Tibok

27 3 0
                                    

HORROR

"Pakinggan mo," turan ni Joon bago ilagay sa ulo ni Hana ang headset.

Nanlaki ang mga mata ni Hana nang marinig ang malakas na tibok ng pusong nagmumula sa headset. Walang kanta, walang tula, isa lamang iyon paulit-ulit na tunog ng pagtibok ng puso.

Nanlamig ang kaniyang kamay at nagsitaasan ang balahibo sa kaniyang batok.
"A-ano ito?" nanginginig ang boses na tanong niya.
Ngumisi si Joon at umiling. "Tara, sumama ka sa akin nang malaman mo," wika nito.
Hindi alam ni Hana kung ano ang nagtulak sa kaniya para ihakbang ang mga paa at sumunod kay Joon-- ang manliligaw na dati pa'y binasted niya.
Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa marating ang isang abandonadong classroom sa paaralan nila. Binuksan iyon ni Joon alinsabay sa pagbukas ng ilaw. Inilibot ni Hana ang paningin sa buong kuwarto at gayon na lamang ang panginginig ng kaniyang tuhod nang makita niya ang nakahandusay na katawan ng kaniyang kasintahan-- wakwak ang dibdib na tila dinukot palabas ang puso nito ng kung ano mang hayop.
Nilukob ng takot at kilabot ang kaniyang dibdib.
Mayamaya pa'y bumulong si Joon sa kaniyang tainga, "Mahal na mahal ka ng boyfriend mo Hana, ang tibok ng pusong pinakinggan mo ay mula sa kaniya."
Kasunod noo'y ang pag-kamatay ng ilaw at pag-sarado ng pinto.

Walang Kwento Where stories live. Discover now