Chapter 42

2.8K 106 33
                                    

Chapter 42

*Gun's POV*

Konting ayos nalang at matatapos na ang cafe, konting ayos na nga lang kinatatamaran pa nila. Kahit na nandito kami sa cafe ay hindi naman sila kumikilos, mga nakahiga lang sa isang tabi at nagpapalipas ng oras psh. Gusto ba nila na magtagal pa kami sa campsite ? Nakabalik na sila Viahm, Yandel at Bullet pinayagan naman sila ni Mr. Zegers na pumunta doon kay Aidan para nadin malaman ang tunay na pinagmulan ng sunog. Nagkaroon daw ng aberya ang daloy ng kuryente sa kwarto ni Yandel kaya may pumutok na wiring doon at nagsimula ang sunog, pero hindi padin kami naniniwala doon. May hinala kami na may kinalaman ang nagpadala ng death threat samin at hanggang ngayon ay wala padin kaming nagagawang aksyon para doon.

"Bullet, pwedeng mahiram skate board mo ?" tanong ni Nalu kay Bullet.

Sinamaan lang ni Bullet ng tingin si Nalu at alam na agad ni Nalu ang ibig sabihin doon.

"Damot !" irap ni Nalu at nagmaktol na parang bata sa isang tabi.

"Hoy Hunter, nasaan na yung report ko ? Nakita mo ba ?" tanong ni Dagger kay Hunter.

"Hindi."

"Ilabas mo na."

"Wag ka ngang istorbo, kumakain ako." oh yeah, hanggang dito kumakain padin siya.

"Ilabas mo na kase,ang hirap hirap gawin nun." Hinila ni Dagger si Hunter para hanapin sa katawan ni Hunter ang sinasabi niya pero nagpupumiglas si Hunter.

"Ano ba, tigilan mo nga ko. Hindi ko yun kinuha at ano namang gagawin ko dun ?"

"Kukunin mo kase wala ka pang report na gawa, kokopyahin mo kase dun ka magaling diba ?" pang aasar na sabi ni Dagger.

"Oo nga pala no ? Pahiram nga ng report mo. Pakopya." baliw din tong isang to.

"Wala nga diba ? nawawala nga." simangot na sabi ni Dagger.

"Baka nalaglag mo lang kung saan." bumalik na sa pagkain si Hunter.

"Nakakainis naman, ang hirap hirap gawin ng pesteng report na yun mawawala nalang bigla."

Humiga nalang si Dagger sa isang lamesa at pilit inaalala kung saan nailagay ang report niya. Woah, nag aaral din pala sila, ngayon ko lang nalaman.

Pawang mga nakaupo lang kami dito sa cafe ng makarinig kami ng komosyon sa labas. Sa field nagmumula yon, sumilip kami sa bintana para makita yon at nakita namin na may mga lalaki na itsurang mga gangster ang nakapalibot sa field at parang may pinaiikutan silang isang lalaki. Lumabas ako para tanawin pa yun, paglabas ko ay nakita ko sa gilid si Nic na pinapanood lang ang pangyayari.

Napaka walang kwenta niya talaga =__= manang mana siya sa umampon sa kanya. Si Nalu.

"Bakit nakatayo ka lang diyan ? Di mo man lang sila awatin hah ?" sigaw ko sa kanya.

"Eh bakit ba ? Mukha naman silang nag eenjoy sa ginagawa nila eh, tignan mo oh. Tara panoorin natin doon." nakangisi niya pang sabi at hinawakan ako sa braso at nagbabalak na hilahin ako papunta doon.

Pumiglas ako. "Baliw ka ba ? Imbes na awatin mo eh manonood ka pa. Sabihin mo nga, kanina ka pa ba nanonood diyan ?" nakakainis din tong isang to.

"Oo." Bwisit siya diba ? "Sa totoo lang .. andun nga yung isa niyong kasama eh." dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya at saka napatingin sa field.

"Sinong nandun ?" tanong ko.

"Hanapin mo kung sinong nawawala sa inyo ngayon, siya yun." sabi niya.

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya, hindi ako mapanakit na tao pero gugustuhin kong manakit pag siya ang kausap ko.

"Pwede bang sabihin mo nalang kung sino ? Paiisa-isa mo pa sakin sa dami namin dito hah ?" sigaw ko sa kanya.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon