Finale

914 35 2
                                    

Chapter 21(FINALE)

Mae

Nagulat ako sa mga kataga ni JV noong isang araw, pero alam kong tama naman siya. Kailangan na naming pakawalan ang isa't-isa, tama na siguro ang ilang taong paghahanap ko sa kanya. Parehas kaming nasaktan dahil sa nakaraang iyon, kaya tama lang ang naging desisyon namin.

Agad kong kinapa ang aking kwintas, inilagay ko doon ang pendant na susi at padlock. Ngayon na magkasama na ang dalawang 'yon, siguro naman ay matutuwa na ako. Kailangan ko nang mag-move on, dahil nag-move on na si JV.

Isang linggo na rin kasi nang huli kaming mag-usap, tuluyan na kaming nagpaalam sa isa't isa. Babalik na sila sa UK bukas, iyon ang sinabi niya. Nakapagdesisyon na raw kasi siya, nirerespeto ko 'yon. Kahit pa sabihing mahal ko talaga siya, sino pa bang magdududa doon 'di ba? Ilang taon ko siyang inantay na bumalik at ilang taon ang paghahanap ko sa kanya, alam kong hindi nalang simpleng pagkagusto iyon. Mahal ko siya, pero hindi na pwede.

Naalala ko tuloy ang galit ng kapatid niya sa akin no'ng nagkita kami sa ospital.

Nanatili akong nakatingin sa pintong kinatatayuan ng lalaking kamukhang kamukha ni JV. Hindi siya nagsasalita pero bakas ang galit sa kanyang mga mata. Nang sa naglakad na siya palapit ay nagulat ako sa sinabi niya.

"Ikaw na naman! What the heck! Because of you this is happening again! It's because of you that he didn't talk for months then, now this happened again! How come you always bring the worst for him, huh?"

Nanlaki ang mata ko sa mga pinagsasabi niya, hindi ko siya maintindihan. Hindi dahil sa kakaibang paggamit niya ng british accent, pero dahil wala akong ideya sa nangyayari. "What do you mean?"

Nagtiim-bagang siya dahil sa tanong ko, saka niya tinuro ang nakaratay niyang kamukha. "JV, my twin suffered amnesia because of you! He had traumatic experience that led to memory loss and depression! Nangyari lahat ng iyon matapos no'ng nakidnap kayong dalawa, nakalimutan mo na ba? Muntik nang mamatay ang kapatid ko dahil sa'yo!"

Doon ko lang napagtanto ang lahat, Si JV ang batang iyon! At parehas ang nangyari sa amin. Kaya hindi ko maalala ang mukha ng lalaking pinangakuan ko, dahil nagkaroon rin ako ng memory loss due to traumatic experience. Mas malala lang sa kanya, dahil muntik na siyang mamatay. Mas nanganib siya, dahil mas pinili niyang iligtas na muna ako. Muntik na siyang mamatay, dahil sa akin.

Tama ang kakambal ni JV, dahil sa akin kung bakit nagkagano'n si JV. Hindi ko na maibabalik pa ang oras at hindi na pwedeng mabago ang nakaraan. Kaya naman tama ang desisyon kong tuluyan na siyang pakawalan ngayon at mamuhay na lamang na malayo sa nakaraan, malayo sa kanya.

JV

"Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo? Hindi mo na ba kakausapin pa ulit si Mae?" Tanong ni mommy. Actually, kanina niya pa ako kinukulit. Ilang araw na nang lumabas ako ng ospital, pero mas pinili ko na ngayon nalang ang pag-uwi namin para naman makapagpahinga pa ako.

"Okay na, mom. I'll be living the way I used to live. The difference now is nothing is missing." Nakangiti ko pang sinagot 'yon, pero agad umangal ang kapatid ko. Nag-aayos na kami ng gamit ngayon, papunta na kasi kami ng airport. Pinipilit ako ni mommy na kausapin si Mae ulit, pero tapos na ako doon. Nagpaalam na kami sa isa't-isa, tama na 'yon.

"Bro, are you sure? Don't you want your necklace back, with the girl? "Napataas naman agad ako ng kilay sa tanong ng kapatid ko.

"Akala ko ba ayaw mong magkita pa kaming ulit ni Mae? 'Di ba nga, kaya mo binigay kung kanino ang kuwintas para wala na kaming link pa sa isa't-isa? Bakit ganyan ka na namang magtanong ngayon?"

Key To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon