konsensya

1.8K 8 0
                                    

Konsensya (ikalabing apat na tula)

Matang saksi sa kasakiman,
Matang saksi sa kahayupan,
Matang saksi sa maraming bagay,
Matang saksi sa pagwakas ng kanyang buhay.

Isang bangungot sa'kin ang araw na iyon,
Kung kelan kanyang ninakaw ang kanyon,
Kanyon na gawa sa ginto,
Mahal kung ipalit sa mga mag-giginto.

Kanyon na ala-ala ng nangyaring digmaan,
Sa ating bansa laban sa mga dayuhan,
Kanyon na nagsisilbing isang pamana,
Kanyon na tanda ng ating ninuno na sandata.

Nakita ko kung paano nya pinatay,
Ang sundalong naatasang magbantay,
Sa kweba kung saan itinago,
Upang maingatan at sa magnanakaw ay mailayo.

Ngunit bakit kahit ito'y iningatan,
Sila parin ay kanyang naisahan,
Sadyang magaling lang ba syang magnakaw,
O talagang ligtas na ito, sa kanila lamang pananaw.

Saksi ako sa kanyang pagkamatay,
Ay mali sya pala ay kusang nagpakamatay,
Sa kadahilanang kinakain raw sya ng kanyang konsensya,
Kanyang pagnanakaw ay isang maling gawa.

Kaya naman sa kanya'y natutunan ko,
Wag gagawa ng bagay na pagsisisihan ko,
Dahil baka ako'y matulad sa kanya,
Sa bandang huli ako'y usigin ng aking konsensya.

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon