Chapter 38

2.3K 92 9
                                    

Chapter 38

*Bullet's POV*

Nagising nalang kami sa isang malakas na kalabog sa pinto. Kami ni Fox ang unang nagising, sino ba yun ? Dis oras ng gabi nang gigising. Tumayo ako at binuksan yun, tumambad sakin ang pawis na pawis na si .. teka siya yung guard na pinasok ni Nalu ah, si Nic. Bakit siya nandito ? Tinignan ko ang kabuuan niya simula sa paa, wala siyang suot na sapatos o tsinelas man lang, may konti siyang dungis sa katawan, may mga piraso ng damo at dahon sa damit niya at sugat sa mukha, para siyang galing sa pagkakadapa.

Pumasok siya ng walang sabi sabi at dumiretso sa higaan namin saka pwersahang ginising si Nalu. Napatingin nalang ako at si Fox sa ginawa niya, anong problema niya ?

"Nalu ! Nalu !"   gising niya kay Nalu at sumisigaw siya ngayon.

"A...no ba !!" antok na sabi ni Nalu at tumalikod pa sa kanya.

"NALU ! GUMISING KA DYAN." sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman nagising nadin ang iba.

Bumangon si Nalu at nakapikit pa ng magsalita "Ano bang problema mo ?" kamot ni Nalu sa ulo niya at nananatiling nakapikit.

"Nasusunog ang white dorm Nalu ! Bumangon ka diyan !!." 

Halos lahat kami ay napalaki ng mata at nagbangunan ang iba , hindi lang ang iba lahat pala. Napadilat na ng mga mata si Nalu at nagtatakang napatingin kay Nic. Dahil nasa pinto pa ako ay nagawa ko nang sumilip doon para tanawin ang white dorm dahil malapit lang naman yon dito. Madaming tao ang nagkakagulo , rinig nadin ang sirena ng bumbero at madaming makukulay na ilaw ang nakikita ko doon.

"Ang white dorm ?" kabadong sigaw ni Cham.

"Anong nasusunog ? Bakit ? Anong nangyari ?" tarantang tanong ni Nalu at bumaba ng kama.

"Hindi ko alam ! Pumunta tayo doon bilisan mo." nagtatakbo na naman si Nic palabas.

"Aidan !" biglang bumaba si Yandel sa kama niya at nagtatakbo palabas na hindi na nagawa pang magsuot ng tsinelas.

Hindi na din ako nakapagsuot ng tsinelas at tumakbo nadin kasunod niya at alam ko na kasunod namin ang iba. Pawang mga nakayapak kaming lahat ng marating namin ang main entrance ng white dorm, Oo as in kaming lahat. May harang na ang main entrance at puro mga bumbero lang ang pwedeng pumasok. May mga nagkakagulong estudyante, halos lahat ay nakapang tulog na. May mga prof. na kumakausap ng pulis, at ang iba naman ay nagsisigawan. May mga patuloy na lumalabas at naililigtas ng mga bumbero na galing white dorm, unang hinanap ng mata ko si Aidan pero wala siya.

"Paano nagkasunog dito ?" boses ni Nalu sa gilid ko kaya napatigil ako sa paghahanap.

Paglingon ko sa kanya ay nagulat ako dahil sa itsura niya. May nakasaklob lang naman na kumot sa ulo nya at nababalot ang buong katawan niya at mukha niya lang ang kita doon. Geez ! so abnormal. Mas nagulat ako ng lumitaw pa ang isang ulo sa likod niya, si Nic na nagtatago din at mukang takot na takot sa sunog.

"Ano ka ba naman Nalu ! bakit dala dala mo yan ?" singhal ni Darce.

"Nagmamadali kase kayo eh, nadala ko tuloy to." sagot niya.

"Wag kayong magsayang ng oras, hanapin natin si Aidan." sabi naman ni Cham at sumunod kami.

"Aidan ?!" hablot ni Yandel sa isang lalaking nakatalikod pero hindi si Aidan yun.

"Aidan ?" hila niya ulit sa isa pero hindi padin.

Nakailang hablot siya sa mga lalaking estudyante at wala kaming nakitang Aidan.

"Aid ...Shit ! Nasaan si Aidan ?! AIDAN !!!" malakas na sigaw ang pinakawalan ni Yandel pero walang sumagot na Aidan sa kanya.

Napapasabunot na siya ng buhok niya at pawis na pawis na siya, hindi siya mapakali sa pwesto niya. Linga siya ng linga para mahap si Aidan. Ilang saglit ay dumating si Keira na umiiyak kasama si Lirie at dumiretso sakin.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon