Chapter 15

346 17 1


Chapter 15

Mae

Iniwan ko nang mag-isa si Kenneth pagkatapos kong sabihin ang mga huling kataga ko, umiiyak parin ako. Lalo pa't naalala ko na naman ang nangyari no'ng bata pa ako. Kahit pa pahapyaw lang ang mga naalala ko, alam ko kung gaano ako pinahalagahan ng lalaking iyon.

"It's my Christmas gift for you," nakingiting ibinigay ko sa kanya ang kapares ng kuwintas na suot ko. Halos umabot na hanggang tenga ang ngiti ng batang lalaking kausap ko nang tanggapin niya ang regalo. Inabot niya ito at agad isinuot niya sa sarili.

"Salamat, I will take care of this." Mas lalo akong napangiti dahil sa turan niya. Kaya naman 'di ko mapigilang yakapin siya. Nakakatuwa lang, kasi sa lahat ng kalaro ko dito sa ampunan ay siya lang ang pinakamalapit sa akin. Kahit pa tuwing Christmas Vacation lang kami magkasama, parang ang lalim ng pinagsamahan namin.

Bumitaw lang ako nang tapikin niya ako, nang tinitigan ko siya ay kitang kita sa mata niya ang saya. Wala kaming kasama ngayon sa park malapit sa ampunan, kaya naman walang istorbong sumisita sa'min.

Umayos ako agad ng tayo nang bigla siyang magsalita ng seryoso. "Mae, baka kasi 'di na every Christmas ang pag-uwi ko sa Pinas. Baka kasi may tutor na ako kahit walang pasok."

Pagkatapos no'n ay natahimik ako, hindi siya makakauwi tuwing pasko?

"Bakit naman? 'Di naman kita inaaway ah, ayaw mo na akong friend?" Ngumiti muli siya, dahil sa tanong ko.

"No, I want us to stay friends. I want us to be together, forever. Kaso kailangan rin nating mag-aral. That's why I want to make this promise with this necklace."

Na-curious ako bigla sa sinabi niya. Gusto niyang magkasama kami forever, kaya siya gagawa ng promise? "Anong promise 'yon?"

Napatawa siya ng kaunti at ginulo ang buhok ko, para naman akong bata nito. Pero bata pa talaga ako.

"When we grow older, magpapakasal tayo. Para magkasama tayo, forever. Promise?"

Napangagna ako sa sinabi niya, 'di ko naman masyadong gets kung bakit kailangan ng kasal at paano ipapasok sa necklace ang promise, pero ayos lang. Basta magkasama kami forever, ayos na iyon sa'kin.

Ngumiti ako bago nagsalita at tinaas ang kanang kamay ko, "I promise."

Patuloy parin ako sa pag-iyak dahil sa mga masayang alala-ala na iyon, pero 'di ko rin mapigilang alalahanin ang masakit na kahapon.

"Mae, andito lang ako. 'Wag ka nang umiyak." Patuloy ang pang-aalo ng batang lalaking kasama ko, pero natatakot parin ako. Lalo pa't nakapiring ako at nakatali sa aking likuran ang dalawa kong kamay.

Mas lalo akong naiyak nang may biglang humila sa akin. "No! No! Don't...touch me!"

Iyon ang tangin naisigaw ko nang hilahin ako ng kung sino, maya-maya pa lang ay narinig ko rin ang sigaw ng kaibigan ko. "Don't touch her!"

Maya-maya pa lang ay tinanggal na ang piring ko, pinaupo kami sa dalawang magkatabing silya. Katabi ko siya samantalang ang mga lalaking kumidnap sa amin ay nakatayo sa harapan namin. Pero katulad no'ng mga nakaraan ay natatakpan ng panyo ang kanilang mga bibig, kaya 'di ko makita nang mabuti ang mga mukha nila.

"Maawa na po kayo!" Nagmamakaawa ako, pero nakita ko ang pag-arko ng kilay ng isa sa harapan namin.

"Pakakawalan na nga namin ang isa sa inyo e, 'wag kayong mag-alala." Pagkasabi niya noon ay agad akong napabaling sa katabi ko, nakangiti rin ito dahil sa sinabi ng mga kidnappers.

Medyo napakagat lang ako ng labi nang mapansin ko ang maraming pasa sa mukha niya. May bakat pa ng kamay sa kaliwa niyang pisngi kaya naman napaluha akong muli. Ang sama nila. Natigilan lang ako nang magsalita ang isa sa kidnappers.

"Dating gawi, kumanta kayo ulit. Tatawagan namin ang magulang ninyo." Nanginig ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. Sa loob kasi ng tatlong araw ay 'yon ang pinapagawa nila sa amin, para malaman daw ng magulang namig na buhay pa kami. Pero sa tuwing sinusubukan naming kausapin ang parents namin ay sinasaktan nila kami.

Lumapit na ang isa sa anim na kidnappers na nasa silid, itinapat niya ang cellphone sa bibig ko. Kaya agad ko itong binuka at napilitang kumanta.

"Twinkle, twinkle....little star. How I wonder what you are...u..up above the world so high. Like a..di..diamond in the sky." Halos 'di ko na marinig ang boses ko habang kumakanta, dahil natatakpan ito ng hikbi. Naririnig ko kasing nagsasalita si mommy sa kabilang linya at pilit akong kinakausap, pero 'di ako pwedeng magsalita.

Itinapat naman ng kidnapper ang cellphone ngayon sa katabi ko, nakita ko ang galit sa mukha niya. Pero katulad ko'y napilitan din siya.

"Twinkle, twinkle....little star. How I wonder... what you are? Up above the world so high. Like a di..diamond in the sky... Mommy, help!" Nagulat ako dahil sa huling sinabi niya, kaya sa isang iglap ay dumapo ang kamao ng isang kidnapper sa tiyan niya.

"No!" Iyon ang tanging naisigaw ko, dahil tinakpan na nila ang mga mata namin, ngayon naman ay pati na bibig ko.

"Walang hiya 'tong bata!" Narnig kong sabi ng isa sa kanila at sa isang iglap ay narinig ko ang palahaw ng kaibigan ko.

I shut down my eyes and let myself drift to sleep. Ayaw kong marinig siyang sinasaktan nila.

Pagkagising ko ay nagulat ako nang wala na akong piring at nasa loob na kami ng sasakyan. Katabi ko pa rin ang kaibigan ko, pero halos mapuno na ng galos ang mukha niya.

"Ar-Are you okay?" Kasabay ng hikbi ko ay itinanong ko 'yon sa kanya. Tumango lang naman siya at ngumiti ng piit.

"Andito na tayo, pero pasensya na. Iisa lang ang pakakawalan namin. Para naman mas tiba-tiba kami, mag-iiwan kami ng isa para makakuha pa kami ng mas maraming ransom." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng isa sa kanila, hindi maari!

"No! You are bad. Dapat ibabalik ninyo na kami." Pagkasabi ko no'n ay lumanding sa kaliwang pisngi ko ang sampal ng katabi kong kidnapper. Anim silang nasa van, kaya wala pa rin kaming kawala.

Napaiyak ako sa sakit na naramdaman ko, halos namanhid ang buong mukha ko. God save us, please.

"Huwag ninyo siyang saktan! Mga wala kayong puso!" Sigaw ng katabi ko, kaya naman humarap ako sa kanya. Agad siyang sumiksik palapit sa'kin, hindi parin kasi kami makagalaw. Nakatali parin ang mga kamay namin sa aming harapan.

"Nakakainis naman 'tong mga batang 'to. Kami ang may hawak sa inyo kaya kami ang masusunod. Ibalik ninyo na 'yang lalaking bata, kasi masyadong palaban. " Napalingon kaming pareho sa lalaking katabi niya, papakawalan nila siya. Tapos ako ang iiwan dito?

No, mommy. Help me, please.

"No! Hindi! Hindi na ako manlalaban, basta siya lang ang pakalawan ninyo. Maawa po kayo. I'll be quite, pakawalan ninyo lang siya." Nagmakaawa ang batang kasama ko at sunod-sunod na tumulo ang luha niya, naiiyak na rin ako ng sobra. Hindii rin siya pwedeng maiwan dito.

"No, dapat pakawalan na nila tayo." Nilingon niya ako dahil sa aking turan, pero ngumiti lang siya.

"No, kailangan mong bumalik sa parents mo. Mag-aalala sila." He gave me an assuring smile and with that being said, natagpuan ko nalang ang sarili kong nakababa na ng van kung saan lulan kami. Pagkatapos ay tumatakbo na ako palapit kay mommy, pero naiwan siya doon. Nagpaiwan siya para sa akin.

Tinakpan ko ang bibig ko para maitago ang hikbi ko. It was my entire fault. He sacrificed himself, para lang pakawalan na ako. At dahil doon ay napahamak siya. I never saw him again.

Patuloy lang ako sa pag-iyak, pero nagulat ako nang may mga brasong pumulupot sa akin. Nang tingnan ko kung sino ito ay nagulat ako, pero nagpatuloy ako sap ag-iyak dahil sa sinabi niya. "Mae, andito lang ako. You can cry on me." 


NOTE:

In the media is the picture of mini Mae and little....

Key To My HeartRead this story for FREE!