Chapter 56 ♚

35.7K 840 26
                                    

The Bitchy Gangster Queen 56

Natulos sa kinatatayuan niya si Queen. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig habang nakatingin sa taong malabong makita niya uli.

"G- Gray..."

Ngumisi si Gray... No. Isip niya.

"Tsk. Tsk. Tsk." Naiiling na sambit nito. "Now you remember me."

Nanuyo bigla ang lalamunan niya. Hindi parin siya makapaniwala. Paanong...? Paanong nandito siya? Ang sabi nila... wala na siya.

Ngunit bakit ito nandito? Bakit gusto siya nitong patayin? Galit pa ba ito dahil sa ginawa niyang pag-iwan dito? But then again she thought... of course, who wouldn't?

"Why...?" she asked silencing him. "Why do you want me gone? Ang sabi nila... Ang sabi nila..." hindi niya nagawang ituloy. Hindi niyq kaya sabihin.

Bigla itong tumawa ng malakas na ikinagulo ng isip niya lalo. Umiling muli ito. "You're wrong. You're answer is wrong. That question is also wrong." He said.

I don't get it. Did they keep something from her?

"But one thing is right. Yes, Gray's dead. He's all long gone." He said. Anger and hatred was written on his face.

Then why...

"You're really unfair, Scarlett. You're a monster! You killed him, right? Don't act like you care about him because If you do, we wouldn't be here."

Nanlamig siya. N- No... I... I did not kill him. It can't be! Anong sinasabi niya!? Kung ginawa ko iyon then who...

"Who are you?"

Lalong lumawak ang ngisi nito. Ang sumunod na sinabi nito ang nag pabilis ng tibok ng puso niya.

"I am Silveron Lim Marrocos, the twin brother of the person you killed five years ago." He said.

Nanlaki ang mata ni Queen. What? T- Twin? How come?!

"Yes, Scarlett, l am just the twin brother. At lahat gagawin ko mapatay lang ang taong pumatay kay Gray!!" Sigaw nito matapos ay sumugod na sa kanya.

Pakiramdam ni Queen bumagal ang oras sa lahat ng narinig. Hindi maproseso ng utak niya ang mga nalaman.

Hindi niya alam.

Hindi niya alam na may kapatid ito. Ang malala, kakambal pa. Alam niya na si Clarisse lang ang kapatid nito, even though Princess was adopted. Gray never mentioned him having a twin brother to her. Mariin siyang napapikit. Bakit hindi nito sinabi?

Nabalik siya sa wisyo nang maramdaman niya ang mabilis na bagay na dumaan sa gilid ng leeg niya. Humapdi ito.

Napamura siya sa isipan at itinuon ang pansin sa kaharap. Nakatutok ang baril nito sa kanya. Gamit ang natitirang lakas, dali-dali siyang tumakbo pasugod doon. Ginamit niya ang dalawang katana bilang pananggala.

Nanlaki ang mga mata ni Silver nang tuluyan siyang makalapit nang hindi manlang madadaplisan ni isang bala. Isang kalabit pa, wala ng lumabas na bala doon.

Blanko ang ekspresyon ng itinutok niya ang hawak sa leeg nito. Wala na iting laban.

"Wae?" Tanging nasabi ni Queen habang nakatingin sa mga mata nito. Nanginginig ang katawan niya. Hindi dahil sa takot kun'di sa galit. "I didn't kill Gray. Wala akong alam sa sinasabi mo." Aniya.

Doon naman muling nabakas ang galit sa mukha ni Silver. Naikuyom niya nag mga kamay. "Then I'll make you remember." He said.

Ang araw na pinakaaabangan ng lahat. Ang muling pag tutuos ng Death Wing'x at Dark Poker.

The Bitchy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon