Chapter 23

2.8K 91 2
                                    

Chapter 23

*Gun's POV*

Ilang araw ko na din nakakasama si Knife sa kwarto at medyo nakaka adjust nadin ako sa paghahagis niya ng kutsilyo --.-- minsan gusto ko na magsuot ng armor pang proteksyon sa bawat pagpasok ko o kaya naman magdala na ng dextrose para kung sakaling tamaan ako stretcher nalang kulang diretso na ko ng ospital. Bakit ba kase hinayaan ni Rage na makasama ko ang isang yun eh. Buti nalang hindi niya ko pinagtatangkaan patayin pag natutulog ako pero minsan kinakapa ko din ang katawan ko dahil hindi ko alam kung gumising ako ng buhay o kaluluwa nalang ako --.--

Nasa tapat na ako ng pinto namin ngayon at nagdadasal na sana makailag ako sa ibabato ni Knife -.- dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumikit saglit saka umupo with matching sigaw at sinangga ko pa mga braso ko dahil alam kong may lilipad na kutsilyo. Ilang segundo na ako nasa ganong posisyon ng marinig kong magsalita si Knife.

"What are you doing ? you look like an idiot" mahina niyang tanong at garalgal ang boses niya.

Unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita ko syang nakalupasay sa sahig saglit kong inalis ang tingin ko sa kanya at kinapa ko ang katawan ko, salamat at buhay pa ako. Tinignan ko din ang pinto at sahig pero walang kutsilyo doon. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay nakalupasay padin sya sa sahig saka ko lang napansin na ang kanang braso niya ay nakatuon sa kama at may hawak na sigarilyo samantalang ang kaliwang kamay niya naman ay may hawak na alak, anong problema ng isang to ?

"Bawal yan dito." well I have the authority, slight.

"Wala kong pakelam, di naman ako nanggugulo ah." medyo lasing na sya dahil pagewang gewang na ang ulo niya.

Umupo ako sa kama ko at tinignan sya saka sya tinanong.

"Anong problema mo ?" sinandal niya ang ulo niya sa pader at saka pumikit.

"Problema ? wala akong problema ! ano namang poproblemahin ko ?" nakatawa nya pang sagot.

"Sinungaling." tinanggal ko an ang coat ko saka sinampay.

Nagtanggal nadin ako ng sapatos at medyas , tuluyan na akong nagbihis para makapagpahinga na. Hihiga na sana ako ng magsalita ulit si Knife.

"Why he hates me ? Hin..di ko naman kasala...nan ang nangyaring yon, akside..nte lang ang lahat but why is that bullshit Da..gger always putting the blame on me as if I was the biggest stupid ass..hole in the whole univ..erse. Why is he alwa..ys like that huh ? f*cking idiot." dire-diretso niyang sabi sa pagitan ng sinok niya. Tss lasing na nga siya.

Pero teka lang , nabanggit niya yung galit sa kanya ni Dagger. Nag iinom sya ngayon sa sama ng loob kay Dagger baka pagkakataon ko na to para malaman yun, ayaw kasi sabihin ni Dagger ang dahilan niya. Unti-unti akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Bakit ba nagalit sayo si Dagger ?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako at ngumiti ng nakakaloko saka umiling iling.

"That f*cking guy, kelan niya ba ko mapapatawad ?" yumuko sya at lumagok ulit ng alak na hawak niya.

Ang layo naman ng sagot niya geez ! Sumimangot ako at napatingin nalang sa kanya.

"Bakit ba sya nagalit kase sayo ?" tanong ko ulit.

Napatingin naman sya sakin at nagbago ang aura ng mukha niya, lumungkot ito at lumalim ang tingin niya, ooh sasabihin na ba niya ang totoo ?

"Gus..to mo tala..ga mala..man ?" sabi niya habang nilalapit ang muka niya sakin.

Geez ! ang baho ng hininga niya amoy alak damn ! tumango nalang ako bilang sagot sa kanya. Ngumiti naman sya at unti-unti ulit lumapit sa mukha ko bagay na ikina-kaba ko parang may kaabnormalan syang gagawin.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon