Chapter 9

413 20 0

Chapter 9

Mae

"JV, narinig mo ba?"

Kinukulit ko si JV ngayon, papauwi na kami at 'di niya na ako kinikibo. Hindii na rin siya sumabay ng lunch. At katulad niya ay 'di ko rin kinibo si Kenneth. Nakakagulat kasi!

Hindi ko inaakalang ako 'yong babaeng mahal niya, tapos narinig pa ni JV. Alam ko namang may feelings 'tong si JV kay bestfriend. At saka, bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kanya.

"JV naman." Kinulbit ko ulit si JV, hindi niya kasi ako nililingon. Magkatabi kami sa sasakyan, pero paran wala akong kasama dito. Nakakainis 'tong ganitong pakiramdam. Umuusok na nga ata ilong ko e, kaya agad ko nang hinila ang headset na nakasalpak sa tenga niya.

"Pakinggan mo naman ako! Hindi ko naman alam na ako pala iyong sinasabi ni Kenneth e! Hindi ko rin naman ginusto iyon. Alam kong nasasaktan ka kaya—"

'Di ko natapos ang pagpapaliwanag ko nang hinila niya pabalik ang headset niya at nginitian ako. Ginulo niya rin ang buhok ko bago nagsalita.

"Hindi ako galit. Nabibwisit lang." Lumarawan ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi, kaya mas lalo akong na-guilty. Sabi ko na nga ba't hindi siya okay. Hindi ko rin naman kasi talaga alam na mangyayari iyon, mas lalong hindi ko naisip na magkakagusto ang bestfriend ko sa'kin.

"Friendship, 'di ko naman kasi alam na gano'n na pala nararamdaman ni Kenneth sa'kin. Nakakgulat kaya." Tumaas ang isang kilay ni bakla sa tinuran ko. Bigla niyang pinagkrus ang mga braso niya sa dibdib at mataman akong tinitigan.

Sa uri ng titig na binibigay niya, alam kong hindi niya gusto ang mga nangyayari. Lalo naman ako, hindi ko ginusto na maging complicated ang lovelife ko. Kung sana hindi nagloko si Kevin, sana siya lang ang taong minahal ko. Ang gulo na kasi ngayon, dumagdag na si Kenneth. Mas magulo pa dahil may gusto si friendship sa kanya.

Bumuntong hininga si JV saka sinabi ang nasa-isip niya. "Hindi pwedeng maging kayo ni Kenneth."

Seryosong-seryoso ang pagkakasabi niya no'n, kaya parang nanginig ako bigla. 'Yong boses niya kasi parang kakaiba, hindi iyong natural niyang boses na medyo nakahigh pitch. Nakakapanlambot ng tuhod ang titig niya.

"Hin—di naman magiging kami." Umiwas ako agad ng tingin pagsagot ko sa pahayag niya. Sigurado naman akong hindi magiging kami ni Kenneth, kasi gusto siya ni JV. Ayaw ko namang masaktan si JV at--

"Dahil kapatid siya ng ex mo? O dahil hindi ka pa nakakamove-on sa ex mo?"

Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Anong klaseng tanong 'yon? Ni hindi ko nga naisip iyon e. Mas inisip ko pa nga siya, na nakakapagtaka. Hindi ko kasi masyadong naiisip si Kevin. Lalo na no'ng dumating si JV, palaging preoccupied ang utak ko. Hindi dahil siya ang laman nito, kun'di mas nagiging aware ako sa iba't ibang happiness sa paligid ko. I explored new height of friendship with him.

Sa totoo lang kasi, ngayon lang ako nagkaroon ng ka-close na bakla. May naging kaibigan naman ako dati, pero siya lang iyong sobrang naging ka-close ko.

"Wala sa dalawa. Hindi magiging kami ni Kenneth, kasi hindi ko siya gusto. I will not let him suffer the way I suffered. I will not give him false hopes of forever, if he will just end up having heartbreak instead."

MASYADO akong napahugot kagabi, 'di ko namalayang hanggang ngayong umaga ay 'di parin kami nag-uusap ni JV. 'Di parin kami maka-get over dahil sa revelation ni Kenneth. Nakisali pa siya sa namomoblema tungkol sa confession ni Kenneth, samantalang sa'kin lang naman nagtapat.

Naiintindihan ko namang may gusto siya kay Kenneth, pero 'di ko maintindihan kung bakit pati sa'kin nagagalit siya. Hindi ko naman kasi sinabi kay Kenneth na ako ang gustuhin niya. Kung pwede nga lang sabihin kong kay JV na lang siya. Pero hindi gano'n kadali 'yon.

"Alam kong 'di ka nakatulog dahil sa ipinagtapat ko sa'yo. Sana naman dahil sa 'di mo pagtulog nakapag-isip ka na." Nagulat ako bigla sa bungad ni Kenneth sa'kin nang umupo ako sa tabi niya. Hindi na naman kasi kami sabay ni JV, kaya nauna na ako dito sa unang subject katabi si Kenneth.

At dahil sa winika niya ay naalala ko na naman kung gaano kagulo ang utak ko ngayon. Kumbaga, dati may mga drawers ako sa utak ko at nakahanay ang mga bagay na kailangan kong isipin. Kaso dahil sa ginawa niya kahapon, nawala 'yong mga drawer. Nagulo utak ko, nawala rin nga sa isip kong marami akong gagawin ngayong araw. Kasama na roon ang practice raw para sa pageant. Kainis!

"Kenneth, 'wag mo naman akong e pressure! Ba't ka ba kasi nagkagusto sa'kin?" Paangil ang pagkakasabi ko no'n. Hindi na ako makapag-isip ng maayos e. Ang problema ko lang naman no'n nakaraan ay 'yong pag-move on ko kay Kevin. Kaya nagulat nalang ako na ganito na ka-kumplikado ang sitwasyon ko.

Ngumisi bigla si betsfriend at inakbayan ako, naka-upo kami ngayon kaya 'di ako makaalis.

"Alam ko namang nahihirapan ka. Syempre, hindi pwedeng ibasura lang 'yong pagiging mag bestfriend natin dahil lang may gusto na ako sa iyo."

Napatango ako sa paliwanag niya. Nakakaintindi naman pala siya. Pero 'di pa ako nakakapagsalita nang magpatuloy na siya.

"Kaso lang Mae, pakibilisan nalang ang pagsagot sa feelings ko. Kasi kahit nalaman mo na ang nararamdaman ko, alam kong manhid ka parin. "

Kumunto agad noo ko sa kanya. Bakit niya na naman sinabing manhid ako?

"Paano ako naging manhid?" Tinanggal niya na ang akbay niya nang mahimigan niya ang pagkainis sa boses ko. Naiinis na naman kasi talaga ako. Manhid na naman daw ako?

"Alam mo, kung hindi ka manhid masasagot mo na ako ng diretsahan e. Kaso manhid ka parin, hindi mo parin alam 'yang nararamdaman mo. Malay ko bang may gusto ka parin kay kuya or baka may gusto ka na palang iba."

Pagkasabi niya no'n ay napanganga ako bigla. Kung gusto ko pa ang kuya niya, syempre oo. Mayroon parin, syempre anim na buwan kaming mag-on at una ko iyong boyfriend. Pero ako magkakagusto sa iba? Imposible iyon, kasi wala naman akong ibang nakakasalamuhang lalaki maliban sa kanilang dalawa ni JV.

Lumabi ako para sumagot na, "hindi pa ako fully nakaka move on. Pero alam kong tanggap ko na, hindi na magiging kami ni Kevin. At ang sinasabi mong magkakagusto ako sa iba? Hindi maari iyon. Maliban na lang kung pino-point out mong magkakagusto ako kay JV."

Napatawa ako ng pagak sa huli kong sinabi. Nakakatuwang isipina naman 'yon. Itutuloy ko pa sana ang tawa ko nang bigla akong sagutin ni Kenneth.

"Pino-point out ko nga si JV, at dahil nga manhid ka 'di mo na nararamdamang may kakaiba ka nang pagtingin sa kanya. Kaso hindi ako manhid e, kaya imposibleng 'di ko mapansin ang pagkakaiba."

Key To My HeartRead this story for FREE!