JUAN!

221 11 6
                                    

Juan! (Unang tula)

I

Bumangon ka Juan at tulungan ang ating bansa,

Bumangon ka Juan at magpakadakila,

Bumangon ka Juan at lumaban hanggang sa iyong makakaya,

Bumangon ka Juan at turuan ng leksyon ang mga taong walang magawa.

II

Ikaw! Bakit wala kang ginagawa,

Bakit hindi mo ipagtanggol ang sarili mong bansa,

Bakit patuloy kang nagpapaapi sa mga banyaga?

Nagmumukha ka tuloy kaawa-awa.

III

Kelan ka pa lalaban kapag huli na ang lahat,

Kelan ka pa magsasalita kapag paos ka na kaiiyak,

Hanggang kelan ka papayag na maging alila,

Kapag tayong lahat ay nasakop na nya?

IV

Juan? Diba't ikaw, ako at tayong lahat ay si Juan,

Ibig sabihin ba nun lahat tayo ay nagkulang?

Kelan man tayong lahat ay hindi lumaban,

Pumayag apihin at tapak-tapakan.

V

Pasensya na kung tinuruan kita,

Na maski ako pala ay walang magawa,

Nakalimutan ko kasi kung sino si Juan,

Ikaw, ako, tayong lahat pala ay si Juan.

XOXOXOXOX

Sa mga nakabasa na po nito sa parang contest na parang ewan basta something please wag po kayong maingay huhu bawal kasi ipagsabi yung gawa nila e yung aking nipost ko na, pampaswerte haha.

Domo arigato!

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon