Si Anak

114 7 8
                                    

Si Anak (ikaapat na tula)


 

I

Mula 'nung musmos hanggang sa tumanda,

Ni minsan ang pagmamahal mo'y hindi ko nadama,

Kasalanan ko ba kung ipinanganak ako sa mundong ito ng may kapansanan,

Hindi ko naman kagustuhang ipanganak ng may kakulangan.


 

II

Bakit ako ang sinasaktan at sinisisi mo,

Hindi ba't ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako naging ganito?

Kung sana hindi mo ninais na ako'y ipalaglag,

Di sana'y hindi ako pinanganak na pilay at bulag.


 

III

Naaalala mo pa ba nung minsang lumapit ako sa'yo,

Tinanong kita kung mahal mo ba ako,

Hindi mo 'ko sinagot bagkus pinalo mo pa ako,

Kung ako ang tatanungin mo Ina, mahal kita, 'yun ay totoo.


 

IV

Bakit ka ba ganito sa'kin Ina?

Ni minsan ba hindi mo ako tinuring na anak,

Nagsisi ka ba dahil ako ang iyong ipinanganak?

Isang anak na may kapansanan at walang kwenta.


 

V

Ina ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa ni Ama,

Nagawa ka lang n'yang pagsamantalahan dahil lulong s'ya sa droga,

Pasensya na kung hindi ka nya pinanagutan at hindi ka nakatapos sa kolehiyo dahil sa kanyang kalapastanganan,

Pero kahit ano man ang manyari lagi mong tatandaan, mahal kita Ina higit kaninuman.


 


 

XOXOXOXXOXOXXOOXO


 

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon