Chapter 3

618 24 0

Chapter 3

Mae

"Wow! Ang aga mo!" Napangiti nalang ako nang maabutan kong inaatay ako sa harap ng bahay ni JV. May dala siyang sasakyan, dahil bago lang siya rito at wala pang lisensya kaya may driver siya. Ilang araw na rin pala simula no'ng bumisita sila sa bahay. Pasukan na rin ngayon.

Nakangiti kong pinasadaan agad ng tingin ang suot niya, naka-uniporme na pala siya ng school namin. Pero nakakapagtaka, dahil papasok na siya. Pero 'di pa naman siya lumilipat dito sa amin.

Napataas ako ng kilay sa inisip ko. I sounded like I want him to transfer here in our house. Gosh! Kailangan ko nga rin palang kumpirmahin ang sinabi ni mommy no'n isang gabi.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, kaya agad akong pumasok sa likuran ng kotse. Tumabi naman siya sa'kin. Ang gentleman, kaya nakakapanghinalang bading siya. 'Di na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at hinarap siya nang umandar na ang sasakyan. "May itatanong ako, 'wag kang ma-offend ha?"

Bumakas ang pagkabigla sa mukha niya, pero ngumiti siya at sinenyasan akong magpatuloy. Kaya tumuloy ako. "Bakla ka ba? Beki? Gano'n?"

Pumilantik pa ako sa ere para mas maintindihan niya. And all the response I got is his laugh. He laugh out loud. Loud enough to fill my ear with his manly voice. Gosh! Hindi siya bakla!

Nang tumigil siya sa pagtawa ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kanya. Tinitigan niya akong maigi sa mata bago nagsalita, "Pano mo nalaman?"

Nanlaki ang mata ko sa rebelasyon niya. Bakla siya? Gosh!

"Bading ka nga?" Tumawa siyang muli sa tanong ko at may pahampas-hampas pa siya sa braso ko. Mahina lang iyon, pero ramdam kong natutuwa talaga siya. Itong baklang to! Pagtawanan lang daw ba ako?

"Ano ba?" May halo na ng pagtatampo sa boses ko, kaya agad siyang tumigil. Tumikhim siya at ngumiti ng tipid.

"Does it matter? If I'm a gay? Hindi na ba tayo pwede maging friends, kasi bakla ako?"

Natigilan ako sa tanong niya. Ngayon ko lang narealize ang lahat ng tanong ko sa kanya, lahat ng hinala ko. We just became friends again and all I have that overwhelming feeling, happiness.

Kaya wala lang lahat 'yon sa akin. Nakangiting tumingin nalang ako sa kanya bago siya sinagot. "I love gays! They are cool! You're cool!"

Lumapad ang ngisi niya sa mukha at sa isang iglap at niyakap ako ni bakla! Nakakaloka!

"My goshness! I can't believe we are super friends already! Friendship goals na ituu!" Natawa tuloy ako sa kaartehan ng boses niya ngayon. Ibang iba sa manly slash sexy niyang boses. Sayang siya! Pero mas sayang kapag pinakawalan ko pa ang friendship na offer niya, di ba?

NAUNA akong pumasok sa unang klase namin, magkaklase kami ni JV sa subject na'to. Pero dahil bago siya, kinausap niya muna ang prof namin. Maya-maya pa lang ay pumasok na ang prof. Umayos na naman ang lahat at bumaling na sa harap. Pati ako ay bumaling na rin para antayin ang pagpasok niya.

"Class, we have a transferee. Mr. Abellera, please come in and introduce yourself." Natahimik ang lahat sa anunsyo ni Prof, pero napalitan iyon ng hiyawan at tilian nang pumasok siya. Siya na nga, ang beki kong friendship.

"Good morning, I'm JV Abellera. " Napakamot pa siya ng batok habang sinasabi 'yon. Napakamanly tignan, kaya halos 'di magkandamayaw sa pagngisay ang mga malandi kong kaklase. Mga malanding frog!

"Ilang taon ka na?" 'Di pa talaga mapigilang magtanong no'ng isa.

"21."

"San ka nag-aral dati? Ba't ka nagtransfer?"

Key To My HeartRead this story for FREE!