Chapter 11

593 26 0
                                    

CHAPTER 11

Mae

Nakatulala parin ako, simula kanina. Nakaalis na si Kevin at 'di ko na naitanong kung anong ibig niyang sabihin na hindi siya ang may-ari. Tapos naiwan pa sa akin ang kwintas, naguluhan ako bigla. Kung hindi siya ang may-ari ng kwintas, bakit nasa kanya? At saka sigurado ba talaga akong ito ang kwintas na magbubukas sa pendant ng kwintas ko?

Nakatitig lang ako sa kwintas nang biglang kinulbit ako ng kararating. Nasa tabi ko na si Kenneth.

"Ba't ka andito?" Halatang nagtataka siya habang nagtatanong. Hindi pa ako nakaka-get over kay Kevin, kaya napa-isip ako na tanungin ko kaya si Kenneth?

Tumingin ako sa kwintas, itatanong ko ba?

"Kenneth." Umangat na ako ng tingin, pero siya na naman pala ang nakayuko at tinitigan ang kwintas na hawak ko. Unti-unting lumarawan ang pagkabigla sa kanyang mukha. Napatingin narin siya sa akin at lumunok bago nagtanong.

"Nagkabalikan kayo ni Kuya?" Napanganga ako sa tanong niya, anong pinagsasabi niya? Tiningnan ko rin ang kwintas sa aking kamay bago ito itinaas sa ere.

"Hindi. Atsaka binalik niya lang sa'kin 'to. Akin naman kasi talaga 'to." Para naman siyang nabunutan ng tinik dahil sa paliwanag ko. Napangiti nga siya bigla e.

"So, may closure na kayo ni kuya? Paano mo siya kinausap?" Parang batang excited naman siyang nagtatanong kaya napangiti ako. Ibinaba ko ang kamay ko at tinago na lang sa aking bulsa ang kwintas.

"We talked by accident. Inaatay kasi kita, saktong andito pala siya. Ayun, inasar niya na naman ako. Tapos nagalit ako nasampal ko siya at sinumbat sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Angd then he gave me the necklace, sabay sabing hindi naman daw siya 'yong lalaking pinangakuan ko."

Pagkatapos kong magsalita ay nanatiling tahimik si Kenneth kaya nagpatuloy ako.

"Alam mo, kaya ko lang naman minahal ang kuya mo dahil sa kwintas na 'to. Pero mali pala ako. Dahil lang sa kagustuhan kong mahanap iyong pinangakuan ko, nabulag tuloy ako at nasaktan. Nagmukha tuloy akong tanga, nakakainis lang. Pero ngayon, mas naguluhan ako. Kung hindi siya iyong bata, sino kaya iyong pinangakuan ko?" Pagkatanong ko noon ay agad napalunok si Kenneth at umiwas ng tingin.

Nagtaka na ako sa kinikilos niya, kanina napatulala pa siya sa kwintas.

"Kenneth? " Tinapik ko ang balikat niya kaya napalingon siya sa akin. Seyoso na naman ang mukha niya. Walang bahid ng ngiti, pero halatang 'di siya mapalagay.

"Mae, kapag nahanap mo ba ang batang iyon mamahalin mo rin siya? Tutuparin mo parin ba ang pangakong pakakasalan siya?"

Napataas agad kilay ko sa tanong niya. Ako kasi 'di ko na iniisip iyon ngayon. Nadala na ako kay Kevin. Ngumiti ako tuloy nang pilit kay Kenneth bago siya sinagot.

"Ewan ko, hindi ko alam. " Napatango-tango naman siya sa sagot ko at biglang ngumiti. Inakbayan niya ako bigla at tinanong. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"

Ngayon ko lang din naisip ang pakay ko, masyado akong naging okupado sa kwintas. Into na ng aba ang ayaw ko e. Tinanggal ko ang akbay ni Kenneth at hinarap siya.

"Kailangan daw nating maghanda ng talent para sa pageant at after 2 weeks na iyon." Katulad ng ekspresyon ko kanina ay nagulat siya sa sinabi ko.

"In 2 weeks na agad? Anong ita-talent natin?" Halatang 'di na siya mapalagay, alam naman kasi naming dalawa na 'di talaga kami bagay para sa ganitong event.

