Finale

2.9K 104 17
                                    

Finale

*Cham's POV*

Isang buwan na ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat ng yon' isang buwan na tila ba kahapon lang. Ang bilis bilis talaga ng panahon, paang kahapon lang ay kumpleto pa kami pero ngayon ay kulang na pero atleast naging masaya padin ang kinalabasan ng lahat sa dulo.

"Okay guys, ready." sigaw ni Darce sa di kalayuan at hawak ang dlsr niya.

Nagpuwestuhan na kami at binigyan ng espasyo ang pangalan ni Rhys at Gael at Fox sa gitna. Nasa sementeryo kaming lahat ngayon at dinalaw namin ang puntod nila kasama din namin si nurse Audrey at si Micah, magkakatabi naman ng libingan sila Gael kaya hindi na kami nahirapan.

"Teka teka dito ko para makita agad ako." singit ni Knife sa gitna.

"Aish ! Kahit naman andiyan ka mas aangat pa din ang kagwapuhan ko sayo no." pang aasar naman ni Dagger.

"Heh ! Manahimik ka diyan." saway ni Knife.

Nakakatuwa at pati ang kambal ay naging maayos nadin ngayon.

"Ang tagal naman, ano ? Game na ba ?" napapakamot na sa ulo si Darce sa sobrang inis niya.

"Okay na ! Sige na." nag okay sign naman si Rage para sumenyas na okay na ang pwesto ng lahat.

"Say cheese !" pinwesto na ni Darce ang camera sa tapat niya.

"Pwede bang chocolate nalang ang sabihin ?" ugh, so abnormal Nalu.

"Cheese nalang." si Knife yan.

"Chocolate nga."

"Cheese na nga lang sabi eh !"

"Mas masarap yung chocolate."

"Arrrgghhh ! Cheese."

Sa sobrang inis ni Darce ay kumuha na siya ng hindi nakatingin ang dalawa at nakunan ang pagtatalo nila.

"Ano ba yan ! Hindi pa nga game eh." reklamo ni Knife.

"Isa pa!" sabi naman ni Nalu.

"Kumuha kayo mag isa niyo mga bwisit !" irap naman ni Darce saka binigay ang camera kay  Nalu.

Si Nalu naman ay hindi talaga pinalampas ang pagkakataon at kumuha ng kumuha ng litrato sa sarili niya, hinihiram yun ni Knife pero ayaw niya ipahiram kaya nag agawan at naghabulan na sila. Mga isip bata.

"Magasgasan lang yang camera ko ibabaon ko kayo ng buhay dito !" sigaw ni Darce pero hindi siya pinapakinggan ng dalawa.

"Minsan hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagbabalik ni Nalu o mas gugustuhin ko pa siyang maging Ace habang buhay tsk." iling iling na sabi ni Darce.

"Hindi ko alam na lalabas ang pagkabaliw ni Knife nung magkabati kami, aish ! Kung alam ko lang hindi na ako nakipag ayos sa kanya." sabi naman ni Dagger.

Sadyang may panahon talaga ang bagay bagay, ngayon ay okay na ang lahat at bumalik na si Nalu at pati ang totoong pagkatao ni Knife ay lumabas na din, di ko akalain na sila ang magsasama sa kalokohan sa bandang huli. Namiss ko talaga si Nalu at ngayong nagbalik na siya ay masayang masaya ako sa nangyari, okay na din naman kami ni Viahm, uhm yes officially kami na at masaya sa pakiramdam yun. Sila Micah at Yandel naman eto naghahabulan padin, sila Audrey, Darce at Rage ay hindi naman malaman ang status nila. Okay naman ang kalagayan ng lahat at tingin ko ay wala ng magiging problema.

"Kain na ! Kain na !" sigaw naman ni Gun habang inaayos ang mga pagkain na nakalatag sa malaking malaking tela sa damuhan, halos buong sementeryo ay masakop na namin dito.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon