Chapter 56

2.4K 90 34
                                    

Chapter 56

A/N : hinga muna ng malalim, please kapag nabasa niyo ang chapter na to wag kayong magalit 😢 huhuhuhu .. hindi ko sinasadya guys .. I'm sorry .. 😭😭😭 sorry na ! 😢😢😢




*Gun's POV*

Bistado na ang lahat, lumabas na ang katotohanan, si Fox ang may pakana ng lahat ng kaguluhan. Hanggang ngayon ay pinaghahanap siya ni Viahm at ni Nalu, nagtago na siya. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta. Well I guess sa pag alis niya dito nakaalis na din yun ng konting pangamba samin at wala ng mangyayaring masama. Sa tinagal tagal ng pagsasama namin ay hindi namin alam na ang mismong nakakasama namin sa iisang bubong ay yun pa ang gagawa ng ganitong krimen. Hindi namin siya masisisi, pero sana naisip niya na isinugal ni Gael ang buhay niya para sa nakararami pero parang hindi mabibigyan ng importansya ang sakripisyo niya dahil lang sa kagustuhan niyang patayin kami. Masasayang ang buhay na inilaan ni Gael kung gagawin niya ang bagay na yon at hindi nya naisip yon.

Bumalik na sa Morthon si Nalu pero si Viahm ay hindi, hindi ko alam kung nasaan siya baka kasalukuyang hinahanap niya padin si Fox hanggang ngayon. Nakakaawa na si Cham, araw araw niya kaming hinahanapan tungkol kay Viahm, araw araw niya kaming tinatanong kung nasaan si Viahm pero wala kaming maisagot, wala kaming pwedeng isagot. Sinabihan kami ni Viahm na wag na ipaalam kay Cham kung nasaan siya dahil baka madamay lang ito. Knowing that Cham, makulit siya at gagawin niya ang lahat makasama lang siya sa patayan o pakikipaglaban na pupuntahan ninuman, hindi siya magpapahuli at hindi siya magpapaiwan. Ang bagay na yon ang ayaw na mangyari ni Viahm , dahil kung dati daw ay maswerteng nakaligtas pa silang dalawa baka ngayon daw ay mabiro ang tadhana at baka hindi na.

May punto din si Viahm kaya naman hindi na kami humadlang sa sinabi niya na wag sabihin kay Cham kung nasaan siya, iwas disgrasya din.

Kumakain na kami sa cafeteria, nakakalungkot at kulang kulang kami. Walang nagsasalita, hindi masaya, kahit na si Nalu ay nakakapagtakang walang gana.

"Uhm, Nalu -- saan ngayon si Nic ?" tanong ni Shadow.

"Sinong Nic ?" tanong naman ni Nalu. Oh well dalawa nga pala yung Nic.

"Si Nic, I mean yung totoong Fox. Nasaan siya ? Gusto ko siyang puntahan." sabi ulit ni Shadow.

"Nasa malayong lugar siya." Nalu.

"Saang malayong lugar ?" Shadow.

"Sa bundok kasama niya yung carrotman, doon siya naninirahan ngayon wag niyo na siyang guluhin pa." kahit seryoso si Nalu hindi padin maalis ang pagka palabiro niya.

"Tsk. Sabihin mo na, gusto ko siyang makita." pakiusap ni Shadow.

"Pagkatapos niyo siyang pagbintangan ng kung ano ano ngayon hahanapin niyo siya ?" natahimik naman si Shadow, may tama doon si Nalu.

"Hindi naman namin alam yung nangyayari eh, hindi namin kasalanan kung mapagbintangan namin siya ng ganun na lang." depensa ni Dagger.

"Hindi niyo alam kase hindi niyo inaalam. Mahirap sa inyo kung ano lang yung nakikita ng mga mata ninyo yun lang ang pinapaniwalaan niyo, hindi kayo tumitingin sa likod ng mga bagay na nakikita niyo. Matuto kayong bumalanse sa mundo para hindi niyo pagsisihan ang lahat sa dulo." lahat kami ay napatingin na kay Nalu.

Okay, kanina si Nalu siya pero tingin ko ngayon ay si Ace na ang nagsasalita.

"Ayaw namin makipag away, gusto namin siya makita, gusto namin humingi ng dispensa sa mga nangyari kaya pakiusap, sabihin mo na kung nasaan siya." si Hunter naman yan.

"Sigurado kayo ?" tanong ni Nalu.

"Oo Nalu, malaki ang naging kasalanan namin sa kanya at isa pa siya naman talaga ang kaibigan namin kaya please ? Sabihin mo na kung nasaan siya." pakiusap naman ni Dagger.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon