Suntok

102 4 8
                                    

Suntok (ikalabing pitong tula)

Isang suntok para sa bayan,
Suntok para sa mamamayan,
Suntok para sa bansang pinaglilingkuran,
Isang suntok para sa sariling dahilan.

Manny Pacman Pacquiao kung sya'y tawagin,
Lahat ng Pilipino saludo sa kanyang angking galing,
Sa pagsuntok sa kalaban buong pwersa'y iipunin,
Manalo, matalo sya parin ang magaling.

Sa Dyos sya ay palaging lumalapit,
Sa hirap at ginhawa o kung sa laban ay nagigipit,
Hahalik sa rosaryo at magdadasal ng taimtim,
Walang pakialam sa mga matang sa kanya'y nakatingin.

Yumaman na sya't lahat mahirap ay di tinalikuran,
Sya ay marunong lumingon sa kanyang pinagmulan,
Walang duda kaya sya ay palaging pinagpapala,
Nanatiling mabait at Pilipino sa isip, salita at gawa.

Ngayong araw ay laban mo,
Lahat ng Pilipino ay magdarasal na ikaw ang manalo,
Wag magpapatalo sa kalaban mong mandaraya,
Manalig ka lang sa panginoon sya na ang bahala.

Galingan mo Pacman bawat suntok ay mahalaga,
Para sa pamilya, lipunan, mamamayan at bansa,
Sa puso namin ikaw ang laging bida,
Pagdating sa suntukan sayo ay walang magpapatumba.

XOXOXOX
Para kay Pacman malay mo mabasa nya edi may balato ko haha dejk para sa kanya talaga walang kapalit hihi.

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon