Chapter 52 ♛

35.2K 879 29
                                    

The Bitchy Gangster Queen 52

Buong lakas na hinagis ni Queen ang katawan ng kalaban na buhat niya. Nawalan ito ng malay dahil hindi nakayaan ang sakit na natanggap mula sa bali nitong binti at daliri.

Mabilis siyang tumakbo at sinalubong ang sumugod pa sa kanya.

Nagulat ang kalaban at nanlaki ang mga mata. Sumaklob ang kilabot sa buong katawan niya nang masalubong ang mga mata nitong malamig at walang emosyon. Sa segundong iyon… alam niyang nawalan na siya ng laban.

Mabilis na yumuko si Queen para iwasan ang sipa matapos ay agad inangat ang katawan kasabay ng kamay. Saktong nasalo niya ang leeg nito. Kita niya sa mukha ng kalaban ang takot.
Wala siyang paki.

Diniin niya ang pagkakasakal dito. Ramdam niya ang pagkakabaon ng kuko sa balat nito. Napahiyaw ang lalaki.

Hindi pa man nabibitawan ang leeg ay mabilis niyang itinagilid ang katawan para iwasan ang parating na atake. Imbis na sa kaniya, ang batuta na hinampas ay sa mukha ng lalaking sakal-sakal niya ito tumama.

“Shit!” Gulat na singhal ng lalaking humampas at nabitawan ang hawak.

Tumaas ang kilay ni Queen at pinakawalan ang sakal. Bumagsag itong hawak ang ilong na basag ngunit hindi rin nagtagal ay nawalan na ito ng ulirat.

Naramdaman niya ang pagtulo ng malapot na likido sa mga daliri niya. Hindi niya iyon inalinta at sumunod na sinakal ang humampas na ngayo’y nanginginig na.

“P- Parang awa mo na… a- ayoko pang mamatay!” takot nito. Napahiyaw ito nang maramdaman ang pagbaon ng mga kuko niya.

Pasimpleng pinasadahan ni Queen ang paligid. Naiinis siya dahil marami na siyang napatumba ngunit tila hindi nauubos ang mga ito. Patuloy nadaragdagan ang mga umaatake sa kanya.

JUST HOW MANY ENEMIES ARE THERE? DAMMIT!

Masama niyang tinignan ang lalaking sakal at sinampal ito. Nanlaki ang mata nito sa gulat. Siya naman ay nakakapangilabot na ngumiti dito.

“See you in hell.” Aniya at mabilis itong binitawan kasunod ng mabilis na pag round kick. Tumama iyon sa panga nito at bumagsak ng walang malay.

Ganon rin ang ginawa niya sa sumunod. At sa sumunod pa.

Malakas niyang sinipa ang isa. Napaatras ito at napasuka ng dugo. Mabilis naman siyang tumakbo, ginawang sampahan ang likod nito tsaka tumalon kasabay ang pag sipa sa mukha ang dalawang kalaban na nasa likod nito.

Hinugot agad ni Scarlett ang dagger na nakatago sa boots niya ng makalapag muli sa lupa at ginamit iyong panangga sa kunai na muntik ng bumaon sa kanya.

Assassins? Wow. He must be very desperate to kill me. He even manage to hire an assassin.

Malakas niyang itinulak ang assassin ngunit nagawa nito agad na makabawi at hiniwa siya. Tumama iyon sa manggas ng suot niyang itim na jacket. Nasira iyon at sumilip ang maliit na parte ng kutis niya.

Inikot ni Queen ang hawak na dagger. Binaliktad niya iyon ng hawak tsaka sinugod ang kalaban. Nagawa nitong makaiwas at gumanti sa kanya. Nagawa rin nitong makipag sabayan sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mapangisi.

He hired a good assassin but sorry, I am stronger.

Napaatras ang assassin nang sipain niya ito at tumama sa dibdib. Natigilan ito at kitang-kita niya sa mga mata nito na hindi makapaniwala.

That must have hurt.

Muli siyang sumugod. This time, much faster than earlier. Hindi niya na hahayaan pang makatira ito.

The Bitchy Gangster QueenWhere stories live. Discover now