Chapter 4

619 24 4

Chapter 4

Mae

Napabalikwas ako nang bangon nang may biglang kumiliti sa talampakan ko. Napatili pa ako dahil malaks ang kiliti ko ro'n. "Mommy!"

Akala ko si mommy ang may gawa kaso ibang tao ang nakita kong tumatawa nang malakas.Sinaaman ko tuloy ng tingin ang baklang nakatayo sa dulo ng kama ko. Kaloka siya!

Dito na nga pala siya nakikitira, inihatid na kagabi lahat ng gamit niya kaya sa guestroom na siya tumutuloy simula pa kagabi. And because he's been staying since last night, I didn't have the chance to escape his curiosity.

Pinakwento niya ako agad tungkol sa'min ni Kevin kahapon pa lang pagdating namin, wala naman na akong nagawa kun'di magkwento. Pero dahil nga marami pa akong gagawin ay 'di ko na pinahaba pa ang storya. I didn't give him all the details but enough statements to make him feel how jerk Kevin is.

"Wake up. We're late." Nakangising pumunta siya sa gilid ko, akmang babatukan ko pa sana siya nang maalala kong may exams pa ako. Imbes na antaying hilahin niya ako ay nauna na akong tumayo sa kama ko at nagtungo agad sa pinto.

Kaso no'ng andon na ako ay napabalik ako ng tingin sa kanya, hindi pa rin kasi siya umaalis sa kinakatayuan niya. Halata ring may tinititigan siya, kaya tiningna ko kung ano ito. Iyong kwintas lang pala, pero nagtataka ako kung bakit gano'n siya makatitig doon.

"Frienship, bakit?" Tinanong ko siya at tinuro ang kwintas. Para naman siyang natauhan bigla at umiling-iling bago sumagot. Kakaiba kasi talaga ang tingin niya sa kwintas. Parang may recognition sa mata niya.

Pero dahil nga akala ko lang, akala lang talaga iyon. "Wala, maganda kasi."

Tumango na lang ako at nang mapabaling ako sa may orasan sa bedside table ay agad akong humarurot ng takbo papunta ng hagdan. Late na ako!

'Di na ako nag-almusal pagkatapos kong maligo at dumeretso sa kotse, saktong pagdating ko naman do'n ay pinaandar na ni manong driver ang sasakyan, kasi kanina pa pala ro'n si bakla.

"Ba't di mo man lang ako ginising nang maaga? 'Di tuloy ako nakapagbreakfast!" Tinarayan ko talaga ang boses ko kasi naiinis talaga ako! I don't really want to skip a meal specially breakfast.

Tinaasan lang din naman ako ng kilay ng bakla at biglang ginulo ang buhok ko bago siya magrason. "Madaling araw ka na kasi natulog kanina, kaya hinayaan na lang muna kita. And we're not late oh."

Pagkasabi niya no'n ay saktong dumating na kami sa campus. Grabe! 15 minutes lang ang binyahe namin, kakaiba to!

'Di ko na muna kinuwestyon kung paano kami nakarating ng gano'n kabilis. Dumeretso na ako sa classroom at saktong pagpasok naman 'yon ng prof namin. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko, sayang kasi ang pinag-aralan kong kung malelate lang ako.

PAGKATAPOS ng exams sa araw na iyon ay kumakain lang kami sandali at saka umuuwi rin agad sa bahay. Naulit ang routine na iyon sa loob ng dalawa pang araw. Nawalan ako ng time para makipagkwentuhan man lang sa kanila. Hinahabol ko kasi ang grades ko, para 'di na ako mag-cramming pagdating ng finals.

"Good morning!"

Nagtaka ang mga tao sa bahay kung bakit may paiko-ikot pa ako habang bumabati. Kakababa ko lang ng hagdan at siyempre naabutan ko pa sila Mommy at daddy kasi maaga akong nagising. Maaga rin kasi akong natulog kagabi, kasi natapos na ang exams ko kahapon.

"Morning too, ateng!" Napapitlag naman ako nang may bumati mula sa likuran ko at inakbayan ako. Si bakla lang pala. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya at hinarap siya.

Key To My HeartRead this story for FREE!