Pero kahit na napakapasaway yang kumag na yan, sya yung naging sandalan ko for almost 10years.

"tumigil na nga kayo para kayong ewan"

"Wag ka ngang papayag na tawagin ka nyang B. Ako lang dapat tumatawag sayo nun"

"Ashley sabihin mo nga sakanya na ako na B mo"

"hindi pwede, super bestfriends nga tayo. Kay Vince lang bagay yung B.........bading.."

ang sama na ng titig nya sakin habang tinatawanan namin sya ni Lawrence.

"ginaganyan mo na ko,huh?"

kiniliti nya ko sa may tagiliran. No way! Ang lapit ko lang sakanya. Napatayo ako habang todo explain na joke lang yun. Paatras ako ng paatras. Hinaharang ko pa yung kamay ko. Grabeh! Seriously? 10years na ang nakalipas, ang laki ko na para kilitin pa nila.

"Vincent Garcia? Ohmyghad! Is that you? Can I have an autograph?"

natigilan kami. Pati ba naman dito may autograph signing na nagaganap? Nagsign lang sya then picture picture. Hayst. Iba na talaga sya ngayon.

"So, how's your lovelife? Are you two still dating?"

nagkatinginan kami ni Vince. *gasps* Hindi parin ako sanay sa mga tanong na ganyan. Pangshowbiz lang ang peg!

Ngumiti lang si Vince then hinawakan yung kamay ko at bumalik na sa table namin. PFFFT. bastusan lang. Buti wala pang naiissue about sa kasungitan nya sa mga fans.

"oh, Ashley..miss Vice. Long time no see. Mrs. Garcia ka na ba ngayon?"

aww. Eto na naman si Ma'am Cruz, ngayon lang nga kami nagkita ulit, yan pa bungad. If I know gusto lang nya iprove sakin yung superstition nya samin ni Vince. PSH.

"Ma'am naman--"

"Malapit na po Ma'am. Mapapalitan narin surname ni Ashley"

siniko ko si Vince. Talagang ito..daming alam na pakulo. May paakbay-akbay pa sakin.

Nagkamustahan lang kami sandali then tinawag na si Ma'am para sa program. Nakakamiss.. Nakakamiss talaga yung high school..

Minsan naiisip ko, what if hindi ako dito nag-aral? What if hindi ko sila nakilala at naging kaibigan? Ganito parin kaya ako? Will my life be happier than this?

"Baby!"

lub.dub.lub.dub

napastiff ako bigla. Yung puso ko bumibilis talaga pagnakarinig ako ng tumatawag na baby...Katulad lang ng dati.

"baby sabi ko naman wag kang tatakbo baka madapa ka!"

"I'm a big girl na daddy!"

"psh. 5years old ka palang. Wag O.A baby."

"You are the one daddy! mommy! Mommy Ashley!"

yumakap sya agad sakin at gustong magpakalong. Natatawa lang talaga ako sa mag-ama. Kanino pa ba magmamana yan si Kylie kundi sa tatay diba?

"Why are you here, baby? What time babies should be sleeping?"

"But, I'm not a baby anymore. I'm a big girl! I would marry tito Vince"

"kylie! Halika nga dito. Kanino ka ba nagmanang bata ka. Pasaway! Dapat talaga hindi na kita sinama!"

HAHAHAHA! Shemmms! Ang tindi ni Vince pati anak ni Carlo nainlove sakanya. Siguro pinaglihian ni Khate si Kylie kay Vince?. Hay naku! Manang mana kay Carlo anak nya. Matinde! Feeling ko magiging chicks toh paglaki.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now