan mo ang nangyayari sa MAMASAPANO,

Nasayang ang buhay ng maraming sundalo.

Oo trabaho nga nila, hindi ko naman sinasabing hindi,

Ang punto ko lamang ay kung kelan tayo titigil,

Pag ubos na ang kalahati ng ating lahi,

Paghuli na saka lang ba tayo titigil?

Tignan mo ang nangyayari sa gobyerno ng bansa,

Sila-sila nagbibintangan, nag-aaway sa wala,

Kurakot dito, kurakot doon sabi ng madla,

Tanggalin si PNOY kasi walang naidulot na maganda.

Hindi ba nila naisip na kung si PNOY ay aalisin,

Sa upuan, sa pwesto na lahat ng tao ay nanaisin,

Papalit si Binay na isa rin sa dapat walisin,

Nang gobyerno dahil kung hindi lahat tayo ay mag-uulam ng asin.

Sino ba talaga ang dapat sisihin ko,

Si Napoles ba o si Arroyo?

Sino ba talaga ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito,

Mga taong kurakot o mga taong paulit-ulit na nagpapauto?

Dumako naman tayo sa lipunan ng bansa,

Kelan pa matututo ang mga kagaya kong dukha,

Na magsikap magtrabaho upang buhay ay maging masagana,

Upang mga anak ay makatapos at maging edukada.

Wag mong idahilan sa'kin na wala kang tinapos,

Kaya't heto ka't nananatiling hikahos,

"Kung may tiyaga, may nilaga" itinuro sa'yo ng magulang mong napaos,

Kapapa-alala sayo upang ang buhay mo'y maging maayos.

Gusto mo bang matulad sayo ang mga anak mo,

Na walang pinag-aralan at nahihirapang umasenso,

Kasi kung oo ang sagot mo,

Naku Ale, wala ka ng pag-asa sa mundo.

Ikaw naman bata, oo ikaw.

Wag ka ng tumingin sa katabi mo dahil hindi naman s'ya ikaw,

Makinig ka sa sasabihin ko upang hindi ka maligaw,

Pakatandaan mong mabuti upang hindi ka matulad sa mga kaluluwang ligaw.

Mag-aral ng mabuti wag ka munang lumandi,

Hindi mo naman ikayayaman kung makapagsyota ka ng marami,

Bagkus ay hindi ka na makakabawi,

Sa mga magulang mo'ng ngayon ay puno na ng pighati.

Kung problema mo lang nama ay eskwelahan,

Napakarami dyan maghanap ka lang,

Libreng scholarship malaking tulong na iyan,

Kung talagang pursigido ka ang daming paraan.

Kung ang problema mo naman ay baon sa eskwela,

Bakit kailangan ba laging baon ay pera,

Hindi ba pwedeng pagkain na lang muna?

Tipid na si Nanay at Tatay makakaipon ka pa.

Kung transportasyon naman ang ating pag-uusapan,

Mga estudyante sa probinsya naglalakad ng nakaapak lamang,

Upang mga sapatos nila'y hindi madumihan,

Sa pagtapak sa putik at batu-batong daan.

Kaya ikaw ano pang pinuputok ng butsi mo,

Maayos na daan walang putik, walang bato,

Bakit di mo subukang maglakad pauwi sa tahanan mo,

Tandaan mo pag nagsikap ka may mauuwi kang premyo.

Ikaw naman nataandaan mo pa ba ang sabi ni Rizal?

"Kabataan ang pag-asa ng bayan" yan ang kanyang usal,

Ngunit sa tingin mo ano ang iyong inaasal,

Makakatulong ba iyan sa ating bansang nangangailangan na ng tulong at dasal.

Ngayon isipin mong mabuti kung ano ang pinupunto ko,

Wag mong ipasok sa kaliwa ilabas sa kanan na tenga ang mga sinabi ko,

Isipin mo na lang na lahat ng sinabi ko ay para rin sayo,

Para sa bansang itinatangi-tangi mo.

Sino ba ako para pangaralan ka,

Isa lang rin naman ako sa mga taong walang kwenta,

Oo tambay ako tama ka,

At dahil sa tambay ako nakikita ko ang problema ng bansa.

Ikaw nakapag-aral, nakapagtapos, nakapagtrabaho ka,

Ngunit nakikita mo ba ang problema ng ating bansa,

Hindi ba't wala ka ngang alam na balita,

Kung hindi mo pa narinig sa mga kapitbahay mong tsismosa.

Bakit ba ako nagpapakahirap ipaintindi sa iyo,

Bukas, makalawa, limot mo narin naman ito,

Di bale, wag mo nalang pansinin lahat ng mga isinulat ko,

Kase alam ko naman para sa iyo ay wala rin namang kwenta ang mga ito.

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon