Kababata

67 3 1
                                    

Bago ko simulan ang aking tula ngayon ay gusto ko munang magpasalamat sa taong gumawa ng aking book cover na si TheBest_writer
maraming salamat sayo!

Kababata (ikalabingtatlong tula)

Hindi ko alam kung kailan nagsimula,

Hindi ko alam kung tama ba itong nadarama,

Sa rason na iniibig na ata kita---

Mahal kong kababata.

Tama bang sabihin ko sa'yo,

Na ikaw ang mahal ko,

Matatanggap mo pa kaya ako,

Oras na malaman mo ito?

Pasensya na kababata,

Hindi ko naman sinasadya,

Ang ibigin ka higit pa sa kaibigan,

Ay hindi ko talaga inaasahan.

Sana oras na malaman mo ito,

Ay mapatawad mo ako,

Sapagkat hindi ko ito ginusto,

Sadyang pinana lang ni kupido ang puso ko para sa iyo.

XOXOXOX
pasensya na po at maikli huhu. Walang napasok sa aking maliit na utak :(

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon