Chapter 23 ♚

60.9K 1.9K 192
                                    

The Bitchy Gangster Queen 23

SCARLETT

Tunog ng bell ang bumasag sa katahimikan ng lahat. Salamat naman. Kahit alam kong magaling magturo ‘tong prof namin ngayon, hindi parin ako nakinig lalo na't inaantok talaga ako at kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.

Lalabas na sana ang mga studyante ngunit agad itong pinigilan ng prof at pinaupo uli. Ano ba naman 'yan? Don’t tell me, mag-over time siya? Oh, hell no!

“Pasensiya na class, may nakalimutan lang akong sabihin.” Saad ng prof at nag-peace sign pa. Tumahimik naman ang mga tao sa loob ng klase at walang nagsalita, bakas sa mga mukha nito na nilang lumabas.

“Alam niyo naman siguro na malapit na ang Sports Fest.” Panimula ng prof.

Parang lumiwanag naman ang mga mukha ng mga kaklase ko, kung kanina bagot na sila, ngayon halata mo na sa mukha nila ang pananabik. Ito namang mga katabi at nasa likod ko ay parang wala lang sa kanila. Alam niyo naman siguro kung sino ang mga tinutukoy ko.

“Last year, normal na competition lang meron tayo at dalawang university lang ang kalaban natin, ang St. France University at Hampton University. But this year’s gonna be different.” She said and paused. Natahimik muli ang paligid at nag-aabang sa susunod na sasabihin niya. “May madadagdag na dalawa pang contender… ang Anton High at Silver University.”

“What?!” Sigaw ng mga nasa likod namin kaya napalingon kami sa kanila.

“Did you just say Silver University?” Hindi makapaniwalang tanong ni Micky.

“Yes, you heard it right.” Napanganga naman sila.

“Fuck, what was tita Laurent's thinking?” Shin asked.

What’s with the fuse? What’s with Silver University? Parang pamilyar pero hindi ko maalala kung saan ko narinig.

“Okay, may I continue now?”

Everyone went silent.

“May mga nadagdag rin na paglalabanan ng mga sasali, para daw mas maging maganda ang labanan ay magkaroon ng buhay ang festival. There are now gun shooting, amazing race, sing and dance competition, and of course, battle of the bands.” She informed.

Nag tilian naman ang mga estudyante kaya napataas ang kilay ko at bahagyang napapikit. Napakaingay! Akala mo naman sila magpapanalo ng mga laban kung makatili wagas.

“By the way, lahat ng estudyante ay required sumali sa ano mang related sa festival. You can pick any sports but only in maximum of five and make sure you can handle the schedule. If not sports, you can join the group competition or handle some booths. Additional points and exempted sa midterms kung manalo ang club na sinalihan niyo.” ngumiti si Miss bago nagpaalam na at tuluyang lumabas ng klase.

Muling nag hiyawan ang lahat nang marinig ang exempted. Katulad ng prof, unti-unti narin tumahimik at nauubos ang tao sa loob ng klase hanggang sa kami nalang ang natitira dito sa loob.

“Sports Fest?” Napatingin ako bigla kay Liza.

“Yes, ‘yun ang sinabi ni ma’am e. Kailangan ba talaga sumali?” Tanong ni Pre.

“Oo naman! Dapat sumali kayo!” Biglang sabat si Shin.

“Hindi ikaw ang kinakausap!” sigaw sa kanya ni Pre.

“Ito! Ang sungit mo naman, babe.” Tampo nito at ngumuso.

“Ew, hindi bagay sayo mag-pout, uh, kilabutan ka nga! at anong babe? Are we close?!” masungit na bara ni Pre at inirapan ito.

The Bitchy Gangster QueenWhere stories live. Discover now