Chapter 16

3.2K 118 5
                                    

Chapter 16

*Cham's POV*

Days moves faster, one week have passed since that incident happened. Nakalabas na ng hospital sila Darce at Gun, tinanong namin ang nangyari sa kanila pero wala silang maisagot dahil hindi din nila alam kung sino ang taong yun. Ang taong gumanap sa play nila Gun na hindi na sya pinalabas , yun ang taong sumaksak kay Gun at nang sundan ito ni Darce ay ganun din ang ginawa kay Darce, ginamit nito ang cellphone ni Darce para malinlang si Bullet.

Si Bullet naman ay nananatili padin sa hospital but the good thing is ligtas na sya, yeah ! nagising na sya pero kailangan nya pa magpalakas sa hospital. Hindi tumigil sa pagbabantay si Yandel sa hospital, walang ibang nakaalam ng nangyari sa Morthon maliban samin pati kay Mr. Zegers dahil pwede namin itong ikapahamak at pwede ding mawala lahat ng estudyante sa Morthon pag nalaman nila ang patayang nagaganap doon.

Maling hindi ipaalam ito pero kailangan para nadin sa kaligtasan ng iba, alam nadin ng pamilya ni Darce at Bullet ang nangyari maliban sa nanay ni Gun dahil mas pinili ni Gun na wag ipaalam para hindi mag alala ang nanay nya. Kumuha na ng private investigator si Mr. Zegers para imbestigahan ang nangyari. Sa ngayon ay hindi kami pwedeng umalis ng basta basta at kailangan namin ang isa't isa dahil pwede kaming mapahamak kahit anong oras.

Samantalang ang mga bagay na nakita nila Yandel at Darce bilang ebidensya ay wala na sa pinagtaguan ni Darce, nakita nalang ni Nalu na gulo gulo ang kwarto nila ni Darce at talagang yun lang ang kinuha, shit always happens huh ?

I'm in the process of thinking deeply when this one abnormal guy appear tss .

"Hi Cham, ang lalim ata ng iniisip mo." tinignan ko lang sya at inirapan.

Umupo sya sa tabi ko, kasalukuyang nasa bench ako malapit sa field.

"Kung wala kang sasabihin makakaalis ka na." sabi ko habang nakatingin lang sa field.

"I just want to know how are you." sabi nya at alam kong nakatingin sya sakin dahil nkikita ko sa gilid ng mata ko ang muka nya na nakapaling sa direksyon ko.

"I'm fine !"

"Really ?"

"Definitely !"

Ayoko ng makakausap ngayon, gusto ko mapag isa, gusto ko makaisip ng paraan pero hindi ako makaisip.

"Okay then, hindi muna kita guguluhin. But remember, if you need someone to talk to -- I'm always here." sabi nya.

"I have a lot of friends there to talk to, so thank you but no thanks." sagot ko.

Alam kong napahiya sya dahil umalis nalang sya ng hindi nagsasalita. I'm sorry Shadow, I am weary now , I don't need someone to talk to.

Nang maka alis si Shadow ilang minuto naman ay narinig ko ang pagtatalo ni Nalu at Rage sa di kalayuan.

"No way Nalu, you're staying here. Walang aalis." rinig kong sabi ni Rage.

"Sige na naman Rage, kausapin mo na yung mga security sa labas, wala namang mangyayaring masama sakin eh." si Nalu yan.

Nakita ko sila na naglalakad papunta sa direksyon ko. Pagkasalita ni Nalu ay automatic na tumigil si Rage sa paglalakad at tumingin kay Nalu.

"How and where did you get the assurance of being safe huh ? Every place we're going to is not safe Nalu ! so you better stay put in the ground of Morthon, do you understand me ?!" galit na sabi ni Rage at inumpisahan ulit maglakad.

Nakita ko naman na kumamot ng ulo si Nalu at malumanay na sumunod kay Rage habang nakasimangot ang mukha. Well , sobrang higpit na ngayon ng security ng Morthon kahit saang sulok ay may guard na ngayon kahit ang mga tagong lugar kaya hindi ka na basta basta makakalabas at makakapasok na gawain ni Nalu.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon