Chapter 2

784 27 1

Chapter 2

Mae

Kanina pa ako patingin-tingin sa gawi ni Juan tamad este Juanito. Hindi mapagkakailang sobra ang pinagbago niya, hindi ko siya nakilala. Ang tanging naalala ko lang kasi dati ay kasama siya sa mga naging kalaro ko no'ng bata pa ako. Katulad din ng ilan ay mayroon akong litrato niya kaya nakakamangha na makita ko ang pinagbago n'ya ngayon. Mula sa isang tabachoy ay isa na siyang magandang lalaki, maganda ang pangangatawan, makinis na mukha at ang well tone skin niya ay nakaka--

"Anak! Kanina ka pa nakanganga," napatikom ako agad ng bibig nang tumatawang nagsalita si mommy. Napaiwas na rin tuloy ako ng tingin kay Juanito. Nakakahiya! Sinamaan ko na si mommy ng tingin. Nakakainis talaga 'to si mommy minsan. Buti pa si daddy walang imik, as usual.

Hindi naman nila ako masisisi na titigan si Juanito e. Totoo naman kasing kakaiba siya ngayon, lagi ko kasing tinitignan ang mga litrato ng kalaro ko no'ng bata ako. Sa totoo lang kasi, nakalimutan ko na kung sino ang pinangakuan ko. Kaya pilit kong inaalala kung sino man sa mga lalaking nakalaro ko ang taong pinangakuan ko. Pero dahil nga nakita ko na si Kenneth, na may hawak ng kwintas ay 'di ko na masyadong inaalala ang mga kababata ko. Pwera na lang nitong dumatingi si Juanito, ang gwapo niya lang kasi talaga, kaya hirap magpigil ng titig.

"Ninang, dito na po ba ulit kayo titira?" Iniba ko na lang agad ang usapan, bago pa mag-comment ng kakaiba si mommy sa nakita niya sa'kin. Nakakaloka.

"I am here for vacation. Nasa ibang bansa parin kasi ang karamihan sa business ng ninong mo, pero si Juanito Vicente ay dito muna mag-aaral."

Napalingon ako agad kay Juanito dahil sa sagot ng mommy niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago siya nagsalita. " Mom, it's JV. "

Napatigil ako sa boses niya. Shems! Ang manly ng boses niya! Napapanganga na naman ako, pero agad kong tinigil iyon. Baka mapansin na naman ako ni mommy kaya ako umiling agad.

"Oo na, Juanito!" Nagatawanan naman sila mommy sa pang-aasar ni Ninang sa anak niya. Nakakaloka! Sino nga ba naman ang gagamit sa pangalang Juanito Vicente ngayon di ba? Nakakatuwa sila!

"Huwag kang mag-alala hijo, JV ang itatawag namin sa iyo. Kaya habang mananatili ka dito ay 'wag kang mailang sa amin. Feel at home."

Napa-isip tuloy ako sa sinabi ni mommy. Mananatili siya dito? Huh? 'Di ko gets. Ibinuka ko na ang bibig ko para magsalita, pero inunuhan ako ni daddy.

"I already had your papers fixed. You will have some classes with Mae, para naman may kasama ka."

Tuluyan na akong napanganga sa pahayag ni daddy. Ang ibig-sabihin ba nito ay—

"Dito siya titira?" Sabay silang napatingin sa akin dahil sa tanong ko. Maya-maya pa lang ay tumawa silang lahat. Pati si Jua—JV. Tumawa rin, may nakakatawa ba sa tanong ko?

Pagkatapos naming maghapunan ay pumunta ng study room sila mommy, daddy at Ninang. Naiwan tuloy kami ni Jua—JV sa sala. Kaya ang awkward. Kaloka!

"Jua—JV. Buti pala at parehas tayo ng course no? " Alanganing ngumiti ako sa kanya habang nagtatanong. Naloloka ako. 'Di ko ba naman alam ang unang sasabihin.

Pero nawala lahat kaba ko nang ngumiti rin siya pabalik at sinagot ako. "Oo nga. Mabuti nga para may kasabay naman ako at makakausap."

Nagliwanag agad ang mata ko sa ngiti niya! Nakakanganga talaga tong loko! Na-excite tuloy akong makilala siya. At dahil okay naman siyang kausap at tinanong ko siya ng tinanong. Tinanong ko kung paano siya nakakapagsalita ng tagalog ng maayos, sabi niya naman ay nagtatagalog sila sa bahay kahit no'ng nasa UK sila. Tinanong ko rin ang lifestyle niya, kung bakit siya dito na mag-aaral. Ang sagot niya naman ay gusto niya lang at gusto niya daw maging independent. Di ba, bongga? Kaloka siya!

"Mabuti naman at nagkakamabutihan kayo." Pareho kaming napalingon kay daddy. Lumabas na pala sila sa study room. 'Di ko na rin namalayan na napahaba na pala ang usapan namin.

"We were friends before, it's not hard to rekindle that friendship." Napamangha na naman ako nang gumamit ng british accent si JV. Wow! Kaloka ang ganda ng accent niya! 'Di ko tuloy mapigilang puriin siya. "Wow! Galing ng accent!"

Napatawa naman siya at ginulo ang buhok ko. "Thanks."

He winked at me after saying those. Nagtuloy na rin sila ng mommy niya sa paglabas ng bahay. Sa susunod na araw pa raw siya lilipat ng tuluyan sa bahay, kasi sa hotel muna raw sila ng mommy niya habang hindi ito umaalis sa bansa.

"See you again, hija. Ikaw na muna bahala sa anak ko ah. Baka kasi 'di na ako makabalik dito para ihatid siya."

JV snorted on what his mom said to me. I also laughed a bit in response.

"Hindi mo na ako kailangan ihatid, mom. I knew how to drive." Natawa tuloy ako kasi umirap ng kaunti si JV. May pag-irap na nalalaman? Nakakaloka 'tong lalaking to! Ang init ng dugo niya sa mommy niya. Kailangan kong malaman ang back story niya.

"Oo na. Sige na, aalis na kami, baka gabihin kami sa daanan." Nagpaalam na si Ninang kina mommy, kaya napabaling na ako kay JV.

"Later, then." I tried to sound like a British but I know I failed, because he laughs at me.

"Laters." He winked before walking away with his mom. Wow! Just wow! Pati paglalakad niya at kakaiba rin, parang model. 'Di ko tuloy mapigilang ngumiti. May bago na naman akong kaibigan at higit sa lahat ay gwapo pa. Nang bumaling ako kay mommy at nakita ko ang pag-iling niya habang nakatanaw kina JV.

"Anong ganap, mommy?" I joke at her but her face still looks a bit disappointed.

Inakbayan naman na ako ni mommy at iginaya papaloob ng bahay bago sinagot. " Sayang kasi si JV."

Naguluhan ako bigla sa sinabi niya, sayang?

"Bakit naman?"

Tinitigan akong maigi ni mommy bago tinanong din. "Hindi mo ba nahalatang bakla siya?"

Napanganga ako sa sinabi niya at sobrang tagal bago nag process sa utak ko. Nag buffer pa at loading.

"Mommy, baka naman hindi."

Inirapan ako ni mommy bago ako hinampas ng pabiro sa braso. "Ano ka ba anak, hindi mo ba nakikita na ang pilantik niya? 'Di mo ba napansin ang paghawak niya ng kubyertos, 'di mo ba napansin ang paglalakad niya? Lalo na, 'di mo ba napansin ang pag-irap niya sa mommy niya?"

Siguro kung may ilalaki pa ang pagkanganga ko ay napunit na ang bibig ko. Juskolord! Nakakaloka! Akala ko maarte lang siya sa pagkain kaya gano'n siya humawak sa kutsara, tapos ang paglalakad niya at may pagkakembot, pero akala ko parang model lang talaga siya maglakad. And lastly, I can't explain why he's rolling his eyes on his mom.

Bading ba talaga siya? Kung gano'n man ay tama si mommy, sayang siya! 'Wag naman sana!

Key To My HeartRead this story for FREE!