kalayaang minimithi

58 2 0
                                    

KALAYAANG MINIMITHI

Isang beses sa isang taon ito'y ating ginugunita,

Panahong tayong mga pilipino ay matagumpay na nakalaya,

Sa kamay ng dayuhan, sa kanilang tanikala,

Sa wakas pilinas ngayon ay ganap ng demokrasya.

Ngunit kamakailan lang ako'y may napagtanto,

Totoo ba'ng malaya na ang mga pilipino?

Sa kamay ng dayuhan, sa kanilang tanikala,

Bakit mga pinoy ay patuloy parin na nagpapaalila?

Mga pinoy sa pilipinas walang mahanap na trabaho,

Pupunta sa ibang bansa at iiwanan ang pamilya rito,

Sasayaw sa harap ng mga hapon at magpapagamit sa mga kano,

Upang mga anak ay makatapos at maging edukado.

Mga kabataan ngayon panay ang paghanga,

Sa mga gamit at sa artistang mga banyaga,

Alam kong natural iyon, hindi naman ako kumokontra,

Sinasabi ko lamang ang sa tingin ko'y tama.

Xoxoxoxo

Alam ko naman na huli na to (ajujuju) at saka alam ko rin naman na bitin (bitin nga ba o ako lang ang nabitin)? Pero kahit ganon gusto ko parin itong i-post (yipeeee) !!!!

At kahit huli na talaga gusto ko parin kayong batiin ng HAPPY INDEPENDENCE DAY !!!!

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon