Chapter 5

513 17 3

Chapter 5

Mae

Bigayan na ng test papers ngayon kaya excited ako. Alam kong papasa ako sa lahat, puspusan kasi ang pag-aaral ko!

"Bitaw!" Napalingon ako sa sumigaw at nakitang halos lumundag na si Kenneth habang bumubulyaw kay JV. Kaloka! Kahapon pa iyang dalawang iyan. Pagkatapos ng rebelasyon kahapon ay hinayaan na ni JV na makita ng mga kaklase namin at schoolmates ang totoo niyang kulay. Ang pagiging kulay berde niyang nilalang.

"Haha! Beh! 'Wag ka na kasing umiwas. Tiba-tiba ka na kay friendship ko!" Lumapit na ako sa kanila kaya nagtago sa likuran ko si Kenneth. Bumusangot naman agad si JV sa ginawa niya. Kakaloka 'tong dalawang 'to.

"Ayaw ko sa bakla! At tigilan mo na ako!" Kahit 'di pa rin umaalis sa likuran ko si Kenneth ay nasusulyapan parin ni bakla ang nandidiring ekspresyon ni Kenneth habang nagsasalita. Nahalata ko kasing nag-iba ang timpla ng mukha ni JV sa inasta ng bestfriend ko. Kawawa naman si friendship. Katulad ko ay alam kong ka-poreber lang din ang hanap niya. Pero tulad ko rin ay mahihirapan din siyang hanapin iyon.

Nang magtama ang paningin namin ni JV ay nakita ko ang paglandas ng galit sa mga mata niya. Nagtaka naman ako, lalo na no'ng umupo siya at 'di na sinundan si Kenneth.

Nag-angat naman ng tingin ang tao sa likuran ko at pumwesto na sa aking gilid. Katulad ko ay pinagmasadan lang niya ang susunod na gagawin ni JV. Kilala ko na si friendship, alam kong hindi siya ang tipong susuko nalang ng basta basta.

Tama nga rin naman ako, dahil nagsalita na siyang muli. "Sige nga, bigyan mo ako ng isang matinding rason para tigilan na kita."

Nanghahamon ang titig ni JV kay Kenneth kaya napalunok iyong isa. Kailangan tuloy niyang mag-isip ngayon. Kun'di mas lalong bubuntot sa kanya si friendship.

Tinitigan ko na rin si Kenneth at inantay ang sasabihin niya, halata ang pagiging aligaga niya at kung saan saan na siya tumitingin. Patay ka, bestfriend!

Napangisi naman ako nang sa wakas ay tumigil na siya sa pag-ikot ng paningin at tumingin na kay JV. Bumuntong hininga siya bago sumagot. "May mahal na ako."

'Di ako nakapagreact at napatulala lang sa kanya. May mahal na siya? Ba't di ko alam. Napansin niya rin sigurong nakatitig ako sa kanya kaya napabaling sa'kin si Kenneth at alanganing ngumiti. Tinanong niyang muli naman si JV "Tama na bang rason 'yon?"

Si bakla ay nakangisi naman, 'di ba dapat ay ma-disappoint siya at madiscourage sa sagot ni Bestfriend? Ba't ganyan siya?

Tumayo na si JV bago tinapik sa balikat si Kenneth. "Kung meron nga, sabihin mo nga kung sino."

Napangagna ako sa tanong niya, pero mas grabe pala ang reaksyon ng bestfriend ko. Kasi namutla na naman siya at halos 'di na makatingin sa akin.

Na-curious din ako kaya ngumiti ako at ginatungan ang pakulo ni JV. "Oo nga, sino 'yon, Beh? Ba't wala kang nababanggit sa'kin?"

Mas lalong lumikot ang mata ni Kenneth at sumulyap sa ibang direksyon. Utal-utal pa siyang sumagot. "Bakit kailangan ma-malaman nin-ninyo pa? 'Di niya nga alam tapos sasabihin ko pa sa inyo."

Tinalkdan niya kami pagkatapos no'n, pero 'di natatapos iyon do'n kasi umakbay si JV sa kanya. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad pala si JV, kasi ang dali-dali niya lang inakbayan si Kenneth.

"Ang hirap naman kasi paniwalaan ng say mo, Baby Kenneth. Hindi naman ako chismosang froggy e! Sabihin mo na sa akin."

Napakuot naman ang noo ko sa narinig mula kay JV. Anong akala niya sa akin? Chismosa? Proke't nakatalikod sila ay 'di nila akong pwedeng traydurin ng ganito! Ako kaya ang bestfriend ni Kenneth.

Key To My HeartRead this story for FREE!