Chapter 48

2.2K 73 17
                                    

Chapter 48

*Cham's POV*

Mabilis na lumapit sakin si Viahm ng maibagsak ko ang telepono na hawak ko.

"Ano yun Cham ? Bakit ?" hawak niya sa magkabilang balikat ko.

"Si F-FOX !" nanginginig ang kamay at labi kong sabi.

Mabilis na napatayo si Shadow ng marinig niya ang sinabi ko. "Bakit ? Anong nangyari kay F-FOX ?" tanong niya.

"N-NASAKSAK .. N-NASAKSAK SI FOX." sabi ko habang nanginginig padin.

Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Kakatapos palang ng kay Aidan ay eto na naman, hindi ba matatapos to ?

Napatayo si Dagger at lumapit sakin "AAAANNNOO ? NASAAN SIYA ? NASAAN SIYA ?" inalog alog niya ang balikat ko at galit na galit na nagsisigaw habang tinatanong ako.

"S-SA .. S-SA OFFICE NI R-RAGE."

Mabilis na lumabas si Dagger at Shadow at nagsunudan na din ang iba at parang doon lang din ako nahimasmasan kaya sumunod na ako sa kanila. Malayo palang kami ay rinig na namin ang ingay ng ambulansya, marahil ay nakatawag na agad sila para madala sa ospital si Fox. Sana maging ligtas siya, sana maging maayos siya at walang mangyaring masama.

"Magsitabi kayo." hinahawi ng mga medic ang mga estudyanteng nakiki usyoso doon.

Pagdating namin ay nakita agad namin na nakasakay na ng stretcher ang walang malay na si Fox at mabilis na pumunta doon si Shadow.

"F-Fox.. Fox ! Oh my god. Fox !" todo kapit si Shadow sa stretcher at hinahawi din siya ng mga medic.

"Wag niyo siyang pababayaan parang awa niyo na." nagmamakaawang sabi ni Shadow sa mga medic doon.

Tumango lang ang mga ito at diretso ng isinakay si Fox sa ambulansya, sumama si Shadow at Hunter. Napasabunot si Dagger sa buhok niya at pinagsisipa ang damuhan. I know what he feels, masakit makita ang kaibigan mo na napahamak sa di malamang dahilan. Nang makaalis ang ambulansya ay natuon ang pansin namin sa nagkakagulong tao sa tapat ng office ni Rage. May ma pulis na din na nakaharang doon, mat nakaharang na police line kaya hindi agad makakadaan ang kahit na sino. Puno ng kumupulan estudyante sa tapat kaya kinailangan pa naming makisingit para makita kung anong nangyayari.

Nang makasingit at makapunta kami sa tapat ng office ni Rage ay natanaw namin na may mga pulis sa loob ng office ni Rage, puro flash ng camera ang nakikita ko sa loob. Si Rage, nasaan na ba si Rage ?

"R-RAAAGEEE !" sigaw ni Nalu habang lumilinga sa paligid, itsura palang niya ay halatang kinakabahan na din siya sa mga nangyayari.

"Nasaan si Rage ?!" patuloy niyang sabi, pawisan na siya at hindi mapakali kakalingon sa paligid.

"SHIT !" I heard Viahm cursed.

Napatingin kami sa kanya at nakatingin lang siya sa pinto ng offoce kaya naman sinundan namin ang tingin na yun at nagulat kami sa nakita namin. Si Rage ..

Si Rage ..

Hawak siya ng dalawang pulis sa magkabilaang braso at nakaposas ang mga kamay niya. The f*ck ! Anong nangyayari ? Inaakay ng mga pulis si Rage at hinahawi nila ang bawat daanan nilang kumpulan ng estudyante. Nakayuko lang si Rage at hindi makatingin sa kahit anong direksyon.

"ANONG NANGYAYARI ?!! teka lang ! teka lang ---" hinarang ni Nalu ang mga pulis na may hawak kay Rage.

"Wag kang humarang diyan, kailangan namin madala agad sa presinto to." sabi ng isang pulis.

"HINDI ! HINDI PWEDE, R-RAGE .." hinawakan ni Nalu ang kabilaang balikat ni Rage at doon lang tumingin si Rage na noo'y naluluha na ang mata. "..Anong nang..yari ?" nginig ang labing tanong ni Nalu. "..Bakit ka nila hinu..huli ?" pautal utal niyang sabi.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon