Chapter 40

2.9K 101 14
                                    


Chapter 40

*Fox POV*

Ang tagal naman ng pesteng Nalu na yun. Kanina pa ko dito sa labas ng Morthon, kanina lang kase nagtext si Baron na ngayon na pala yung ipapagawa niyang pagkuha ng kotse. Last time na nagtext siya wala kaseng exact date, oras lang. So ngayon na yun at itong Nalu na to kanina ko pa sinabihan bakit ba ang tagal tagal niya bwisit. At kung paano ako nakalabas ng Morthon, basta alam niyo na siguro yun.

"FOX ! FOX ! YOHOOO  ... FO..ARAY KO ! BWISIT." paglingon ko sa likod ay nakita ko lang naman si Nalu na nakadapa sa lupa, mukang nahulog siya at may lalaki pa na nakadagan sa kanya.

"Ugh. Tu..mayo ka nga di..yan ang bi..gat mo !" reklamo niya sa nakadagan sa kanya kaya tumayo naman ito.

"Ang bagal mo kase eh." sabi ng kasama niya.

Teka .. bakit kasama niya to ? Guard to ah, guard kasama niya tumakas ?

Lumapit ako sa kanila. "Hoy Nalu ! Bakit nandito siya ?" sabay turo sa kasama niya.

Pagkatapos magpagpag ng damit niya ay tumingin sakin si Nalu.

"Ah, oo nga pala. Fox, isasama natin siya."  akbay niya sa guard.

"Huh ? Bakit ?"

"Tutulong siya satin para kunin yung kotseng sinasabi mo. Magaling siya sa mga gantong bagay trust me." ngiti pa ni Nalu.

"Kaya nga kita sinama diba ? Kase alam kong magaling ka din so bakit nangdamay ka pa ng iba ?" pamewang kong sabi sa kanya.

"Oh, thank you for the compliment. Pero alam mo hindi kase ako magnanakaw eh, kaya hindi ako beterano sa mga pagbubukas ng mga naka-kandado or what lalo pag kotse eh hindi naman ako madalas gumamit non, at doon kakailanganin natin siya." turo niya ulit sa kasama niya. "Wag ka mag-alala kauri mo naman siya eh." ano daw ?

"Anong kauri ?" tanong ko.

"Kauri, mga MAGNANAKAW. Yan kayo diba ?" damnit ! He emphasize the word MAGNANAKAW while smiling. Makapagsalita siya akala mo..

"Parang hindi ka magnanakaw ah." inis kong sabi sa kanya.

Pumamewang siya. "Hindi naman talaga eh. I'm Captain Jack Sparrow remember ? Hindi ako nagnanakaw, nanghihiram lang ako." todo ngiti niya pang paliwanag.

"Whatever ! f*cking thief, tss." Ugh parang minura ko ang sarili ko.

"Okay ! Let's go Lupin and Scott." inakbayan niya pa ako at ang guard na kasama niya at bakit..

"Scott ?" taka kong tanong at bumitaw sa pag-akbay niya.

"Hindi mo ba siya kilala ?" sabi ni Nalu at tinuro ang kasama niya. "Siya si Scott Lang, he's the AntMan." peace sign niyang sabi. What the ??

Kumaway naman ang guard na kasama niyang pagkaka-alam ko ay Nic ang pangalan at sumaludo silang dalawa sakin. Shitty ! Shitty guys psh. So may kanya kanya talaga kaming idol dito ganun ? Mukha pa silang mga baliw arrrghh.

God ! I'm doomed here. Ngayon palang nagsisisi na ako na sinama ko si Nalu. Isa siyang baliw at mukhang nahawa na nga si Nic sa kanya. =__= Sumakay na kami ng kotse ko para umalis, oh sa totoo lang ay hindi ko naman kotse to dahil hiniram ko lang muna ang kotse ng kaibigan ko dahil alam kong mahihirapan ako mamaya kung kotse ko pa ang dadalhin ko. Ilang minuto palang ang binabyahe namin at nang uurat na to si Nalu.

"Fox , wala ka bang pagkain dito ?" kinakalkal niya ang mga gamit ko sa likod.

"Ugh. Wala ! Wag mo ngang pakialaman mga gamit ko dyan pwede ba ?" sigaw ko kay Nalu.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon