Chapter 9 ♚

71.8K 2.1K 162
                                    

The Bitchy Gangster Queen 9

Pag balik ko, ang bagong ligo na Chris ang bumungad sa akin. He's wearing a brown short and a plain black shirt. Nakasimangot siyang nag pupulot ng kalat.

"Oh, nakabalik ka na pala, Scar. There’s a comfort room just right around the corner, that way. You can bath there.” James informed and pointed the way beside me.

Tumango nalang ako at sinunod ang sinabi niya. Tama nga siya may tagong CR sa dulo ng madilim na hallway na 'to.

Pag bukas ko ng ilaw sa loob, salamin agad ang bumungad sa akin at agad akong nairita nang makita ang repleksyon. Naglakad ako sa labas ng ganito itsura ko? No wonder why I got people’s attention.

Napailing ako at nag simula ng maligo.



JAMES

Saktong marinig namin ang pagsara ng pintuan ng CR na pinasukan ni Scarlett ay siyang pagbaba ng dalawang gunggong.

"O, kayong dalawa, simulan na ang trabaho." Utos ko. Sinunod naman nila ito ng nakasimangot.

Napangisi naman ako. Kasalanan naman nila. Wala silang magagawa at 'di makakapag reklamo. It’s King's order.

"Nasaan si Scar?" Tanong ni Shin habang nagwawalis.

"Naliligo." sagot ko.

"Talaga?! Saan?!" Tanong agad ni Micky. Umandar na naman ang pagkamanyak niya.

Nagulat ako nang may mabilis lumipad na unan papunta kay Micky, sapul sa mukha nito.

"Maglinis ka nalang." Malamig na saad ni King. Bumalik naman agad sa pag lilinis si Micky habang hinihimas ang mukha.

"Impossible."

Napatingin ako kay Shin at Chris. Mukang hindi lang ako ang nagulat. When it comes to woman, Chase never cared aside from his mother and sister. Wala rin siyang paki sa kalokohan ni Micky pero kanina lang…

Did King just got mad?

Minutes past…

"Wushhh! Salamat at malapit na matapos!" Sigaw ni Micky at nag unat-unat.

"Oo nga! Buti naman." Sabi ni Shin sabay punas ng pawis.

"Daming natulong ni Scarlett.” sabi naman ni Chris na nag pupunas ng lamesa. Napatingin tuloy kaming lahat sa kanya kasama si King.

"Oo nga no? Anyari na doon? Buhay pa ba 'yon? Tagal maligo ha. Paraparaan." natatawang sabi ni Shin.

"Buhay pa naman. Kasalanan niyo. Sa tingin niyo ba madaling alisin ang icing sa buhok ko?" Napalingon kaming lahat sa nag salita.

Nanlaki ang mga mata namin at napalunok.

"O, anong mga mukha 'yan?" Taas kilay na tanong ni Scarlett.

Natahimik ang paligid.

Paano ba naman kasi, she's wearing a black short revealing her smooth long legs and plain white v-neck shirt na medyo malaki sa kanya pero heck! I still can see her curves!

Wowers.

Ngayon ko lang siya nakita sa personal at masasabi kong napakasexy niya talaga. Hindi binigyan ng magazines at online photos ang hustisya. Mas maganda siya personal kahit walang suot na kahit anong kolorete sa mukha.

Nagpupunas pa siya ng buhok dahil basa pa ang mga 'to. Ang masasabi ko lang ay... SHE'S SMOKIN' HOT.

Ibinaba niya ang tuwalya at tinignan kami. "Alam kong maganda ako pero baka naman matunaw.” Nakangising asar niya. “Buti nalang walang langaw o insekto dito sa HQ niyo kun’di kanina pa kayo nakalunok ng isa."

The Bitchy Gangster QueenWhere stories live. Discover now