Lumbay

68 6 5
                                    

Lumbay (ikawalong tula)

Nang dahil sa pagkabigo,
Natakot na ako,
Magmahal at magtiwalang muli,
Ay isang pagkakamali.

Pangako mo sa'kin,
Ay aking dadalhin,
Sa pagtulog at paggising,
Upang lumbay ay pawiin.

Tandang-tanda ko pa,
Pangako natin sa isa't isa,
Na tayo'y magsasama,
Sa hirap at ginhawa.

Ngunit anong nangyari,
Sa sumpaan natin,
Hindi na ba maaaring---
Ibalik ang dati?

Sana'y panaginip lang,
O kaya'y bangungot nalang,
Ang iyong paglisan,
At pagsama sa dayuhan.

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon