Special Chapter I

2.8K 104 6
                                    

A/N : Maiiksi lang ang mga special chapter guys. Kailangan talaga putul putulin dahil mas nakakabuti yon haha. 😂

Special Chapter I

*Cham's POV*

It's funny how everything passed in just a click, kung dati ay puro problema ang dala namin ngayon hindi na and here we are, naghahanda para sa graduation nila Rage. Ang bilis ng panahon, graduation na agad taon na din pala ang lumipas mula ng mangyari ang lahat.

"Alam kong busy tayo ngayon pero bakit ganyan ang mga itsura niyo hah ? Daig niyo pa hindi natulog ng isang taon." sigaw ni Lirie kila Bullet na ngayon ay mga nakandusay sa sala.

Nasa bahay kami nila Rage, dito gaganapin ang party mamaya kami lang din ang nandito dahil nasa Morthon sila Rage para sa practice nila sa graduation.

"Si Viahm kase eh !" kamot sa ulo ni Yandel habang nakapikit.

"Bakit anong problema kay Viahm ?" tanong ko.

"Eh kase nagh----"

Tinakpan na agad ni Kite ang bibig ni Yandel na ipinagtaka ko.

"Nagrerehearse kase si Viahm para sa graduation, hindi niya kami pinatulog hangga't hindi siya natatapos kaya eto." ngiting sabi ni Kite pero hindi ako naniniwala sa kanya.

"Okay !" kibit balikat kong sabi. Hindi ko na siya tinanong dahil alam ko naman na hindi niya ko sasagutin.

Ipinagpatuloy na namin ang pag aayos at halos hapon na din ng matapos kami.

Lahat kami ay umattend sa graduation nila. Nag speech pa si Rage at sinabi niya din na ipinapasa na niya ang pagiging presidente kay Gun. Naging maaliwalas at maayos ang graduation, walang gulo at walang nang gulo. Nakakalungkot at papasok ako ng isa pang taon na hindi na sila kasama pero ayos lang dahil sabi nila bibisita naman daw sila sa Morthon kapag may oras.

Masaya ang naging party sa bahay nila Rage, kumpleto kami kahit na sila Micah at Nurse Audrey ay nandito. Masaya talaga kapag wala ng problema pang aabala sa inyo. Mas ayos at masaya sa pakiramdam.

---

Isang linggo matapos ang graduation. Last pasok na namin sa Morthon at kinabukasan ay bakasyon na kaya naman pala alive na alive sila Bullet ngayon tss.

Nag aayos na ako ng gamit para umuwi sa dorm ng tumawag si Rage sakin.

Sinabi niya na nasa racing field sila dahil may race si Shadow ngayon at pumunta daw ako. Wow, kelan pa nagka interes si Rage sa pakikipag karera ? Sumang ayon naman ako at didiretso ako doon bago ako umuwi. Nakakapagtakang wala na sila Bullet paglabas ko, nauna na daw sila umuwi dahil manonood din daw sila kila Shadow. So lahat sila ay interesado na sa pakikipag race ?

Napailing nalang ako habang nag iisip at dumiretso na ng sakay sa sasakyan ko.

Pagdating sa racing field ay nagtaka ako dahil walang katao tao. Damn ! Bakit ganito ? Akala ko ba nandito sila ? Bwisit na Rage yun, yari talaga siya sakin ngayon. Madilim ang racing field at wala man lang kailaw ilaw, paano nagkaroon ng race dito ? Mga baliw talaga ang mga yun

Tinawagan ko si Rage pero hindi niya sinasagot ang phone niya, nagriring naman pero hindi niya talaga sinasagot, ganun din si Bullet. Mga bwisit ! Sumipa pa ako sa lupa at padabog na binuksan ang pinto ng kotse ko. Aalis na lang ako, wala namang kwenta pagpunta ko dito. Kainis lang !

Papasok na ako lahat lahat lahat ng biglang may bumukas na ilaw sa isang bleacher kaya napatingin ako. Malapit lang ang bleacher sa pinagparadahan ko ng sasakyan, kaya matatanaw ko yun kung may tao o wala pero wala akong nakita. Tanging ilaw lang ang nakikita ko at isang malaking speaker, eh ? Kelan pa nagkaron ng speaker doon ?

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon