Kapatid

203 12 0
                                    

DAGLI

"'Ma, may aso rin ba sa farm ni Tito?" tanong ni Irina kay Mama.
"Oo naman, may mga pusa pa nga, alam kong magugustuhan n'yong maglaro roon," sagot ni Mama.
"Huwag lang kayong maliligo sa ilog okay? Baka malunod kayo," paalala naman ni Papa.
Tumango-tango lang kami. Sa loob ng isang oras na biyahe ay kinukuwentuhan lang ako ng aking labintatlong taong gulang na kapatid na si Irina ng mga plano niya para sa tatlong araw na paglalagi namin sa farm ni Tito Bert. Mataman lang naman akong nakikinig.
Hindi nila ako kadugo. Ampon lamang ako ngunit itinuturing ako ni Mama at Papa na parang tunay na anak.
Nang makarating kami sa aming destinasyon ay agad na bumaba kami ni Irina.
"Ikaw na muna ang bahala sa anak namin Bert," bilin ni Mama kay Tito.
Ngumiti at tumango naman si Tito.
"Babalik kami pagkatapos ng tatlong araw. Businesses," paliwanag ni Papa bago sila umalis.
Nang makalayo na ang kotse nila ay tumingin sa amin si Tito Bert. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ni Irina bago siya nagsalita, "Tara, pasok na tayo sa loob."
Pumasok siya at sumunod kami.
"Tito, saan po ang kwarto namin?" tanong ni Irina.
"Halika, sasamahan kita sa kwarto mo," aya ni Tito at hinawakan ang braso ng aking kapatid.
"Pero, tito... sabi ni Papa dapat daw magkasama kami sa iisang kwarto--"
Nakita ko ang paghigpit ng kapit ni Tito sa braso ni Irina.
"Kanino bahay 'to?" mariing tanong ni Tito.
"I-inyo po."
"Tama, kaya susunod ka sa gusto ko. Wala rito ang papa ninyo kaya wala akong pakialam sa mga sinabi niya sa inyo. Makikinig ka at susundin mo ako, maliwanag?"
Walang nagawa ang kapatid kong babae kundi ang tumango na lamang.
Hinila siya ni Tito papunta sa isang kwarto at sumunod akong may tinatambo na dibdib.
Itinulak ni Tito papasok si Irina at tinitigan niya ako ng masama. Napayuko ako dahil sa takot.
"Good boy, dito ka lang." Pagkasabi no'n ay isinalpak niya ang pintuan sa aking mukha.
Mayamaya pa ay narinig ko ang sigaw at pagmamakaawa ng aking kapatid. Kasunod no'n ay ang isang malutong na sampal.
"Lumaki kang maganda Irina, kung hindi ko natikman ang ina mo'y ikaw ang titikman ko," narinig kong wika ni Tito Bert.
Napuno ng pag-iyak ni Irina ang kwartong kinasasadlakan nila. Iyak na wumawasak sa aking puso. Iyak na nagiging sanhi ng impit na pag-ungol ni Tito Bert. Iyak na dahilan upang tumulo na rin ang aking luha.
Hindi mapakaling nagpaikot ikot ako sa aking kinatatayuan. Gusto kong tulungan ang kapatid ko. Gusto kong buksan ang pinto. Gusto ko... pero hindi ko kaya.
Tinitigan ko ang aking apat na mga paang may malambot na puting balahibo at batik na itim.
Kung sana'y maabot ko lamang ang seradura...

Walang Kwento Where stories live. Discover now