Borrowed Happiness

194 14 1
                                    

ROMANCE

Ika- 28 ng Enero noong araw na iyon at maalinsangan ang paligid nang makita ko siyang naglalakad kasama ang mga kaibigan niya sa pasilyo ng paaralan.

Yumuko ako upang hindi niya ako makita. Kapag nagkataon kasi'y pulos kutya ang aabutin ko sa barkada niya. Kilalang kilala ko na siya. Mula pa pagkabata'y magkaklase na kami. Hindi ko alam kung napapansin niya ba ako. Barkada niya lang kasi ang nakakapansin sa akin kapag gusto nila akong ibulas. Hindi ko alam kung alam niya bang nabubuhay ang isang Morri Rosales. Ang alam ko lang, siya ang lagi kong napapansin at napaglalaanan ko ng aking atensiyon tuwing ako'y nasa paaralan.

Siya ang tipo ng babae na kapag nakita mo ay susundan mo talaga ng mga mata hanggang sa paglaho niya sa iyong paningin. Palibhasa'y tila porselana ang kaniyang balat, kulay rosas din ang kaniyang pisngi, mayroon siyang mamula-mulang mga labi, matangos na ilong at mabibilog na kulay itim na mga mata na tila punong-puno ng samu't saring emosyon. Siya si Arisse Izon.

Nakagiliwan ko nang tingnan siya sa malayo. Nakagiliwan ko nang mamangha sa kagandahan niyang taglay. Nakagiliwan ko ng obserbahan ang pag-hinga niya ng malalim at pagkunot ng kaniyang noo tuwing hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa pagsusulit. Hindi ko alam na sa sobrang pagkagiliw kong gawin ang mga iyon, nagkaroon na siya ng puwang sa sistema ko. Hindi buo ang araw ko tuwing wala siya sa klase. Malimit akong mabuwisit kapag siya'y liban o dili kaya'y inilalaban sa iba't ibang uri ng patimpalak. Masyado siyang matalino. Hindi ko alam na sa bawat araw na lumilipas, sa bawat oras na inilalagi ko sa paaralan, sa bawat minutong makikita ko siya sa daan, sa bawat segundong makakausap ko siya sa tindahan ay unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya... nalulunod sa pagmamahal na alam kong ako lang ang nakakaramdam, sa pagmamahal na alam kong hinding-hindi niya masusuklian.

Langit siya, lupa ako. Alam kong masiyado nang gasgas ang katagang iyan subalit 'yan naman talaga ang estado namin. Masiyado siyang mataas. Sa sobrang taas, alam kong una pa lamang ay mahihirapan na akong abutin ang isang babaeng kagaya niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa pasilyo ng paaralan-iniiwasang mapansin ako ng kaniyang mga kaibigan. Pero hindi yata ako masuwerte ng araw na iyon.

"Hoy Morri!"

Agad akong kinabahan ng marinig ang boses na iyon. Boses iyon ng isa sa mga kinatatakutang babae sa aming paaralan. Si Jordan. Isa siyang lalaking nakulong sa katawan ng isang babae- tomboy.

Dahan-dahan akong lumingon at iniangat ang aking paningin.

"B-bakit?" kinakabahang tanong ko. Ramdam ko ang pagpintig ng puso ko sa kaba. Kung pagtutulungan nila ako ngayon ay siguradong wala akong magagawa... kailan ba ako pumalag?

Sinenyasan niya akong lumapit kung kaya't nanginginig ang aking tuhod ng ako'y lumapit sa kaniya. Pinanatili kong nakayuko ang aking ulo upang hindi ako makita ni Arisse. Nakakahiya kasi.

Naramdaman ko ang paglapat ng makalyong kamay ni Jordan sa aking baba at iniangat niya ito. Tinitigan niya ako sa mata. Iyong titig na mapapatakbo ka dahil sa kaba.

"Jordan, okay lang naman na wala akong partner e-" narinig kong pagpoprotesta ni Arisse. Napakaganda talaga ng kaniyang tila anghel na boses sa aking pandinig.

"Tumahimik ka nga Arisse!" pabulyaw na putol sa kaniya ni Jordan ngunit sa akin pa rin ito nakatingin. Hindi ko gusto ang pagbulyaw niya sa babaeng pinapahalagahan ko pero wala akong magagawa.

"May partner ka na para sa tango sa P.E.?"

Napaisip ako at naalala si Yumiko- iyong babaeng bersiyon ng aking sarili. Nagkausap na kasi kami na kami ang magkapartner para sa sayaw.

Walang Kwento Where stories live. Discover now