Chapter 16

302 18 2

CHAPTER 16

Mae

Araw na ng pageant, pero 'di ko man lang nakita kahapon si Kenneth. Ayaw ko rin naman siyang hanapin, kasi masama parin ang loob ko sa kanya. Kaso isang oras na lang ay magsisimula na ang pageant, pero wala parin siya.

"Andito na ang mga damit niya, bakit wala pa siya?" Halos ma-ikot na ni President ang buong dressing room habang nagtatanong. Kanina pa kasi namin kinkontak si Kenneth, pero 'di siya sumasagot. Napayuko tuloy ako, baka dahil sa pag-aaway naming kaya 'di siya sisipot.

"Kontakin mo naman," napaigta ako nang lapitan ako ni President kaya tumango ako. Nanginginig na inabot ko ang telepono ko. Pero katulad kanina ay 'di siya sumasagot. Sobrang nagalit ba talaga siya? Nagi-guilty tuloy ako.

Tumayo na ako, 'di ko na 'to kaya. "Hindi na ako tutul—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay biglang pumasok si JV, anong ginagawa niya dito?

"Nasa ospital daw si Kenneth, dinala siya roon kagabi." Nanlaki ang mata ko sa anunsyo niya. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang braso niya.

"Asan siya? Dalhin mo ako roon!" Pagkasabi ko noon ay nagsilapitan na rin ang ibang staff sa loob ng silid.

"No, may pageant pa." Sabi ni President kaya agad ko siyang binigyan ng isang masamang tingin. Mag-isip naman sana siya ng maayos. Nasa ospital na nga 'yong tao, tapos gano'n pa siya.

"No, wala na rin naman akong partner. Kaya aalis na ko." Tinalikdan ko na silang lahat at nagtungo palabas ng pinto, pero bago ako tuluyang makalayo ay inagap ni JV ang kamay ko.

"No, he said to go on. Ayos na siya, nagkatrangkaso lang. Pero maayos na siya, lalabas na rin siya bukas. Ang he told me, to go on."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni JV, go on? Paano ko naman magagawa iyon?

"Wala nga akong partner!" Napabuga naman ng hangin si JV dahil sa pagtataray ko at napakamot pa siya sa batok niya.

Anong problema nito? Aburido ang mukha niya, samantalang ako itong sasabak sa pageant.

"Ako ang partner mo, kaya maghanda ka na." Napanganga ako dahil sa sinabi ni JV at sa isang iglap ay naglakad na siya paalis. Siya ang partner ko? Sigurado siya?

Ni hindi nga siya lalaki, tapos sasali siya sa pageant na panglalaki? Nababaliw na ba siya? O baliw na baliw lang siya kay Kenneth kaya siya papalit dito? Nakakaloka sila!

Napalunok ako dahil sa tensoyn na nararamdaman ko, nasa backstage na ako. Talent portion ang una, kaya naman kinakabahan ako. Jusko, wag naman sana akong magkamali.

Maya-maya ay nilingon ko si JV na kasama ang mga dancer,nagdadalawang isip ako sa gagawin namin. Ni hindi nga kami nagpraktis ng magkasama e, kahit pa sabihing alam niya ang lahat ng gagawin ni Kenneth. Natatakot ako, baka mapahiya kami.

"Our 4th pair, let's make a round of applause for Civil Engineering department!" Dahil sa anunsyo ng emcee at tumayo lahat ng balahibo ko at mas lalong kumabog ang dibdib ko. Jusko, heto na. Nakakaloka!

"Kaya natin 'to." Nagulat naman ako anng tapikin ako ni JV at nauna siyang pumunta sa gilid ng stage. My gosh!

Unti-unti naman akong naglakad patungo sa stage, ako kasi ang unang kakanta. Napakapit muna ako sa suot kong dress, kinakabahan talaga ako. Pero nahiya naman ako kung 'di ko gagalingan, sayang ang dress. Ang ganda pa naman ng kulay peach na sleeveless dress na pinahiram nila sa akin. Kaya kailangan kong galingan.

You're the light, you're the night
You're the color of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much

You're the fear, I don't care
Cause I've never been so high
Follow me to the dark
Let me take you past our satellites
You can see the world you brought to life, to life

So love me like you do, love me like you do
Love me like you do, love me like you do
Touch me like you do, touch me like you do
What are you waiting for?

Nanginginig ang boses ko sa first verse, kaya naman huminga akong malalim habang nagka instrumental pa. Ang here it goes again.

Fading in, fading out
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
Cause I'm not thinking straight
My head spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?

Napangiti ako nang matapos na ang kanta ko, it's his time.

Nag-instrumental saglit at narinig ko na ang tilian ng mga tao, lalo na ng mga babe nang mag umpisa nang sumayaw si JV. Napakaswabe ng galaw niya, para siyang lalaki. Pati ang paggiling ng katawan niya ay napaka-hot tignan. He's awesome.

"Mae!" Nagulat naman ako nang hilahin na ako ng floor manager, dahil part ko na palang sumayaw.

Unti-unti na akong naglakad. Bridge na ng kanta at patapos na, kaya naman heto na ako.

Pagkagat ng huling korus ay nasa tabi na ako ni JV, nakita kong nginitian niya ako kaya ngumiti na rin ako na ako sa kanya. Sumabay na ako sa steps na ginawa nila at sa aking pagikot ay nakita kong nakapwesto na agad si JV sa likuran ko. Nang yumuko ako at inilagay sa aking kanang tuhod ang dalawa kong kamay para maitaas ang isa ko pang paa ay nakawahak na siya sa beywang ko.

Patuloy ako sa pagngiti kahit pa naiilang at nanlalamig an ako, jusko! Pagkatapos noon ay umikot akong muli, pagharap ko sa audience ay itinaas ko ang dalawa kong kamay. Sa puntong iyon ay agad pinulupot ni JV ang dalawa niyang braso sa aking beywang at pinaglandas ang kamay niya tiyan ko bago ako binitawan kaya napangiti ako ng pilit. Jusko, ano yong naramdaman ko? Ba't biglang may kumilti sa tyan ko?

Inalis ko na muna iyon sa isip ko at nagpatuloy, umikot akong muli. This time, humarap ako sa kanya, nilapit ko ang aking sarili at umatras din.

And for the finale, he stayed standing on one spot. Ako naman ay umikot papalibot sa kanya at nang makapwesto na ako sa tabi niya ay hinawakan ko ang mukha niya katulad ng ginagawa ko kay Kenneth. Pero agad nanindig ang balahibo ko, ano ito?

Napasinghap naman ako nang 'di inilagay ni JV ang kamay niya sa pisngi ko, kun'di sa beywang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Sobrang lapit na namin at nararamdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. Ang lapit niya, pero ang pagkagulat ko ay may mas itinindi pa. Dahil biglang nilapit ni JV ang mukha niya at hinalikan ako sa pisngi.

Nabingi ako, 'di dahil sa tili ng mga tao sa paligid kun'di dahil niyakap ako ni JV at unti-unti na kaming papaalis ng stage.

Teka, anong nangyari ulit?

F8,BT

Key To My HeartRead this story for FREE!