Chapter 45 ♚

44.8K 1.1K 9
                                    

The Bitchy Gangster Queen 45

“King, tama na ‘yan.” Saad ni James nang maabutan na namang umiinom ang kaibigan. Tinapik nito ang balikat para kunin ang atensyon.

Bahagya itong natigilan ngunit agad rin muling kumilos para salinan ng panibagong laman ang kupita na para bang walang narinig. Napapikit siya nang tunggain ang alak at dinama anh maiinit na guhit nito sa lalamunan.

Napabuntong hininga naman si James. “Chase, please, sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nalaman niya na puro ganyan nalang ang inaatupag mo?” tanong niya.

“Wala na. Alak nalang dumadaloy sa katawan niyan.” Ani Micky.

Inis naman na napabaling ng tingin si Chase sa katabi. Sinamaan niya ng tingin ang dalawa pero imbis na matakot ay nginisian lang siya ng mga ito. He scoffed and looked away. These two won’t stop bothering him. He just wanted to make the time go fast and drinking is what he think was the solution.

He tsked. “Just let me be, okay?” iyan nalang ang nasabi niya bago ipagpatuloy ang pag-inom. “Ahh..” he huffed and stared at the glass he was holding.

1 week…

Tama. Isang linggo ng walang Scarlett sa tabi niya. Isang linggo na ni isang anino niya… kahit sandali lang… wala.

Chase groaned. Damn, I miss her! How come I lived twenty years alone then in four months being with her, I can’t seem to live without her anymore?

Matapos ang anibersaryo at ang gulong nangyari noon, wala na rin silang narinig mula kay Scarlett. Hindi nila alam kung ang nangyari o kung saan siya napunta. Walang balita. Mabuti nalang ay wala namang napuruhan o kahit sugatan sa mabilis na pangyayari noong gabing iyon. Naguguluhan man, pero alam nilang siyam na dahil kay Scarlett talaga ang distraksyon na ‘yon.

Walang nakakaalam sa kanila kung nasaan ang reyna. Kahit ang mga kaibigan nito. Tila ayaw yata talagang magpahanap.

“King…” tawag ni Shin.

Bakit kasi kailangan pa ‘to mangyari?

“King!” tawag naman ni James.

Ano ba talaga ang nangyayari?

“Chase, dude…” tawag rin ni Micky.

Bakit si Scarlett pa?!

“CHASE!!” sigaw ni Shin.

“What?!” inis na tanong niya nang makabalik mula sa malalim na pag-iisip. Tinignan niya ito ng masama. Bakit kailangan sumigaw?

“Don’t overthink, bro.” kalmadong saad ni James. “Huwag mo rin idamay ang baso sa problema mo. Kawawa naman.”

Agad naman bumaba ang tingin niya sa hawak. Doon niya lang napansin na sobrang higpit ng kapit niya dito. Halos lumabas na ang ugat niya sa kamay at onti nalang ay mababasag na ng tuluyan ang kupita. Mabilis na lumuwag ang hawak niya doon. Nababakas na ang basag doon. Malalim siyang napabuntong hininga.

“Alam mo ligtas ‘yong si Queen at alam kong may plano siya kaya hindi mo kailangan maging ganyan.” Saad ni James.

Tama siya. Alam naman ni Chase iyon pero…

“Urrggh!” gigil niya sa sarili at inis na nabato ang hawak na kupita kung saan matapos ay wala sa sariling ginulo ang hubok.

I badly miss her.

Wala siyang magawa. Gusto niyang makita ang kasintahan at mayakap. Gusto niyang makita ang ngiti niya. Ang amoy ng pabango niyang nakakaadik, pati narin ang mga labi nito. Pakiramdam niya mababaliw na siya.

The Bitchy Gangster QueenWhere stories live. Discover now