Ano nalang ang mangyayari sa mundo?

186 9 6
                                    

Ano nalang ang mangyayari sa mundo (ikalawang tula)

I
Ang mundong kinalakhan ng mga sinaunang pilipino noon ay hindi na kagaya ngayon,

Nagmamahalan, nagbibigayan, buong pusong nagtutulungan at iniingatan ang biyaya ng panginoon,

Mga punong matatayog, mga halamang magaganda at mababango,

Iniingatan, dinidiligan at bawal pitasin kuno.

II
Ngunit tignan mo ngayon ang nasa paligid mo,

Meron pa bang mga punong nakatayo,

May mga halaman pa bang mababango,

Nagmamahalan, nagbibigayan, nagtutulungan pa ba kayo ng kapwa mo?

III
Hindi ba't wala ka ng pakialam,

Sapat na sayo ang meron kang kinakain at tinitirhan,

Wala ka ng pake kahit basura ay itapon kung saan-saan,

Basta't mabili mo lamang ang iyong mga luhong inaasam-asam.

IV
Nakakahiya ka kapwa sapagkat wala kang alam na gawin na tama,

Hindi mo ba alam na masama kang ehemplo sa mga bata,

Mga batang hindi alam ang tama sa mali,

Ang importante lang sa kanila ay makapaglaro sa kalye.

V
Kelan mo pa makikita ang mga pagkakamali mo,

Kelan mo pa nanaising magbago,

Kapag ang mundong kinalakhan mo ay sirang-sira na,

Kapag ang mundo ay naglaho ng parang bula.

XOXOXOX
Tulang nasulat ko po nung grade 6 palang ako hihi.

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon