Chapter 25 ~ Questions

Start from the beginning
                                    

Tumingin ako sa kanya. "Do you think she knew about this?"

"Malakas ang pakiramdam ko na alam nya. Pero hindi rin naman kasi natin alam ang tunay na kwento ng buhay nya. It's our fault, we never asked." Sagot nya sa akin. "On the other hand, why lie to Serene? I don't get it. Kung tunay silang Gonzalez at tunay na kakampi, sa mga tattoo pa lang ni Serene sa katawan alam kong alam na nila na kabilang sya sa mga Lopez na syang kasama nila sa E and Z Circle of Elite noon. Pero mas pinili nila na mabuhay si Serene sa kasinungalingan at sabihin na sya nga ang tunay na Celestine kahit hindi naman. Ang tanong, bakit?"

Inagaw ko sa kanya ang iniinom at ako na ang huling umubos ng natitirang patak nito. Nilukot ko ang lata sa mga kamay at saka malakas na inihagis sa may basurahan 'di kalayuan. Sakto ito sa butas na may malakas na kalabog. "I will give them the benefit of the doubt. Na may mas malalim silang dahilan kung bakit nila ginawa iyon. But once I learned they are just using her on their own selfish reason and personal gain, patawarin ako ng Diyos pero sisiguraduhin ko na pagsisihan nilang lumabas pa sila sa lungga nila."

May mga dalagang lumabas sa Coffee Shop na pinanggalingan ko, lalapit sana sila sa akin ngunit noong makita ang dilim sa mga mata ko ay dahan-dahan silang umatras at nagmadaling maglakad palayo.

Iniangat ko ang tingin doon sa pangalan ng Coffee Shop na noon pa man ay palagi nang pinupuntahan nina Niel at Serene upang uminom ng mainit na tsokolate. Dream Cafe, ang pangalan nito.

Nahagip ng mga mata ko si Celestine kasama ang kinikilala nyang kapatid na si Cello. Gusto kong pamanhidin ang dibdib, isinisigaw sa sarili na isa akong bato at dapat walang maramdaman. Sanay na akong nasasaktan, sanay na akong naghihintay, sanay na akong wala sya sa buhay ko pero bakit ngayon, ang makita sya na masaya sa piling ng iba ay parang asido na unti-unting tumutunaw sa puso ko? I clenched my teeth and closed my eyes. I curled my hands into a tight fist.

"May problema pala tayo." naging seryoso ang boses nya. "Ginagawa na ng NL7 ang lahat upang mahanap ang tunay na katauhan ng Gangster King pati na rin ang eksaktong lokasyon ng Black Savage Headquarters. Base kay Julian na syang spy roon, mukhang malapit na nilang mahanap ang katotohanan. Alam kong gusto mong panindigan ang pagiging Raven pero hindi gano'n kadaling itago ang pagiging Jace mo. Nakalimutan mo yata na bukod sa sikat tayo sa pagiging banda magmula noong highschool, you are also the top, youngest and leading Bachelor of our time. 'Yang pagmumukha mo nakakalat lang kung saan-saan. Sinabi ko naman kasi sa'yo na huwag kang masyadong magpagwapo, mas lalong kakalat 'yung lahi natin pero ginawa mo pa rin. Hay, ang hirap talaga kapag famous." Iling nya sabay lagay ng mga kamay sa may batok. Binigyan ko na lamang sya ng tingin dahil sa mga oras na ito nakuha pa nyang magbiro.

"Matagal ko nang pinatigil ang pagtanggap sa kahit anong magazine o public interview sa tv."

"Oo nga, ginawa mo na 'yun pero paano 'yung mga old magazine issues pati na rin 'yung youtube clips and interviews mo-- natin sa internet? Ano ka ba, bago na ang panahon ngayon. One click away and you have what you need in the internet. Hindi mo ba naisip 'yun?"

Umayos ako ng tayo at humarap sa kotse ko. "Napagplanuhan ko na ang lahat ng ito."

"Ito na naman si Mister Plano." he rolled his eyes. Hindi ko na lamang sya pinansin. "Care to share?"

"It's a trap. Once they learned who I am and where the Headquarters are located, it's the end for them."

"Paano?"

May nahagip ang mga mata ko na tatlong sunod-sunod na tila ba anino na tumatakbo sabay tago sa likod mga kotse na nakapark sa parking lot. I followed their movement and something just clicked on my mind.

Nandito ang NL7.


Kinuha ko ang baril na tinatago ko sa may bewang at pasimpleng ikinasa. Umabante ako at pasimpleng yumuko sa likod ng mga kotse. Hindi ko inaalis ang tingin sa mga nakita. "Nathan, 6 o'clock sa'yo. 12 o'clock sa akin."

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now