Chapter 16 ♚

57.3K 1.6K 22
                                    

The Bitchy Gangster Queen 16

SCARLETT

Nakapalumbaba at nakatunga-nga lang ako habang nakatingin sa harap. Nag sasalita ang prof sa harap pero hindi ko rin maintindihan dahil napakahina ng boses niya. Ang ibang ka-blockmate ko nga ay napapa-head bang na sa antok at ang iba tuluyan ng nakaubob. Good thing I already did my advance study, at kahit papaano alam ko na kung ano ang itinuturo niya.

What a waste of time. Tinatamad rin akong mag lakad-lakad at tumayo sa kinauupuan ko para mag-gunting kaya tamang tiis muna.

And finally, every student’s prayers have been heard when the bell rang and they all immediately stood up to leave the room.

Wow. What a sight.

Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko sa balikat. Napatingin naman sa akin sina Max at Rae na may nagtatanong na mga mukha. Wala sina Pre at Liza dahil Arts ang klase nila ngayon.

“Where are you going? Dito parin ang sunod na klase.” Tanong ni Max.

“Nah, mauna na ko. Inaantok ako.” sabi ko sa kanila at lumabas na.

Balak kong tumambay ulit sa taas ng puno sa harap ng HQ nila Chase. Naisipan kong duman muna sa cafeteria upang bumili ng maiinom.

I bought a bottle of water and salted caramel milktea with extra pearls. Nilagay ko sa bulsa ko ‘yung bottled water dahil maliit lang naman 'yon at kasya naman talaga. Tinanggal ko ang takip sa milktea dahil ang paburito kong papakin ang mga sago nito.

Palabas na sana ako ng lugar na 'yon nang biglang may lumitaw na pigura sa harap ko at nag kabanggan kami.

Napatigil ang lahat ng tao sa loob ng cafeteria at napasinghap. Pati ang dalawa nitong kasama. Why? Because I ended up splashing my drink at her accidentally. What a lucky day.

Sayang milktea.

Sabay kaming napatitig sa uniporme niyang mas nauna pang matikman ang milktea ko bago hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

“Did… did you just…” nag titimping tanong niya na hindi natapos.

Tinitigan ko siya. She’s actually looks pretty but still can’t top me and my girls. I find her familiar though.

Then one memory from the past suddenly came through.

Oh, okay.

Was she that girl? She changed her hair but they did look the same. I forgot her name. She was a model and quite famous before but when I debuted, I guess they don’t want her anymore.

“What?! Are you just gonna stare? Look what you just did!” she screamed at me.

Wow. Her loudness. Halatang maarte. Magkaharap lang naman kami. Ang tapang. Hindi ba niya ako kilala? Mukhang kapapasok niya lang dahil sa dalawang linggong pananatili ko dito, ngayon ko lang siya nakita.

Walang gana ko siyang tinignan at ang damit niyang dugyot, tapos ibinalik sa mga sa mata gamit ang malamig na tingin. “Ano gusto mo gawin ko? It’s not just my fault. Hindi ko kasalanan na tanga ka at hindi rin nakatingin sa dinadaanan kaya natapunan ka ng milk tea.” Malamig na sambit ko.

Wala sana akong balak sungitan siya dahil may kasalanan rin naman ako kaso binuyawan niya agad ako. Hindi rin naman siya nakatingin sa daan at okyupado sa dalawang pang kasabay. Kung makasisi siya para bang ako lang ang may kasalanan at parang sinadya ko pa. Ang kapal.

Mukha siyang nasindak sa lamig ng boses ko. “Tinawag mo akong tanga?! H- hindi mo ba ako kilala?” tanong niya.

“No, and I don’t care. Wala akong balak kilalanin ka. Masasayang lang ang oras ko.” Aniko.

Napanga-nga naman siya sa sinabi ko pati yung dalawang haliparot na kasama niya.

“You… You don’t know me?! Ugh! Goodness!” Hindi makapaniwalang tanong niya.

What? Anong problema kung hindi ko siya kilala? 'E siya ba kilala ako?

“Hindi mo siya kilala?!” Sabay tanong ng mga kasama niya.

Tinignan ko sila ng hindi-ba-obvious-look. Nagkatinginan naman sila tapos sakin ulit. Tinaasan ko sila ng kilay.

“She’s the one and only PRINCESS of Royal University, PRINCESS ALEXIS DELA VEGA!” saad ng haliparot number one.

Tumango-tango naman ang isa habang napangisi naman iyong Alexis. Right, that was her name.

“Alam mo na? Hindi mo kilala ang binabangga mo, bitch.” nag-aangas na saad ni Alexis.

Napataas kilay ko. “Share mo lang? By the way, thanks for the compliment. Yes, I’m a bitch and so? Dapat na ba kong matakot?” taas noo kong laban.

“Dapat lang! Kaya kitang pahirapan hanggang sa magmakaawa ka at ng mawala ka na sa paningin ko.” Sagot niya.

Natawa naman ako. Ako mag mamakaawa? Kahit kailan, hinding-hindi ko makikita ang sarili kong nag mamakawa ninoman. Siya yata ang hindi ako kilala.

I smirked. “No, princess, you can’t do that. How 'bout you? Do you… know me?” I asked, scaring them.

“A- and why would I waste my precious time knowing you?!” She asked, getting nervous.

Napailing ako. “Alam kong kilala mo ako. Kaya rin kitang pahirapan in just one snap. Kaya ko kayong pabagsakin in just a blink of an eye including your families. Don’t try me.” I said using my serious and dangerous tone.

“B- Bakit? Sino ka ba?” Natatakot na tanong nila.

“Why don’t you ask them?” Sabi ko at tinuro ang mga stupidents na nanonood sa’min. Tumingin naman sila sa paligid at ganon nalang ang pagkagulat at pagkunot ng mga noo nila nang mag-iwas ang mga ito bigla ng tingin.

“Let’s see if you can still talk back to me after learning who I am. See you around, princess.” I teased as an evil smile form from my lips and left them all curious there.

A Princess? I tsked.

Don’t make me laugh. She’s just a princess…. I’m the Queen.

ANNALIZA

“Yooo, girl, you won’t believe what I just heard.” Bungad agad ni Max nang makapasok ng silid. Kagagaling niya lang mula sa cr.

“What now?” I asked.

Ngumisi naman siya ng malaki. “Napaaway raw su Queen sa cafeteria kani-kanina lang.” aniya.

“WHAT?!” Gulat na tanong namin.

“For real?!” I asked.

Tumango naman siya. “I mean, not a fight-fight from what I heard, sagutan lang daw dahil aksidenteng natapon ni Queen ang inumin doon sa babae. Tapos doon na nagsimula nang sigaw-sigawan ng babae si Queen. My god, gusto yata mag suicide.” Aniya.

Natawa naman ang katabi ko. “I pray for their souls. Iba pa naman gumanti ang isang Scarlett. Nakakatakot.” Sabi ni Pre at niyakap ang sarili tila kinikilabutan.

“Nila?” Tanong ko.

Tumango ulit si Max. “Base on what I heard. Students on the hallway have been talking about it. Daming bulungan.” Sagot niya

“Sayang hindi natin nasaksihan.” Ani Pre.

“I agree.”

“Where’s Queen, by the way?”

I sighed. Saan na naman nag suot ang isang 'yon?

-

ReGenie

The Bitchy Gangster QueenWhere stories live. Discover now