Chapter 33

2.9K 96 32
                                    

Chapter 33

*Cham's POV*

8pm na, kanina pa kaming 6pm nandito pero hanggang ngayon ay hindi nila mapagdesisyunan ang pwesto ng pagtulog namin ugh, ang sakit nila sa ulo promise.

"Dyan ako." hila ni Nalu kay Kite.

"Ano bang pinag kaiba ng pwestong yan dito ?" simangot na tanong ni Kite kay Nalu habang tinuturo ang pwesto niya.

"Mas malapit to sa dining area eh." Nalu smirk with matching peace sign.

"Dun ka nalang kaya matulog sa dining area no ?" sigaw naman ni Yandel.

"Bakit ba hah ? matulog na nga kayo ang iingay niyo." Humiga na si Nalu at niyapos ang unan niya.

"San tayo pupwesto ?" pabulong na tanong ko kay Skye.

"Anywhere." walang kwenta talaga siya kausap.

"Ahh -- Cham, dito ka sa tabi ko humiga and I'm sure you'll be safe." Shadow while showing his devilish smile, damnit.

"Who says perv ? hindi matutulog si Cham sa tabi mo." Viahm looked at Shadow and I feel his killing intent. Woah.

"At kanino ? sayo ?" tanong naman ni Shadow.

"Yeah ! wala ng iba pa, Cham dito ka sa tabi ko." sabi ni Viahm at pinalo pa ang kama niya na parang sinasabi na doon ako pumunta.

"Dito ka Cham." ganun din ang ginawa ni Shadow at pinalo din ang kamang pinupwestuhan niya.

"Dito sabi eh." Viahm

"Dito nga." Shadow

"Sakin siya tatabi." Viahm

"Hindi sayo kundi sakin." Shadow.

Halos lahat kami ay napapalit palit na ng tingin sa kanilang dalawa at nakakahilo talaga sila, nagtigil lang sila ng sumigaw si Bullet.

"NO !! Walang tatabi kay Cham kahit na sino sa inyong dalawa, naiintindihan niyo ba ?" sigaw ni Bullet. What the, ano daw ?

Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay napatingin kaming lahat sa kaniya, sumama ang tingin ni Viahm kay Bullet and it's now double killing intent *I think ?* tila napaisip naman si Bullet at parang nagsisi sa pagsigaw niya. Matagal ang titigan na yun, kung hindi lang nagsalita si Nalu ...

"Hanggang ngayon ba naman Bullet ?" bangon ni Nalu sa pagkakahiga niya.

"Manahimik ka nga dyan." hampas naman ni Yandel ng unan sa kanya.

Napakamot si Bullet at iniwas ang tingin kay Viahm. "Ugh .... I was just thinking..."

"Thinking what ?" pagputol ni Viahm sa pagsasalita ni Bullet.

"Thinking that it's better this way."

Bigla nalang hinila ni Bullet ang isang kama (ang lakas niya huh ?) at inilayo ang pwesto sa ibang kama, inilapat niya yun sa pader at kumuha ng apat na unan at inilagay sa kamang yun.

"Ahh Cham and Skye will sleep in there, pangit kase tignan kung sasama sila satin dyan diba ?" kamot ulong sabi ni Bullet.

"Good Idea." akbay ni Kite kay Bullet.

Hindi naman nagsalita si Viahm at inirapan lang si Bullet. Inayos nila ang ibang kama dahil nagkaroon ng puwang dito. Nang maayos nila yun ay nagpatuloy sila sa pagtatalo kung saan sila pupwesto. Hayy, wala na talaga silang pag-asa.

"Ayoko kita katabi no !" talikod ni Dagger kay Knife.

"Tss, ang arte mo." talikod din ni Knife kay Dagger. Ngayon ay magkatalikod na sila.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon