Chapter 18

337 18 1

CHAPTER 18

JV

Tumakbo ako agad sa CR, nakakalurkey! Nagnose bleed na naman ang beautiful nose ko, it's ewwy! Pero mas nakakalurkey ang ginawa ko kanina, kiniss ko si Mae. Gosh, that's unbelievable. No'ng pageant din, hindi ko alam anong pumasok sa utak ko at kiniss ko siya. Ayan tuloy tumutulo na naman ang red liquid sa ilong ko, katulad no'ng sa pageant. Buti nga tumigil agad ang nose bleed ko e, kalurkey!

Nagpupunas na ako ng ilong ko gamit ang panyo nang tumunog ang cellphone ko, akala ko siya na ang tatawag. Si Kenneth lang pala, "Hello, baby Kenneth."

Malambing ang pagkakabungad ko pero isang malutong na "Tss" ang nakuha ko, hay nako! I'm so pretty kaya, ba't ayaw niya sa akin? Joke!

Alam ko naman na patay na patay siya kay Friendship e, kaya nga kinausap niya ako at nag-boys night out kami. Kahit na 'di ako boy, pero keri lang din. Gusto niyang tulungan ko siya kay Mae may balak kasi siyang magpropose sana no'ng pageant, pero 'di pa man ako nakakatulong ay basted na siya. Ang tangers kasi ni Mae, 'di nakikita ang handsome face ni Fafa Kenneth. Kung ako 'yon, siguradong sinunggaban ko na si Fafa Kenneth, este 'yong chance na maging gf ni Fafa Kenneth.

"JV, I want to ask a favor from you." Napakaseryoso ng boses ng kausap ko, kaya napaayos ako ng upo sa sofa. Nakaabot na pala ako ng sala habang nag di-day dreaming tungkol kay Fafa Kenneth.

Kaso 'yong seriousness sa boses niya ang nakakapagtaka, "Ano 'yon?"

Tanging natanong ko at sinagot niya naman ako agad ng mabilis pagkatapos niyang bumuntong hininga. "Please take care of her, 'don't let her be with him. Alam mo na ang sinasabi ko, ang tunay na may-ari ng susi."

Napanganga ako sa sinabi niya, si Mae ba pinaguusapan namin? Teka lang, sino ba ang may ari ng susi? Bakit sa'kin siya nagbilin, 'di ko naman kilala ang may-ari ng susi?

I cleared my throat first and ask him," Sinong may ari ng susi? At bakit sa'kin ka nagsasabi niyan?"

A moment of silence passed by, he didn't answer. Ako naman nanatiling nakatulala at inaantay ang sagot niya, pero nagulat ako nang biglang mamatay ang linya. Huh?

Binaba niya ang telepono, aba bastusing bata ire. Grabity siya, gano'n niya ba minamaiit ang beauty ko at binababaan niya na lang ako ng phone. Nakakalurkey siya ha, kung 'di lang talaga hansome ang feslak niya. Wiz ko siya pagtatyagaan, pero ayos lang din. Yummy pa rin siya.

Kaso nakakawindang ang revelations niya, alam niya kung sino ang may ari ng susi. Pero 'di niya man lang sinabi sa sarili niyang bestfriend. Sabagay, kung no'ng umpisa pa lang niya sinabi ang tootoo siguradong wala na talaga siyang pag-asa kay Mae.

Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto, bukas nalang ako aalis. Pero natigilan ako nang madaanan ko ang kwarto ni Mae. Nakaawang ito ng kaunti kaya nakikita ko siyang nakaupo sa kama niya at hawak niya sa dalawa niyang kamay ang susi at padlock na kwintas.Inilusot niya ang susi at nang lumusot ito ay napangiti siya sabay sabing, "Asan ka na ba kasi? Magpakita ka na naman oh."

Bigla akong naawa sa kanya, natigilan ako sa pwesto ko at 'di ko mapigilang 'di tumitig sa kanya. Umiyak na rin siya ng ganito no'ng nakaraan at wala akong nagawa kun'di yakapin siya.

I am starting to feel weird feelings when I'm with her, kaya naman medyo naiinis na ako minsan. Lalo pa't 'di ako pamilyar sa mga nararamdaman ko, nakakailang nose bleed na rin ako sa kanya. Naalala ko lang na nagnonose bleed ako rati, kapag naunuod ako ng romatic na pelikula. Pero dati 'yon, noong bata pa ako. Pero iba na ngayon, ba't ako nagno-nose bleed sa kanya. May kasama pang kumikiliti sa tyan ko, parang may insekto.

Napaismid ako sa naisip ko, 'di kaya ay dragon lang 'yon? Baka lagi lang akong gutom kapag kasama ko siya? Nagkibit balikat nalang ako at humakbang na paalis, pero narinig ko muli siyang nagsalita.

"Sana kapag nagkita tayo, mahal mo parin ako. Sana tuparin mo ang pangako mo." Kasabay no'on ay ang paghikbi niya, kaya naman parang may kumirot sa dibdib ko. Umiiyak siya, kasi hangang ngayon ay umaasa siya. Siguro nga kapag nagmamahal ka ay masasaktan ka, ako kaya? Kailan kaya ako magmamahal? Pero siguro nga si Fafa Kenneth na iyon, bet na bet ko talaga siya.

Kenneth

Hindi ako mapalagay sa bahay, dahil sa sinabi ni JV. Hindi ako makapaniwala, kasi sobrang imposibleng di niya alam.

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang pumasok sa silid ko si Kuya, pinatawag ko kasi siya agad. Siya naman kasi ang may sagot sa lahat ng katanungan ko. Sa kanya ko rin nalaman kung kanino talaga ang susi, kasi siya ang pinagbigyan ng totoong may-ari nito. Nagkataon lang pinagyabang niya sa akin 'to, kasi nga akala niya ay tuluyan nang magiging sila ni Mae at tuluyan niyang mauuto si Mae.

"Bakit 'di alam ni JV ang tungkol sa susi?" Pagkatanong ko no'n ay agad nanlaki ang mata ni Kuya at nilapitan ako sa kama. Bigla siyang naging aligaga at napakamot sa batok niya.

"Binanggit mo ba ang tungkol sa susi sa kanya?" Nagtaka naman ako, dahil sa tono ng boses ni Kuya. Anong problema nito? Siya nga 'tong grabe makapagyabang sa akin dati.

"Oo, nabanggit. Pero sinabi niya agad na 'di niya alam, kaya 'di ko na tinuloy pa. " Napabuntong hininga naman si Kuya, parang nabunutan ng tinik. Ba't ganito 'to?

Hindi pa nagkakapagsalita si Kuya ay inunahan ko na agad siya. "Hindi ba si Carlitos ang nagbigay ng susi sa iyo, ba't 'di alam ito ni JV?"

Napapikit naman si Kuya sa puntong ito, umupo na siya ng tuluyan sa tabi ko at tinapik ako. Naguguluhan na talaga ako sa inaasta niya. Ano bang kalokohan ang nagaganap, ang gulo na ng lahat. Samantalang iisang susi lang naman ang pinag-uusapan namin.

Natigil naman ako sa pagiisip nang magsalita na si Kuya, "Mas mabuti nang wala siyang alam, mas mabuting 'di niya alam na siya ang tunay na may-ari ng susi."

Nanlaki agad ang mata ko, mas naging kumplikado ang sitwasyon.

"Akala ko ba si Carlitos ang may-ari ng susi? 'Di ba siya ang nagbigay? Paanong si JV ang—" Hindi ko natapos dahil nagsalita na si Kuya.

"Kasi nga 'di kailangang malaman ni JV na siya ang may-ari. Kaya manahimik ka na lang, kuha mo?"

Key To My HeartRead this story for FREE!