Bumuntong hininga na ako at tinapik siya sa balikat. "Umatras na kaya tayo, habang maaga pa."

Nanlaki naman ang mata niya sa suhestyon ko, hinwakan niya ang magkabila kong balikat at umiling. "Hindi pwede!"

Nagulat ako, kasi tumaas ang boses niya. Bakit parang determinado tong isang 'to?

"Hindi na nga. E anong gagawin natin?" Napabitaw naman siya sa tanong ko at umupo sa sofa. Sumunod naman ako sa tabi niya. Inilagay niya ang kamay niya sa kanyang baba na parang nag-iisip.

Napa-isip narin tuloy ako, wala naman akong talent, maliban sa pagkanta. Kaso partner kami ni Kenneth, hindi siya marunong kumanta. Nilingon ko si Kenneth sa tabi ko, sakto namang lumingon din siya.

"Alam ko na kung sino makakatulong sa'tin." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Sino?" Imbes na sagutin ako ay ngumisi lang siya at hinila na ako.

NAGULAT ako nang dumating kami sa bahay, anong maitutulong nga bahay namin?

"Bakit tayo andito?" Pumasok na ako habang nagtatanong, sumunod naman si Kenneth. At 'di niya na naman ako sinagot, sa halip ay tinuro niya ang hagdanan. Nang lumingon ako roon ay nagulat ako sa lalaking nakatayo roon, si JV. Bakit kaya tinuro ni Kenneth si JV?

"Siya ang magtuturo sa atin." Ngumiti si Kenneth pagkatapos niyang sagutin ang unspoken question ko. Teka, si JV?

"Anong pinagsasabi mo? At ano 'to Fafa Kenneth? Officially ka nang manliligaw kay friendship? At talagang dito pa sa bahay para makita ko? Ang sakit huh." Umarteng nasasaktan si JV habang sinasabi niya 'yon kaya napaismid ako at si Kenneth.

"Oo nanliligaw ako, pero hindi iyon ang pinunta ko dito. At pwede ba, for once mag-ayos ka." Tumayo naman agad ng maayos si JV nang may bahid na ng galit ang boses ni Kenneth.

"Ano nga kasing kailangan ninyo?" Kumunot ang noo ni JV habang nagtatanong at sabay kaming nagkatinginan ni Kenneth. Tumango naman siya at sinabi na ang pakay namin.

"Gusto naming magpatulong para sa talent portion ng pageant. Alam kong marami kang alam dito, kasi bakla ka."

Para namang na-offend si JV sa sinabi ni Kenneth, pero bigla nalang itong ngumiti. Parang may naisip siyang plano.

"Anong talent ba gusto ninyo?" Pagkatanong niya ay sabay kaming sumagot ni Kenneth.

"Singing."

"Dancing."

Napatawa naman si JV at umiling-iling. "Iyon lang, magkaiba kayo ng gusto. Ano ba talaga?"

"Magsayaw nalang tayo. Tuturuan kita." Hinawakan ni Kenneth ang kamay ko at hinarap ako sa kanya, pero binawi ko agad ang kamay ko at umiling

"Hindi mo ako matuturuan no'n, masisira lang ang talent portion natin. Kumanta na lang tayo, e ga guide na lang kita."

Napatango-tango pa ako sa binaggit kong ideya pero umiling din si Kenneth. "Dancing na lang."

I snorted at his suggestion and pushed my idea, "Singing, that's final."

Umirap na ako, pero halatang 'di magpapatinag si Kenneth. Maya-maya pa lang ay nagsalita na si JV.

"I know what to do. Why don't we combine it. Kakanta si Mae at sasayaw si Kenneth. Tapos sa dulo sasayaw kayong dalawa gamit ang kanta ni Mae?"

Nagakatingin kami ni Kenneth saka ngumisi.

"Ang brilliant ng idea mo, bakla!" Agad kong nilapitan si JV at inakbayan siya kasabay ng papuri ko. Pero masyado na ata siyang naging excited, kasi tinanggal niya pagkakakbay niya at hinawakan ang kamay ko.

"Let's start now."

Nagataka naman ako sa turan niya, may kakaibang ngiti sa labi niya. May kakaiba talaga ata siyang binabalak. Nakakatakot tuloy, pero ano naman kaya iyon?

Key To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon