Taken for Granted

1.1K 32 5
                                    

TEEN FICTION

"Sorry honey, I'm late."

Ngumiti ako sa kaniya at pinunasan ang pawisan niyang mukha.

"Okay lang, ano ba. Pawis pawis ka o," sabi ko.

Okay lang naman talaga. Okay lang na dalawang oras na akong nag-hihintay dito. Kailan ba hindi naging okay ang mga kagaguhan niya? Kahit ano namang gawin niya, kahit ipahiya niya ako sa harap ng mga kaibigan niya, kahit ilang beses ko na siyang nahuhuling may babaeng iba, okay lang.

Mahal ko pa rin siya.

Call me stupid, martyr or whatsoever pero wala na akong pakialam. He's the only one that matter.

Ayos lang na nambababae siya basta in the end, babalik pa rin siya sa'kin. He's the only thing I wanted in my whole existence, mula pa elementary siya na talaga at ngayong mayroon nang kami, hindi ko na iyon hahayaang mawala pa kahit masakit. Kahit gabi-gabi akong umiiyak. Kahit pati mga kaibigan ko nakakalimutan ko na. Kahit sarili ko napapariwara na. Wasak na naman ang pagkatao ko, wasak na wasak. But I don't blame him for that because no matter how jerk he is---I still love him.
I am Elizabeth Tamayo and I am already taken.

Taken for granted.

Hindi naman ako masamang tao. In fact, I'm a very very very nice person---masayahin, mabait, sweet, matulungin pero kalog. I do believe that I am made up of sugar, spice and everything nice. Pero nasobrahan ata ang pagka-nice ko kasi kahit sarili kong boyfriend pinapayagan kong lumandi sa iba.

"Lizzy, si Teddy bear mo o! Lumalandi na naman! Tara't kalbuhin na natin!" nanggagalaiting sabi ni Elinor saka ako hinila papunta sa direksyon ni Theodore na naka-akbay sa isang babae.

Ipinreno ko ang suot kong rubber shoes at saka ko tinanggal ang kamay ni Eli sa braso ko.

"Elinor! H'wag na. Akala ko ba bibilhan natin ng regalo si Hyperion?" I tried to convert the topic to Hyperion--iyong boyfriend niya--pero inechepwera niya ako.

"Ako Elizabeth tigil-tigilan mo sa katangahan mong 'yan! Nanggagalaiti na ako sa putchang boyfriend mo kuno pero walang kuwenta naman!" sabi niya and in just a blink of my eye napunta na siya sa likod ni Theo.

"Tokwa kang lalaki ka, mamatay ka na!" sigaw ni Eli at pinaghahampas si Theo ng sapatos niya.

Nanlaki ang mata ko at dali-daling lumapit sa kanila.

"Aray! Aray! Ano ba!" reklamo ni Theo.
Sinubukan kong higitin si Eli pero hindi talaga siya nagpapa-awat, akala mo naman si Rion ang nambabae.

"Elinor! Stop! Damnit!" I shouted out of my frustration at itinulak siya palayo kay Theo. Dahil isang sapatos lang ang suot niya ay na out of balance siya, buti na lang sinalo siya ni Rion.

Elinor looked at me with a shocked expression. Her mouth was slightly open. Tumayo siya at ipinagpag ang skirt niya.

"Did you just curse me Liz? Ipinagtatanggol mo pa yang demonyitong yan?" she calmly asked.

"Elinor naman! You're out of this you know? You don't need to protect me and play like my mom because you're not! Kung anuman ang problema namin ni Theo, wala ka nang pakialam do'n!"

She looks like she's gonna cry and I feel guilty for that. Suddenly I felt the urge to take back the crap that I have said and hug her tight.

"Okay sige Elizabeth Tamayo! Magsama kayo!" she said as she walks out. Rion stared at me with disbelief as he shakes his head at sumunod na rin siya kay Eli.
Hinarap ko naman si Theo and I hold his cheeks.

Walang Kwento Where stories live. Discover now