Nasaan ang Hustisya?

139 4 4
                                    

Nasaan ang Hustisya (ikasampung tula)

I
Nasaan ang hustisya sa aming mahihirap?

Laging nagtatrabaho abutin man ng magdamag.

Nasaan ang hustisya sa aming mahihirap?

Kami nang agrabyado, kami pang magpapakumbaba,

Kami nang kaawa-awa, kami pang may sala.

II
Naaalala ko pa 'nung hulyo disi-sais,

Umuwi ang anak kong naliligo sa dugo't pawis,

Sabi niya'y pinagsamantalahan sya, saka sya nagtangis,

Poot, galit, paghihiganti sa dibdib ko'y namayani,

"Lintik lang ang walang ganti" sabi ko sa sarili.

III
Kinaumagahan ng araw ring yaon,

Dumulog ako sa baranggay at humingi ng tulong,

Tinanong ako kung sinong may sala't nanamantala,

Sagot ko'y "anak ni kapitan habang lulong sya sa droga,"

Payo nila'y kalimutan ko nalang na may nangyaring paggagahasa.

IV

Ang sakit sa dibdib tuwi kong maaalala,

Wala akong nagawa para sa anak kong dalaga,

Ang sakit sa dibdib tuwi kong maaalala,

Walang hustisya sa kagaya kong walang-wala,

Walang hustisya sa kagaya kong kayod-barya.

V

Kung yaman rin lang naman---

Ang simbolo ng kapangyarihan,

Bakit di pera nalang---

Ang simbolo ng Diyos na Makapangyarihan,

At putik naman sa gaya kong dukha at mangmang.

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon