Chapter 5

3.4K 135 6
                                    

Chapter 5

*Nalu's POV*

Ugh -- wait, wait san ba ko magtatago ? San ba ? San ba ? Jesus help me please T.T Hindi na ako mapakali ngayon kung saan ako susuot, ang tanga ko naman kase bakit dito ko sa cafeteria pumunta dead end tuloy, hindi ko tuloy alam kung san ako magtatago.

Shit ! Shit, nararamdaman ko na ang presensiya ni Cham at parang papalapit na sya sakin. Nilinga linga ko ang paligid at naghahanap ng matataguan, nakikita ko pa na may mga ngumingiti at kumakaway na babae sakin, ano to bar ? tss.

Nang lingunin ko ang bintana ay nakita ko na naglalakad si Cham papasok na sya ng cafeteria at nakikita ko sa mga lakad nya na handa na syang pumatay ng tao.

Mas nagmadali akong maghanap ng tataguan, wala na akong choice --

"Ahh excuse me !" sabi ko sa isang lalaking nakaupo.

Hinawi ko sya at sumuot sa ilalim ng lamesa.

"Ano ba ?" reklamo ng lalaki.

"Just a minute okay ? kailangan lang." sabi ko habang nakasungaw sa kanya mula sa ilalim.

"Pwede bang wag nalang dito ? Nakaka istorbo ka sa pagkain ko." simangot nya.

"Sandali lang talaga to." sabi ko naman.

"NALU ELIE" waaah -- si Cham yun.

Sumuot na ko sa ilalim at sinisilip kung nasaan na ang mga binti ni Cham at malapit na sya, kahit di ko nakikita ang muka nya ay alam kong sya yon.

Bago ko pa makalimutan ay sumungaw ulit ako sa taong kumakain sa mesa ngayon at kinausap sya.

"Hey -- pag nagtanong sya sayo, wag mo kong ituturo sa babaeng yun ah." sabi ko at sumimangot lang sya.

Hindi ko na sya pinansin at nilusot ko na ulit ang ulo ko sa ilalim ng lamesa, subukan niya lang magsumbong, patay sya sakin.

"Nalu Elie, show yourself" rinig kong sabi ni Cham na parang naglalambing pa waah.

"Excuse me, have you seen this guy here ?" Waaah at nagtatanong pa talaga sya huh ? at mukang nagpakita pa sya ng picture ko.

"Sorry hindi eh" sabi ng babaeng pinagtanungan niya.

"Okay thank you."

Nakita ko na lumakad na ulit sya at medyo lumayo ng bahagya sa pwesto ko.

"May nakita ba kayong gantong muka na pumasok dito ?" tanong nya ulit.

"Wala eh !" sabi naman ng isang lalaki.

Nang silipin ko ulit ay papunta na sya sa pwesto ko -- ayan na ! malapit na malapit na sya , sobrang lapit na nya at eto na nga -- tumigil sya sa lamesa kung saan nasa ilalim ako, balak pa ata nya tanungin ang lalaking to.

"Hey can I ask you something ?, nakita mo ba tong lalaking to ?" waahhh at nagtanong na nga sya.

Hinintay ko ang pagsagot ng lalaki pero hindi ito sumagot, pero hindi din naalis sa pwesto si Cham -- tss. Mahaba ang lamesang to kaya pwedeng pwede akong gumapang palabas, bakit ba hindi ko yun naisip kanina.

Sinimulan kong gumapang at binaybay ang lamesa, sinisilip ko pa si Cham at nandun padin sya habang nakatayo kaya naman mas binilisan ko pa para di nya mahuli haha ^.^

Nasa kalagitnaan na ako ng lamesa ng lingunin ko ulit sya sa pwesto pero wala na sya kaya napahinto ako ! The f*ck , nasaan na sya ?

Nilibot ko ang paningin ko sa ilalim pero wala na sya , aish ! sana lumabas na sya. Pumwesto na ulit ako para gumapang pero nagulat ako sa nakita ko ---

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon